Monday, March 17, 2008

Tao.

Ang tao ay nahahati sa 3 uri. Ang Sosyal, Ang Normal, at ang mga Lokal.

Ang mga Sosyal ang mga taong nagpapatakbo ng sirkulasyon ng isang Society. Sila ang mga tinatawag nating mga Pinuno. Mayaman, Sikat, at may Kapangyarihan. Kadalasan ang mga sosyal na tao ay nanggaling sa mga Mamahaling Paaralan. Sila ang cream of the crop of the society. Untouchables ika nga. Palaging may mga alipores na umaaligid aligid sa kanila tuwing sila ay aalis. Bodyguard o Yaya.

Ang mga Normal naman ang mga taong nasa Middle Class. Sila ang mga Peasants. Nagtratrabaho para may mapakain sa kani kanilang Pamilya. Wala silang alipores, pero matindi ang samahan nila. Sila ay nagkakaisa. Sila ang sa tingin ko ang may alam kesa sa mga nangyayari kesa sa mga Sosyal. Sila ay nanggaling sa magandang eskwelahan na nagtuturo ng magandang edukasyon. Madalang lang sila sa mga Mamahaling Paaralan.

Ang mga Lokal ang dumi ng Society. Sila ay kalat kung saan saan. Eto talaga ang walang makakatibag sa samahan. Magkamatayan na kung magkamatayan. Eto ang palaging inuuto o hinahakot ng mga sosyal upang labanan ang mga Normal. Unting pagkain at pera, solb na ang mga Lokal. Ang mga lokal ay mga hindi nakapagtapos ng Edukasyon. Minsan hanggang Elementarya lang, minsan High School, Ang iba hindi na nakatungtong ng Kolehiyo, At iba din naman ay hindi na talaga nag-aral. Sila ang mga taong tambay na walang ginawa kundi mag sugal, maginuman, chumismis, at makipag away. Pag sila ang iyong nakabangga, siguradong ikaw ay uuwing sabog ang labi.

No comments: