Sunday, March 30, 2008

Hello?

Anong course mo? "comsci po!," "ah ako ba? engineering.." "Nursing natapos ko eh.." And so on.. Ang gaganda ng course nila noh? Mga bigatin. Hindi basta basta. Sabi nga nila, tayong mga teens ang mga susunod na mamumuno ng society. Sabi ng iba, we are the future. At ganyan din ang sasabihin nila sa mga future anak natin at anak ng mga anak natin. Bukod sa maganda at maangas ang kursong kinuha, Im pretty sure that some of them came from a good school. Lasalle, Ateneo, Ust, Up, St. Paul, Stscho and the rest follows.

Pinagmamalaki tayo ng mga parents natin sa kanilang mga kaibigan. "Etong anak ko, ang sipag mag aral nyan! Magiging arkitekto yan paglaki!" "Si jane nga hindi na natutulog para langm atapos yung kanyang review sa law exam nya eh!" "Yung bunso ko binilhan ko ng bagong pc dahil di kaya ng luma yung application na ginagamit nya!" Lahat ginagawa ng ating mgaa Magulang para makatapos tayo. Suportado nila tayo sa ating mga pangangailangan sa pag aaral. Gusto kasi nila para sa atin ang magandang future. In return, ginagawa naman natin ang part natin para makatapos kagad tayo.

Mahirap pero kelangan. Ito na nga lang ang pagsubok natin sa ating buhay habang tayo ay nag aaral pa. Oo minsan nakakatikim tayo ng failures pero hindi iyon hadlang para tayo ay sumuko kundi isa itong paghamon para tayo ay mag aral pa ng mabuti. Doblehin natin ang pagsusunog ng kilay. Pag ginawa natin to lahat ng maayos, makakamtan natin ang una nating tagumpay sa buhay. Ang makatapos sa kolehiyo.

O kay sarap ng pakiramdam na may diploma kang iprepresinta sa iyong magulang. Ang sarap din ng pakiramdam na pag tinanong ka ng "Anong trabaho mo ngayon iho/iha?" May isasagot ka.. at ang isasagot mo ng walang atubili..







"Sa call center..."

7 comments:

Certified Maldita said...

hehehe OK na sana eh.....

"O kay sarap ng pakiramdam na may diploma kang iprepresinta sa iyong magulang. Ang sarap din ng pakiramdam na pag tinanong ka ng "Anong trabaho mo ngayon iho/iha?" May isasagot ka" - i agree...super sarap ng pakiramdam na nandun ka stage at tinatanggap mo yung diploma mo...kaiiba ang feeling nito kesa sa graduation sa elem at high school.

~Pretty Coco~ Sanido said...

LOLZ!!! natawa ako sa answer ah. hahahahaha!!!!

ako c dyuhlie ♥ said...

sa call center!hahahahaha

Pat Gonzales said...

eh pano kung ung magulang mo mismo pumili ng course para sayo?
course na ayaw mo.hindi mo hilig.
at naka-ilang eksena na kayo ng mala-telenobela ay sila parin masusunod?
tsktsk.

labo ng comment ko. hahaha.

ok na sana eh. kaso natawa ako sa call center. :))

Miguel Singson said...

@ pat - yeh.. sometimes nangyayari nga yun.. pero di ko na ininclude sa tinype ko lol haha.. kasi ginagawa ko yan sa cellphone sa mall eh... bago ko tinype dito.. haha lol

Pat Gonzales said...

kawawa naman. ganun situation ko eh. hahaha


ay oh? wow naman. so talagang pinaghandaan mo yung blog :))

tingnan mo ung comment ko sa photoshop mo!

~Pretty Coco~ Sanido said...

lolz ako parang ganyan din. i end up being an entrepreneur course ko sa csb computer application. lolz parents ko ba naman mga negosyante, atsi ahia ko negosyante so i have no choice kung di maging negosyante din!!! typical chinese family hahahaha and my boyfriend is also chinese na negosyante din pero infairness to him licensed civil engineer sya! im sooo proud of him hehehe kasi engineer na negosyante pa. anyway enough of him... dude! pano di mageend up ibang tao sa call center e yun ata ang medyo mataas sweldo pag employee ka lalo na kung magstart ka palang pero one thing i hate in a call center is yung "ibang caller". daming airheads, daming feeling fashionista, daming manyak, daming feeling gwapo and pretty e mukha naman palaka at dragon, feeling mayaman, social climbers! yan madami nyan sa call center. i dont care tamaan ang tamaan. probably isa sya sa mga yon kaya tinamaan lolz! oh yeah i forgot to tell u migs nagwork ako for 4 months sa isang call center ah as data encoder. tanginang iba don na caller kala mo sino umasta ang mga puta! ayaw magtagalog.. sige ok lang! pero with the accent e kausap mo lang e mga kasma mo sa work! nagyoyosi galore kayo sa baba. hahahahahahaha.... meron ka maririnig " i bought a new lv bag eh worth 40k. GAGO! isipin mo nga magkano lang sweldo mo sa isang buwan 10k? 15l? tas bibili ka ng 40k na bag! hahahahahahahaahahahha!!!!!!!!! isang dakilang social climber. imagine isasacrifice ang two to three months na sweldo for a bag lang. natatawa ako tlga sa mga ganong tao. malamang migs meron magrereact dyan... "inggit ka lang!" why should i? yung sweldo nya na isang month e kaya ko kitain sa isang araw. yes!! yabangko e noh!!! pero thats true. hahahahahaha!!!!! san ka makakakita ng golfer na minimum wage earner? meron... sa gobyerno hehehehe... mga nanghuhuthot ng pera ng tao. natatawa lang ako sa blog na to. naalala ko mga kufalers sa call center na yun.