Ang tawag sa masamang anghel ay demonyo,
ang tawag sa masamang amoy ay mabaho.
ngunit isang bagay ang pumasok at napaisip ako,
bakit black sheep ang bansag sa mga batang tulad ko?
maligalig, lokoloko, at impertinenteng nilalang,
mga palatandaan ng isang batang hunghang.
pagod na magpatino ang mga magulang,
kaya ang iba sa kanila ay hinahayaan na lamang.
o kay sarap maging masamang tupa,
iyong ginagaway pampuputa.
kaligayahan at kasiyahan dala ng mga bata,
perwisyo at problema bigay sa amat ina.
No comments:
Post a Comment