Tuesday, October 28, 2008

Outcast.

Dumating na ba sa buhay niyo ang ma-op? ang hindi makasama sa "IN?" ang maiwan sa ere? ang mawala sa sirkulasyon sa buhay? Ang lungkot noh? Yung parang kinamumuhian ka dahil hindi ka cool o kaya hindi ka sikat. Parang sa high school, kapag weird ka, ayaw ka nila, kapag mataba ka, ayaw nila sayo, Kapag wala kang pangalan, hindi ka nila kakaibiganin. Kapag panget ka, olats ka. Wala kang friends. Katulad din yan ng texting eh. Kapag hindi ka Globe sorry ka wala kang friends. Parang kung ihahalintulad natin ito sa sinaunang panahon, kapag may sakit ka, o kaya naman nagpapagamit ka ng laman, Lahat ng tao ayaw sayo at kinaiinisan ka talaga nila. Imbis na tulungan ka pa eh babatuhin ka pa ng mga bato at kung ano ano pang sasabihin sayo. Minsan, papaalisin ka pa sa Community nila.

Ang hirap pala. Ang hirap ng hindi ka kinakausap. Ang hirap ng hindi ka pinapansin. Lalo na kapag pinaparamdam na sa iyo na "you ain't one of us." Yung parang kinakatay ka ng sooooobrang bagal. Parang bago ka patayin, tinotorture ka ng sobrang solid. Ang saklap. Ang lungkot. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Parang narinig ko sa T.V nung minsa'y akoy nanonood, "You gotta be somebody to be Loved by everyone." Sa ano ata yun, Talladega Nights: The Legend of Ricky Bobby. I guess his right. Kelangan mong sumikat para makilala. Kelangan mong maging someone para mag standout ka. So paano mo gagawin yun? Sabi nila, you have to earn it. Madaming dadaan na pagsubok sa buhay mo para maging isang somebody. Hindi ganon kadali yun. Mahirap talaga. Parang pera. You have to work harder and harder to earn your Kaching.

Pero sa sitwasyon ko ngayon, mahirap na. Ipinamukha na nga sayo, totorturin ka pa. Kaya pa naman eh. Pero sa nangyayari ngayon, nakakawalang gana na. Parang go-with-the-flow na lang. Hindi na tulad ng dati na may tuwa at ligaya. Nagiba na ang ihip ng hangin. Nabago na ang lahat. Ang hirap sumabay. Ang hirap sumabit. Oh well. siguro ganon lang talaga ang takbo ng buhay. Sumabay ka na lang. 

38 comments:

Enrico Dc said...

Oo. feeling ko nga palagi eh...

Enrico Dc said...

sa sobrang lungkot, dati inisip ko nang magpakamatay. dahil sa sobrang lungkot..

SouthChild 3rdworld said...

oo nga =(

Enrico Dc said...

nararanasan mo ba ngayon yan? buti na lang uso na ang Blogging ano?

Genesis Paredes said...

ako outcast. kasi pangit ako... sila magaganda.
punyeta sila.

Jetz Abela said...

ganito nalang. count your blessings. ganun talaga! ayoko na malungkot haha.

happy mischa said...

ako maitim kaya hinde "IN".HAHAHAHAHA>lngya ka.

bem montante said...

ewan ko ah... para sa akin kse... pag ina outcast ka ng ibang tao... malamng may nakikita sila sayo na hindi nila nakikita sa sarili nila.. parang sign of insecurity yan..pansinin mo... sino sino ba ang mahilig mang outcast at mang bully? So deadma lang...pag feel mo inoutcast ka....ibig sabihin nun may nakikita silang maganda sayo... eh dahil ayaw nila tanggapin yun... di ka na lang nila pinapansin. ;p

bem montante said...

ayos lang HPY ako rin maitim.. pero maganda naman kaya "IN" pa rin. LOL! ;p

-jhuly - said...

aww. yeah naranasan ko yan one time. sa family ko, kc sila daw ung totoong anak. ako hindi :( tae.

camille isip said...

oh well, tama ito :)

kit aquino said...

so do you understand why i don't like it so much?

zaren ramirez said...

miguel.. huuuugsh! walang pagbabago kaibigan mo pa rin kami nila pau. pag kelangan mo kausap dito lang kami ha... "YOU'RE DESTINED FOR GREATNESS!"

mac centeno said...

kung ayaw nila sayo eh...di wag.. hehe.. you have the right to
choose anybody u want to be with.. kung olats ka sa kanila..
mas OLATS sila.. ganun lang yun :P

nice post migs.

mina domingo said...

aww.. sad naman migs.. :(

ok lang yan, andito pa naman kami. hahaha

Jimo Herrera said...

ako mataba kaya hindi ako in huhu


LOL


sino umaaway sayo? upakan natin!

april malabute said...

hindi mo naman kailangan maging in eh... ganto nlang isipin mo... kung inaawt ka nila sa buhay nila, pwes, ang malas nila kasi hindi sila in sa buhay mo...

hehehhe...:)

john austria said...

hindi mo kailangan maging in dahil kung ano ka, yun ka lng dapat.... hindi mo ipipilit ang sarili mo sa alam mong hindi ikaw.....ang magnda eh alam mo ung identity mo hindi ung katulad ng iba plastik ,at hindi maintindihan kung ano at sino sila... ganito lng yan kung hindi ka nila kayang tanggapin kung ano ka hindi mo kawalan yun kundi kawalan nila yun... 2x greater ang mga taong gustong mga kasma ka kysa dun sa mga hindi...

DuNi @ said...

Outcast ako nung 4th year hayskul ko sa section namin... estapador daw kasi ako eh hahaha =))
pinanindigan ko kasi ung pagtira ng magasin sa library... trip lang...
pero dun ko nakilala kung sino ang talagang pwede kong dikitan after nung insidente...

gracylixious marquez said...

hugs....

dennis perdigon said...

pare ito na ang time para matuto ka uminom! inuman na tayo

PUTANG INA..............

jomylie castillo said...

wow seryoso!

VY Lim said...

grabe naranasan ko ito..maging outcast hayy..mga tao talaga..tsk tsk

miss malang said...

Parang sa high school, kapag weird ka, ayaw ka nila, kapag mataba ka, ayaw nila sayo, Kapag wala kang pangalan, hindi ka nila kakaibiganin. Kapag panget ka, olats ka. Wala kang friends. --- totoo ba to? wala naman akong naramdamang gantong pangyayare nung hs tayo... uhm or are you saying this in general? parang stereotypes lang naman. it aint true. siguro sa umpisa talga ma-oop tayo. but it's sure we'll later find our cliques.;p

Miguel Singson said...

@ hans - Ah ganon ba? Eh your one of the IN People nung hs tayo eh. Kaya hindi mo naramdaman yun nung HS Tayo. :)

joyce alainne said...

true. true.
oh so painfully true.

S DY said...

tangina nikko
prang ang plastic ng comment mo
tlgang may sadface
prang super affected lang ah HAHAHA

john austria said...

maraming magnda na pwedeng mangyari sa buhay natin..... kung hindi ngaun baka sa mga susunod na araw.. ang pinakamahalaga eh pingiisipan nating mabuti ang bawat desisiyon natin na gagawin para sa sarili, at hindi makaksakit nang ibang tao physically and emotionally.. kung may problema ka sa ibang tao na ayw tumanggap sayo lagi mo lang ispin ung uniqueness mo sa knila kaya alam mong hindi pwede.. remmber! doing good feels good than fooling yourself doing what u r not... isa pa u cant please all and u dont have to

john austria said...

maraming magnda na pwedeng mangyari sa buhay natin wala rin nman taong walang problema kaso ung iba marunong magdala.....kya kung hindi ka ngaun sasaya baka sa mga susunod na araw.. ang pinakamahalaga eh pinagiisipan nating mabuti ang bawat desisiyon natin na gagawin para sa sarili, at hindi makaksakit nang ibang tao physically and emotionally.. kung may problema ka sa ibang tao na ayw tumanggap sayo lagi mo lang ispin ung uniqueness mo sa knila kaya alam mong hindi pwede.. remmber! doing good feels good than fooling yourself doing what u r not... isa pa u cant please all and u dont have to.
miggy marami kang friends alam mo yan...

miss malang said...

hehe ang kulit mo talaga. hindi totoo yun nu. i mean kanya-kanyang barkada lang naman din tayo nun. anyway, if that's what you think. I didn't really felt the IN thing before. honestly, marami rami ding moments nung hs that I felt left out. so kanya kanya talgang trip nun. ngayon naman, oh well, lilipat na kong work and mind you, I'm also expecting na ma-out of place pero siguro temporarily lang naman. haha. sana:)

miguel Guno said...

kala ko panaman outcast na banda ung pinaguusapan hindi ok maintindihan ano to?? haha

*iamnormal* * said...

dati outcast ako... kasi patay na bata daw ako bwahahaha

Milson Aoanan said...

dude pagsubok lang yan...

Mina Victorio said...

outkast yung kumanta ng Hey Ya and Im Sorry Ms. Jackson

Je-Anne Starfish said...

kapag outcast ka... ibig sabihin special ka... kasi hindi ka mag fit in sa kanila... sila normal, tayo extraordinary

john austria said...

hay naku migs.. dont feel that cuz marami kng talent.. hindi ibig sabihin ng hindi pagiging popular or konti ang friends eh hindi ka na IN.. kahit ikaw may mga taong hindi mo rin gustong kasma kasi iba ung trip mo sa knila... kilala kita ang dami mo nga alam gawin eh... kaso ur afraid to show it... minsan kailangan mo rin magshow off para mapansin ka or else ull stay invicble to them... ako nung elem tayo sa malate hanggang 1st yr they thought na bobo ako and poor and hindi ako IN.. but ayun pinakita ko sa knila kung anong meron ako cuz only me knows what i can do and what i have..edi napahiya sila dumating pa sa point na na insecure sila. migs, u should know how to deal, im not saying na mgyabang ka pero wag mo itago kung anong meron ka.. isa pa dont pity urself kasi lalong nagddecrease ang self esteem mo...

john austria said...

nga pala... u dont have to smoke, drink, party para maging IN.. just be yourself.... heheheh

zenki custodio said...

haissst!...ang op! sa lahat ata ng lugar op ako hehehe kasi may sarili ako'ng mundo!
pero masaya sa mundo ko kasi ako ang bida hahaha...