Tuesday, July 19, 2011

The Bieber Fever.

Kung akala mo na tungkol kay Justine Bieber ang blog na ito, nagkakamali ka. Bukod sa Bieber Fever, may isa pang Epidemya na kumakalat dito sa Pilipinas na lumalamon sa mga tao. Ang “BB”er Fever. Lahat ng tao ngayon dito sa Pilipinas ay humaling na humaling sa teleponong Blackberry. People tweeting na “i love my BB so much” or “I cant sleep without my BB beside me” at kung ano ano pang pinagsasabi nila. Anaknamputa lang.

 

Ang BlackBerry ngayon ang nangungunang telepono na ginagamit dito ngayon sa Pilipinas. Dahil sa features nito na pwede ka gumamit ng Twitter or Facebook ng libre at ng walang internet ATA ha. Yun ang pagkakaalam ko kasi eh. Correct nyo na lang ako kung mali. at bukod sa libreng gamit ng Twitter at Facebook, may feature din ang BB na mala Yahoo Messenger ang dating. Ang tawag dito ay BlackBerry Messenger or for short, BBM. lahat nagpapalitan at nagtatanungan kung ano ang BBM Pin ng isat isa.

 

Sa totoo lang, I NEVER liked this phone. Mukha kasi siyang ripoff ng qwerty phone ng Nokia eh. Kagulo pa yung parang scroll-scrollan ng phone na to. at bukod dun, napakaliit pa ng screen. Ang jologs lang talaga. SOBRANG Jologs. Kung mag qwe-qwerty fone ako, Nokia ang bibilhin ko. pareho lang naman eh. Naiirita lang talaga ako sobra.

 

Nakakatawa lang dahil yung iba, gusto ng BlackBerry dahil gusto nila maging in sa Society. According to one of my friend, may mga tao na kahit 2nd hand na BlackBerry eh bibilhin magdadagdag na lang ng cash para lang masabing “Hey, naka BlackBerry ako! Ano BBM Pin mo?” Pft. WTF. Oh well i dunno if its true, pero shet lang ha. LOL.

 

Oh well. Mga BlackBerry users may sariling mundo. Sige na kayo na ang magdaldalan sa BBM nyo. Kayo na ang magadik adik na magtweet tweet, magpichur pichur ng kung ano anong makita nyo sa daan, (dahil nga may free access kayo) at kung ano ano pa. Kayo na ang cool. Kayo na sikat. Kayo na ang mga naka BlackBerry.

 

Marinig o Mabasa ko nga lang yung word na BB naiirita na ko. itype ko lang BB naaasiwa na ako. Ughhh… Makita ko lang yung icon ng BlackBerry sa Facebook panget na araw ko. Agghhh… Isa pang problema sa BlackBerry, DELAYED palagi yung messages na mga sinesend ko. Ewan ha. pero base sa Textperience ko, delayed mga messages ko eh. Putangina lang ha. Pero pag BlackBerry to BlackBerry hindi delayed. Well, who needs text messaging if you have the BBM? Go fuck yourselves. Ugh.

 

Galit ka ba? Tinamaan ka ba? >:)

No comments: