Wednesday, March 26, 2008

Alam nyo ba?

Alam nyo ba? Naaawa na ako sa sarili ko. I pity myself. Ako ang binatang walang kapera pera. Ang binatang graduate na 6 na buwan na ang nakalilipas. At hanggang ngayon, wala pa din akong natutulong sa nanay ko. Haay. Ako ay isa sa mga iresponsableng anak na nabubuhay ngayon sa Pilipinas na walang patutunguhan. walang future. haay. Naghahanap naman ako ng pagkakakitaan eh. Ang problema nga lang, wala pang nasagot sa akin.

May problema ba sa akin? wala naman dba? Maayos naman mga gawa ko. Ang portfolio ko maganda naman. pero bakit ganon noh, walang tumatanggap sakin. Hindi ako grumadweyt para lang bumagsak sa call center. Hinding hindi mangyayari yun. As mats as possible, ayaw ko magtrabaho dun. Sira na nga ang tulog ko nung nag aaral pa ako, masisira nanaman para lang sumagot ng kung kani kaninong tawag na wala na lang ibang ginawa kundi ang magreklamo at magbunganga. I think mas gugustuhin ko pang maging cashier sa mcdonalds kesa sa mag call center.

Ang nanay ko, nagiging desperado na din sa paghahanap ng trabaho para sakin. Pwede nya naman ako ipasok sa kumpanya nila, kaso ayaw nya lang kasi ayaw nya ng mga tao dun. dahil pag ako daw ay nasigawan at nilait dun, siya ang makakaaway nila. Pero syempre dba, kasama na din yun sa trabaho ang masigawa at mapagalitan kung hindi gusto ang gawa mo. Pero ganon talaga, mahal ako ng nanay ko eh. at mahal na mahal ko din sya. At naaawa na din sya sa akin. at alam ko na din kung bakit wala akong girlfriend hanggang ngayon. Kasi wala akong trabaho. SAD.

Alam nyo ba? Wala na lang ako ibang ginawa dito sa bahay kundi gumising ng maaga, kumain, manood ng tv pansamantala, at pagdating ng mga tanghali, nasa harap na ulit ako ng computer. nag iisip kung ano ba ang pede kong maisulat, pde ko puntahan na website, pde ko idownload, at kung sino bang babae ang pde nanamang i-add sa friendster. Pagdating ng mga hapon, babalik ulit ako sa tv, manonood ulit pansamantala, kakain, at pagdating ng mga 8pm, babalik na ulit ako sa computer, gagawin yung kaninang ginagawa ko. Mga 11pm, matutulog na ako. hindi na ako nagpupuyat. Ayaw ko na lumalim ang eyebugs ko. Ampanget ko na nga, papanget pa ako lalo.

Actually, meron naman akong pdeng gawin pala dito sa bahay bukod sa pagsusunog ng kilay sa harap ng computer. Pde ko linisin ang Electric Fan namin. ang Cr. ang kwarto. Minsan ginagawa ko pag asa mood ako. Pero kadalasan kasi.. asa harap ako ng computer talaga. Naiimagine ko nga, pag namatay ako, siguro sa harap din ng computer. ma-iistroke sa harap ng computer kakaisip ng pde pa ding i-blog. haha. Alam ko na ulit kung bakit wala pa din akong girlfriend hanggang ngayon. Hindi kasi ako nalabas ng bahay eh. Ang loser noh?

Alam nyo ba? Wala na akong pera. 50 pesos na lang ang nasa wallet ko. Dude, san ako makakarating ng 50 pesos? Takte kasi eh. ang Jeep 7.50. pero ang binabayad ko pa din 6 pesos. mukha pa din naman kasi akong student eh. Ang hirap kasi kapag nasilaw ka sa pera.. Hindi mo mapipigilan ang gumastos... Ako naubos pera ko talaga sa kakapanood ng sine. I love movies. hehe. Alam ko na ulit kung bakit wala akong girlfriend hanggang ngayon. Wala akong pandate. kasi wala akong pera.

Alam nyo ba? Hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko sa inyo. Ako si.. nah. lets just keep it this way.. Y'all call me Boris. bente uno anyos, mahilig mag blog, walang trabaho, walang pera, walang girlfriend. Ikinagagalak ko kayong makilala lahat.

No comments: