This is ALMOST... A love story.
Hindi ko alam kung ano itatawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano tawag samin. Hindi ko alam kung ano yung mga nangyayari. Ambilis kasi masyado. Pero ang masasabi ko lang, Ang saya lang ng 30 araw na yon. na kasama siya. na kausap siya.
Nung una ko siyang nakausap, alam ko, naniwala ako, na siya na ang susunod na girlfriend ko pag tumagal. Alam mo ba yung feeling na nakita mo na yung babaeng bersiyon ng ugali mo at personality mo? Yung parang sa lahat ng bagay ay magkakasundo kayo? Yun. Yun siya. Lahat nasa kanya na. Nakakatuwa dahil minsan lang mangyari sa tao yun. At nangyari sa akin.
Maangas siya. Bitch. Makulit. Bastos. Gago. Palengkera. Prangka. Matapang. Parang ako, except dun sa Matapang. hindi naman kasi ako matapang eh. Maganda siya. May pagka poker face nga lang siya. Hindi mo alam kung naiinis or natutuwa ang mukha niya. Kaya minsan hesitant din ako biruin siya dahil nga sa itsura nya. Alam ko kung galit siya. Pag nagtext yan ng message na may isang tuldok lang. Alam ko may problema.
Sobrang saya lang. Tumatawa siya sa mga walang kwentang pagpapatawa ko. Tumatawa siya sa tuwing binubully nya ako. Basta masaya lang talaga. Nakasama ko siya hanggang madaling araw. Nakasama ko siya sa malamig na panahon. Nakasama ko siyang maglakad sa Baha. Nakasama ko siyang ma-stuck sa Trapik. Nakasama ko siya sa lahat ng kalokohan na ginawa namin. Ang saya. sobrang saya.
Pero, may kulang. Ang kanyang matamis na Oo. Mahirap pala yung ganon na sitwasyon. Hindi mo alam kung ano ang itatawag mo sa kanya pag magkwekwento ka sa mga kaibigan mo. Hindi mo alam kung ano sasabihin mo sa Nanay mo kung ano mo siya. Hindi mo din masabi sa sarili mo na, "girlfriend ko to."
Day 20-29. Medyo biglang parang nagbago siya. Hindi na tulad ng dati. nabawasan ang lambingan at kaligayahan. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko siyang tanungin subalit natatakot ako dahil alam ko, ayaw niya ng drama. Ayaw ko din naman magtanong kung ano ba talaga kami. Ang presko lang masyado nun.Kaya as much as possible. Iniiwasan ko yung mga bagay na yun at tuloy lang ako sa ginagawa ko. Good Morning. I miss you. Eat ka na. I love you. *huuuuuuug.tight* :* Good Night. Sweet Dreams. Sleep Tight. I'll dream of you. Kahit na di siya magtext ok lang. Basta ang importante, nagtext ako at di ko sya kinakalimutan. Pero siyempre, nag aalala ka din. Kamusta na siya? Ano ginagawa niya? Ok lang ba siya?
Day 30. Kaarawan niya. Binati ko siya pagpatak ng alas dose. Pero hindi naman ako nageexpect ng reply sa kanya dahil syempre, busy sya sa pagcecelebrate. Umaga. Binati ko ulit siya. at syempre yung lagi kong good morning i love you text hindi mawawala yun. Lunch. Hapon. Tinextext ko pa din siya. "ok lang kahit wag magreply" sabi ko sa sarili ko. Gabi na at wala pa din ako natatanggap na text. "Ok lang. Birthday niya eh. Siguro busy kasama pamilya nya." Nakipagusap muna ko sa mga kaibigan ko para malibang. Eto, Ayun, Siya, Sila, at kung sino sino pa. Bigla siyang lumitaw. At doon nagsimula gumulo ang aming masayang pagsasama. Yun na ata ang pinakamahabang parinigan na ginawa namin sa isat isa. Hanggang sa *poooof* Ang bilis lahat ng pangyayari.
Napaisip ako. Tama ba na ginawa ko na sumabay ako sa init ng ulo niya? Minsan, hindi mo naman talaga maiiwasan na pumutok ang butchi mo. Minsan dadating din na mapupuno ka at maglalabas ka ng sama ng loob kapag hindi na tama. Yun ang nangyari. Pumutok ako, Sumabog siya. Talo ako.
Ang hiling ko lang naman sa'yo ay pagkatiwalaan mo ako. Ang hiling ko lang naman sayo ay bigyan ako ng pagkakataon na patunayan sayo na hindi ako tulad ng mga lalakeng nakilala at nanloko sayo. Ang hiling ko lang naman sa'yo ay bigyan mo tayong dalawa ng pagkakataon para sumibol yung pagiibigan natin. Hindi ko naman brineak yung promise ko sayo. Hindi kita iniwan. Hindi pa tayo pero napaiyak mo na ako. Hindi pa tayo pero nagawa mong praningin ako. Hindi naging tayo at hindi ko nakuha ang iyong oo.
At ngayon, balik nanaman ako sa drawing board. Kumbaga sa UFC, napakasama lang ng pagkatalo kong to. Literal na isang malupit na knockout. Parang yung sipa ni Lyoto Machida kay Randy Couture. Mahirap makalimutan. Mahirap kang kalimutan. Aabutin to ng 1 taon as always.
Andito ko para ayusin pa ito. Gusto ko maayos to. Mababaw pa ang nangyari satin kumpara sa mga away ng mga magkasintahan talaga. Walang 3rd Party. Walang nakipagsex sa iba. Walang may asawa. Walang kabit. Wala. Wala. Its just a MISUNDERSTANDING. Pero, ikaw na nga din ang nagsabi, tapos na. at wala ka na balak pang ayusin ito. Pero andito pa din ako para maayos to. 1 linggo akong maghihintay.
Mahal kita. Mahal na mahal kita. Minahal kita. Sinunod ko lahat ng gusto mo. Hindi ako nagpagupit ng buhok. hindi ko inahit yung bigote at balbas ko kahit na alam mong gusto ko eh malinis ako tignan. Pinadlock ko ang ibon ko para sayo kahit na alam mong napakadaldal ko at gusto ko makita ng ibang tao lahat ng sinasabi ko. Ginawa ko yung mga simpleng bagay na yan dahil mahal kita at gusto ko ikaw na masaya. Hindi kita niloko, Hindi ako lumandi. Alam mo yan. Alam ko hindi mo gusto ang drama kaya ineexpect ko na kung sakali mang mabasa mo to, eh wala lang to sayo.
Kung sakali mang lumipas ang 1 linggo, at hindi ka nagparamdam, ako naman ang hihiling sayo. Gusto ko sabihin mo sakin na hindi mo ako minahal. Gusto ko itext mo sa akin na wala kang tiwala sakin. Gusto ko sabihin mo sakin na niloko mo lang ako. Eto lang ang hiling ko sayo sana naman pagbigyan mo ako. Dun ko lang matatanggap na tapos na talaga tayo.