Sunday, February 7, 2010

KALBO! Masamang Tao.

Simula nang tumapak ako sa Kolehiyo ay kalbo na ako. Hindi dahil sa ako ay may puting buhok kaya ako kalbo. Kundi yung upper part ng ulo ko (sa may noo) eh wala na hair kahit tumubo pa, atsaka kulot ang bangs ko which is nakakairita, and lastly, hirap ako magstyle ng buhok. Noong highschool kasi ako, nagkaron ako ng habit na habang hindi nakikinig sa pagtuturo ng aking guro, binubunot ko ng binubunot yung buhok ko. kaya yun. napanot ako.

At ngayong taon na to, mukhang magbabago na ang ihip ng hangin. Sa aking pinagtratrabahuhan, kelangan ko magpahaba ng buhok dahil rule ito sa kanila. nung una eh di pa ko napapansin eh. pero nung medyo tumagal tagal na, ayun tinanong na ako kung may problema ba ko sa buhok kaya ako nagpapagupit. syempre wala naman akong major problem sabi ko lang gusto ko lang kalbo talaga. pero it aint enough reason to persuade them na kalbo ako. kaya eto. nagpapahaba na ko and so far, mag 2 months na pero hindi pa din sya ganon kahaba, and, ang dungis dungis ko na tignan. at ang masama pa nito, kating kati na ko.

Sino ba kasi ang nagpasimula ng kasabihang "Kalbo masamang tao?" Sa totoo lang, hindi ako naniniwala na pag kalbo ka eh mukha ka na masama. Pag kalbo ka, nagmumukha ka ngang karesperespeto eh. Malinis tignan. Pero yun nga lang, minsan may binabagayan talaga ang pagiging kalbo. Buti na lang sakin kahit papano bumagay.

Ano bang advantages ng pagiging kalbo? una, madali kang marecognize. pag tinanong "sino nga ba yung magaling magbasketball na yun?" ah yung kalbo. o diba? pangalawa, hindi ka mamromroblema sa hairstyle mo. pangatlo, hindi ka maiinitan. at kung pagpawisan ka man, direcho lang ang bagsak ng pawis mo. hindi na yung dadaan daan pa sa bangs o kaya sa mga strands ng hair mo. lastly, malinis at presentable ka tignan. :)

E ano naman ang disadvantages ng pagiging kalbo? UNA. kahit na anong gwapo mo o exotic looking ng mukha mo, tingin pa din ng madla sayo eh masamang tao. Hindi ko alam kung bakit, pero yun ang tingin nila sayo. kahit na magsuot ka pa ng salamin. PANGALAWA, kung kalbo ka talaga, at yun ang gusto mo, linggo linggo kang pupunta ng barbero para magpa-ahit. pero kung may razor ka kaw na lang umahit sayo. pero kung ikaw, ingat na lang baka di pantay pantay yan pag ikaw gumawa. PANGATLO, lagi kang tatawagin ng tao KALBO which is kinda nakakairita diba.

Pero kung sinasabi nilang Masama ang Kalbo, Bakit andaming bidang kalbo sa mga Movies, Series at Cartoons? Ilang halimbawa nito ay sina Micheal Scoffield. si Lincoln Burrows. Si Fernando Sucre. si Triple XXX. si Professor X. si KRUM! at syempre, si HOMER. At sino ba ang naghahari at pinakasikat na basketball player sa buong mundo? kalbo. si Micheal Jordan.

Pero... napaisip din ako dito sa trabaho ko. di kaya't ayaw nya ng kalbo dito eh dahil rakstar sya? kasi diba, wala namang kalbong rakstar. except for mah main man, Reg Rubio of Greyhoundz. hmmm. yun nga ba kaya? Pero teka. hindi naman ako kalbo eh. kasi kahit papaano, may kakapiranggot pa din akong buhok. kita lang yung anit. haha. :D

Kung ang Kalbo ay masamang Tao. Edi lahat pala tayo masamang tao. Dahil nang pinanganak tayo, kalbo tayo. diba? So.. wala palang mabuting tao. Lahat pala tayo, masama. Kaya pala tayo may buhok ay nagbabalat kayo lang pala tayo para di mahalatang masama. Daym. So I guess, may tama din pala ang nagsabi nun.

6 comments:

rocky boswell chan said...

Micheal Scoffield. si Lincoln Burrows. Si Fernando Sucre puroprison break ah, ganda ng example mo ah eh puro fugitive yan eh!!! masasamng tao rin si triple XXX din ganun din masamaang tao si professor X nung kabataaan niya wanted din ng mga pulis!!! hahahaha

Je-Anne Starfish said...

yummy ang kalbo *lmao*

Miguel Singson said...

@ Boswell - so kung masamang tao sila bat sila bida? duh.

krish krish said...

NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT

Unknown said...

LOL si bamboo kalbo din dati! yung vocalist ng kamekazee ngayon kalbo din, tska ung second voice... praning lng ung mga taong nag sasabing kalbo masamng tao?? :D

Unknown said...

LOL my mga kalbong rock star, Si Bamboo kalbo din sya dati, yung Vocalist ng Kamekazee at Second voice kalbo din ngayon...