Friday, November 25, 2011

Kung tawagin sila ay Cool.

Cool ka pag pumaparty ka. Cool ka pag umiinom ka. Cool ka pag nagdrodroga ka. Cool ka kapag puro tattoo katawan mo. Cool ka kung may kotse ka. Cool ka pag fasyonista ka. Cool ka kung gwapo/maganda, macho/sexy ka. Cool ka kung marami kang friends at kilala ka. Cool ka pag marami ka kaaway. Cool ka pag nagtratrabaho ka sa Call Cener. Cool ka pag sikat ka sa internet at sa real world. 

Eversince nagkaron ako ng malay sa mundo, at yun ay nung tumapak ako sa High School, I was never part of the "IN" crowd. Pasok, Uwi lang ang routine ko. Ganoon din nung College. Sa lapit ba naman ng bahay ko sa school ko, eh talagang mapapauwi ka na lang kesa sa gumala pa. 

Im a boring person. Yan palagi ang sinasabi ko sa mga nakikilala kong babae. Totoo naman eh. Wala kang mapapala sakin. ni-hindi mo maeenjoy ang company ko. Tangina torpe, hindi nainom, hindi gumigimik, at hindi dumodroga. Sinong babae ang magtyatyagang samahan ka kung ganyan ang kasama niya? Hindi naman sa dine-degrade ko ang sarili ko, pero yun talaga ako eh. A boring lameass guy who dreams of having a pretty girlfriend someday. 

Everyday, palagi ko iniisip bakit ba hindi ko natutunan ang mga bagay na bawal sa mundo except sa Sex. Siguro kung ginawa ko yung mga ginagawa lagi ng mga kaibigan ko at ng ibang tao, malamang wala ako sa bahay palagi. Araw araw makakatanggap ka ng text na "inom tayo." Mga invites sa mga kung san sang bar sa Manila at Makati. At dadami ang circle of Friends mo. At siguro ngayon, hindi ako magmumukmok sa kwarto sa tuwing brinebreakan ng girlfriend. 

Mahirap pag bilang lang ang mga kaibigan mo. Mahirap din pag wala kang kabisyo bisyo sa katawan. at lalong mahirap kung sobrang baba ng self confidence mo. Mahirap din yung never ka man lang nagkaproblema sa School mo.(i.e Napaaway, nasuspinde, etc) Good thing nga, pero andaming disadvantages pala ng ganitong personality. 

Kelangan ko na bang uminom, pumarty at magdroga para maging cool? Sigh.

No comments: