sa probinsya nagmukha akong tanga tangahan
nakasulyap sa bintana ng aming tahanan.
pinagmamasdan ang mga batang nagkakasiyahan.
habang akoy nagsusulat ng mga walang katuturan.
lugaw na matabang sabaw ng isda aking pagkain.
utos ni inay na dapat sakin ihain.
ako naman sunud sunuran sa tuntunin,
parang isang among sinusunod ng alipin.
kung bakit naman kasi ako dinapuan
sakit na kay lupit lbm ang pangalan.
tubig na mabaho sa puwit tumatagas
araw gabi walang patid o kay saklap naman.
bakit ba ganito tanong ko sa sarili,
di ba pakay sa probinsya ang mag hapi hapi
subalit heto ako naka dextrose, nakatali.
sa kubeta ang tungo paghilab at pag ire.
No comments:
Post a Comment