Monday, August 22, 2005

Ang Babae sa Panaginip ko. A poem dedicated to my "maui"



Ang Babae sa aking panaginip..





May isang babae na lagi kong napapaginipan,



siya ay si “maui” na aking kinagigiliwan.



Ang dalagang ito ay sintapang ng leon,



hindi natatakot kahit san man sya naroon.






Si “maui” ay isang totoong dalagang filipina,



pihikan pagdating sa pagpili ng binata.



hinding hindi makukuha kagad ang kanyang OO,



kailangang ikay maghirap ng sobrang todo.






Sa tuwing siya ay kasama ko akoy nahihiya,



kapag siya ay kausap, ako ay namumula,



kapag katext sya ako ay kinikilig,



halos umabot sa kalangitan ang puso kong pumipintig.






Ngunit ang “maui” ko, sa panaginip ang kaligayahan,



dahil sa mundo natin siya ay puno ng kalungkutan.



Akoy sadyang nanlulumo sa kanyang katayuan,



kaya andito ako upang siya ay tulungan.






Well well, ako ay nagising, umaga na pala,



nawala ang “maui” ko na parang isang bula,



Pinipilit ipikit ang mga mata,



masilayan lang ulit siya ako’y masaya na.





No comments: