Sunday, August 3, 2008

Bus.

Noong ako ay bata pa, Ang paborito kong sakyan na Bus ay yung SPS. Naalala nyo pa ba yun? Kasabayan ito nung Love Bus at ng Metro Bus. Yung SPS eto yung color green na hindi aircon. Kadalasan itong sinasakyan namin ng Mama ko pag pupunta sa Ayala.

Nagdaan ang panahon at nawala na ang SPS na bus. Kung ano ano nang Bus ang nagsulputan sa Daan. Andyan ang Nuestra Senora Del Carmen na kulay green, yung Corinthian Liner na yellow at white at blue yung kulay, ang Fermina Express na sobrang lamig ng aircon, yung nasa gitna yung pinto, at isa sa mga pinakabagong inaabangan kong bus palagi ang Mannrose. yung color purple na akala mo eh pupunta ka sa Probinsya pag nakasakay ka. Kung ang Leon ay King of the Jungle, ang bus meron din. Ang PVP Liner. Eto yung bus na ang ruta eh Manila to Ayala, Ayala to Manila. Sila ang mga bus na naghahari talaga sa daan. Pag sila na yung dumaan, at pag bumusina na yan, Tiyak na tiklop lahat ng bus na nasa harapan nya.

Masarap sumakay ng Bus lalo na kung long trip at kung aircon ang sinasakyan mo. Masarap pa lalo kung nakikinig ka sa mp3 player mo. at mas masarap pa lalo, kung ang katabi mo magandang babae.

Pero minsan, ang trip mo nasisira kung ang bus na nasakyan mo eh luma. Dati mahilig ako umupo sa may window para dami ko nakikita sa labas. Pero sa di inaasahang incident na nangyari, ayaw ko na. Nang minsan ako'y papunta ng Megamall upang makipagdate ay nakaupo ako sa may window. Umuulan pa non. At swerte na may katabi akong magandang babae. todo pacute ako. haha. Nang biglang may nakita akong gumagapang sa may bintana. IPIS na maliit! Bigla akong napausog sa tabi nya. Taena. ayaw kong magapangan ng ipis noh. Medyo malayo layo pa ko. asa may Estrella pa lang ako nang biglang may gumapang nanaman na 2 pang ipis! Syempre nagpapanic na ko dahil sobrang lapit ko sa may gilid eh. Dahil dun, iniwan ko yung babae na katabi ko at lumipat ako ng upuan. tangnang mga ipis yan. GRRR!

Bukod sa ipis at mga luma, isa pang panira sa trip mo ay yung mga babaeng walang pakundangan kung umupo basta makaupo lang sila ok na. Hindi nila iniintindi yung mga katabi nila. Kadalasan, ang mga ganito ay yung matatabang babae at yung matatanda atsaka yung may mga bitbit na bata na nasa edad 5 -7. Naalala ko nun, yung bus na nasakyan ko, puno. may upuan sa harap. at may nakaupong mataba. Sa totoo lang, pde pa sya umusog eh. pero ayaw na nya umusog yung upo nya kasi sobrang komportable. tapos yung andun sa may window ok din upo nya. Nung umupo ako, sobrang wala pa sa kalahati yung pwet ko. Gusto ko sanang umusog pero nahihiya naman ako kasi BABAE SYA EH. Simula ayala hanggang sa may Bautista ganon ang upo ko. Nakakangawit sobra. Meron ding isang incident na sarap na ng upo ko, tapos may sumakay na babae na mataba na bigla ba namang biglaang upo sa tabi ko! syempre ako, naipit. as in ipit. nabigla na lang ako eh. yun din, from ayala to bautista ng trip ko. Ayaw ko na lang magreact kasi, BABAE EH. Ugh. taragis na mga babae to. Sarap nyo itulak sa gilid. grr!

Ok. tama na babae. mga lalake naman. ang problema naman sa mga lalake pag nakaupo sila eh yung pag upo nila. NAKABUKAKA. Yun yung kinaiinisan ko pag may katabi akong lalake eh. Ayoko na lang mag react dahil mukhang maton eh. HAHAH. Pero yun nakakainis talaga. grr.

Lastly, ang panira talaga sa bus trip na talaga nga namang ikaiinit ng dugo mo ay ang mga bus na gahaman sa pasahero. Eto yung mga bus na puno na nga eh hahakot pa ng hahakot ng pasahero. "Usog lang po kayo usog lang po!" wala ka na ngang uusugan eh pauusugin ka pa. Grabe. naexperience ko na to. Ang hirap sobra. wala kang makapitan. Taena naman kasi. yung mga estribo, ANG TATAAS. sori ha. pandak naman kasi ako. grr! Kung ano ano pang amoy ang maaamoy mo pag sardinas talaga kayo sa Bus. May maasim, may amoy tae, may amoy pokpok, at kung ano ano pa. Kadalasan ang Sardinas Bus ay nangyayari tuwing Umaga at Uwian. Kaya ako, pag uwian, naglalakad ako hanggang Pasong Tamo at dun sasakay ng Jeep. or naghihintay ako hanggang mga 8pm para wala na masyadong tao sa Bus.

Mahilig ako sumakay sa Bus. wala kasi akong kotse eh. haha. labo. Pero minsan, nagtataka ako kung bakit walang tumatabi sakin. Hindi naman ako mukhang manyak. hindi naman ako mabaho. at lalong hindi naman ako ganon kapanget ang itsura. Pero wala talagang tumatabi sakin kahit alam mo yun, nasa may harapan ako. Parang feeling ko may kasama akong demonyo at tinatakot yung mga nasakay ng bus eh. Kaya palagi na lang ang katabi ko, Matandang lalake/babae, bading, at mga amoy pawis. Madalang lang may tumabi saking maganda. Ano ba ko demonyo? haay.

16 comments:

erinjeri * said...

ampft. biset ung mga bus na gahaman sa pasahero..
kita na nga siksikan na nagpapasakay pa ampft

Badong Trueasiatik said...

Nadukutan ako dati sa bus ng 3310 ina antok kasi ako eh
tapos ginalaw ng lalake yung paa ko tapos napatayo ako
yun pala yung iba nilang kasama dinudukot na yung 3310
ko. dati din naka kita kao nag ma masturbate na lalake
sa loob ng bus! tsaka yung tinutukan ng kutsilyo yung
magsyota tapos tinakot na papatayin tapos kuha sa selpon.

dati sa EDSA may DOUBLE BUS na tulad sa Hongkong
naa alala ko pa yun


Jean, di ba natsansingan ka sa BUS?

Ariane Samio said...

Ako rin gusto ko sumasakay ng bus. HAHA. Pero dapat yung magandang bus. LOL. Kasi yung karamihan ng bus sa Makati, yun nga, may ipis. katakot.

Na-experience ko na rin yun may makatabing mataba. As in sobrang taba. HAHA. Buti ka nga malapit lang. Ako from Estrella to Cavite, katabi ko yung mataba. HAHA.

bubbly phoebe said...

Hindi ko maalala ang SPS na bus na yan pero madalas din akong sumasakay ng PVP dati kasi yan lang yung dumadaan sa Taft na alam ko. Hehehe!

At yang mga bus na kada may makitang tao eh tumitigil kahit parang kuto sa batang makulit ang dami ng pasahero niya? Sana mauntog siya sa katotohanan. Hehehe!

L E said...

mas gusto ko walang katabi

DuNi @ said...

gusto ko ung Marikina Bus Line na mukhang luma... tapos kahoy pa yung bintana hahaha...

Genesis Paredes said...

hindi ko alam ung mga bus na yan, promdi kasi ako!! ang alam ko lang Baliwag Transit!
pero tama, minsan, nakakasakay ako pag galing buendia, wala pang MRT nun, grabe, todo!! kahit aircon... papawisan ka sa dami ng sakay -- idagdag mo pa ang mga katabing madupang sa upuan...
sa bus rin ako nagkaron ng katabing EXHIBITIONIST, at idagdag mo pa ang fear natin sa mga holdapers!!!

*- donna may -* said...

meron din mga bus tumutulo yung aircon..kainis!!
tapos minsan parang nasa loob ang tambucho..ampftt..
kaya ayoko sa likod nauupo.. la lang, yun lang po. :)

Certified Maldita said...

basta pag sumasakay ako bus, gusto ko sa may bandang harap, takot ako baka magkaholdapan eh.

bakit kaya wala gusto tumabi sayo? dito naman sa headshot mo, mukha ka naman harmless :D

Certified Maldita said...

kuya dons, nakakatakot yun, parang yung pinasabog ni Selina na bus sa "Mula Sa Puso"

Molly Velasco said...

Gusto ko talaga yang Mannrose minsan ok pa talaga yung pinapalabas. Nakanood na ko ng Terminator, Rambo, Kung Pow at Chinese ata na horror film (di ko tinignan kasi takot ako haha).

Tae talaga yung mga luma... once nagapangan na ko ng MALAKING ipis. Sumigaw ako tapos nadaganan ko yung mamang katabi ko. Taba ko pa nun wahahahahaha!!! Kakahiya sobra!! T__T

Kadiri din pala sa bus yung tulog ka tapos pagkagising mo, may itlog ng lalakeng nagrurub sa shoulders mo. TAENA.

-jhuly - said...

naalala ko pa ung double bus.. bata pa ko nun.. sayang nga eh nawala :(

Genesis Paredes said...

ako, katabi ko, punyetang un!

erinjeri * said...

oo badong ..
punyeta...nakailan nko tsansing hahaha

College plang ako prone nko sa manghihipo :((

lovekuting watanabe said...

May maasim, may amoy tae, may amoy pokpok:

-amoy pokpok? hahhahhahah! baby prostitute lol! amputah ka miguel kung ano ano tumatakbo sa utak mo! lol!

Mahilig ako sumakay sa Bus. wala kasi akong kotse eh. haha. labo. Pero minsan, nagtataka ako kung bakit walang tumatabi sakin.

-ayaw sayo ng babae miguel hahahahah! natakot baka daw gawin mong inspiration sa blog mo, hehehe!

Unknown said...

ang pag kaalam ko pag sa unahan ka umupo madami tatabi sayo, pero na try ko na sa likod talaga nmili ung babae na sa window sya ako katabi