Para sa akin, tayo na atang mga Pilipino ang PINAKA... sa Pinaka adik gumamit ng Facebook ngayong panahon na to. Sa cellphone, sa ipad, sa comshop and even office hours wala tayong ibang ginawa kundi mag Facebook. Either maglaro ng games (i.e. ZUMA!, Bejeweled Blitz, Cityville at ang walang kamatayang Mafia Wars akalain mo buhay pa to), Makipagchat sa Friends/Family, or lumandi sa mga babae or wala lang. Nakaonline ka lang sa Facebook Chat.
Nung may Friendster, hindi naman tayo nagkanda ugaga ng ganito ng sobra. Nung may Myspace pinagkakaabalahan lang natin doon eh yung look ng Profile natin at MP3 playlist. Nung nagkamultiply, hindi din gaano eh. Inaabangan lang naman natin lagi dun eh kung sino yung nagview sayo nang sa gayon eh ma-add mo sya kung maganda/gwapo. Pero ang Facebook? Grabe hinamak na lahat. Bata, Matanda, Patay kahit si Jesus may Facebook. Wow diba? Napakatindi ng virus na kinalat ng Site na to.
Ang mga apps nag eevolve kada taon... Dati rati lang, ginagamit natin eh yung parang stick it notes para magpapampam, yung bibigyan mo ng drink yung kaibigan mo, or bibigyan mo ng naughty gifts. After nun nauso yung "FLIXSTER," kung saan pipili ka ng top 5 mo, tapos yung How Harry Potter are you, Who are you in FRIENDS, and stuffs like that." Habang tumatagal talaga andaming naiisip ng mga tao para lang gumanda at lalong kumomplikado ang Facebook. Tulad ngayon, ang look ng Profile eh maliligaw ka na. Buti na lang ako, di ko pinalitan yung look ng Profile ko. PHEW.
Anyways, sa kakaFacebook ko, andami ko ding napapansin eh. Ewan ko lang kung kayo pinapansin nyo yun pero ako medyo naiirita lang sa mga napapansin ko. Halina't ako'y inyong samahan at himayin kung ano ano ang mga napapansin ko at kinaiinisan ko. Lets start with...
1.) Bakit kelangang i-tag ang tao kapag nagpapalit ng Profile Picture?
- ok lang siguro kung andun ka sa Pichur eh. Pero pano kung wala? Bakit mo kelangan itag yung tao? Bakit para mapansin KAAGAD? Pucha panira yun sa photos nung tao eh. Pag viniew mo yung picture ng tinitignan mo tapos may nakatag na photo na mukhang bakulaw na maitim na naka cap na de-kolor pa. Puta diba? WTF MAN.
2.) Bakit kelangan mo pang magmessage sa tao para i-like ang status mo?
- SOBRANG LAME LANG NAMAN. Why? Anong makukuha namin pag sinunod namin utos mo? Wala naman diba? Ano ka horder ng likes? WHAT FOR?
3.) Bakit kelangan mo magpasalamat pag nila-like ang mga shit na pinopost mo sa Facebook mo?
- MALAMANG madaming tatamaan dito dahil kadalasan eto ang nakikita ko sa Newsfeed ko eh. So anyways, sorry na lang sa inyo. Tirahin nyo na lang ako sa Facebook ko kung tinamaan kayo. oks?
4.) Bakit kelangan mo mag post sa wall ng "TFTA, Tnx for the ad, Thanks for adding me at may pahabol na KEEPSAFE."
- TFTA means Thanks for the Add. LOL :)) Pucha. seryoso posting this shit one someone's wall shows na sumisipsip ka eh. Sisipsip ka eh as if naman papansinin ka ng mga yan. Just keep it to yourself. Lalo na yang mga magagandang yan? DUDE. Wag ka na umasang papansinin ng mga yan. As for me, im just happy na ang friends list ko puro Hotties. Sarap ng Newsfeed ko! :D wahihihihi
5.) Bakit mo kelangan gumawa ng Fan Page mo? Artista ka ba? Sikat ka ba?
- Dude, MAGANDA KA LANG. Kung di mo kilala, edi wag mo i-add! What? you're just being friendly? Tapos ano? mag wawhine ka na "Andaming nag a-add sakin na di ko kilala" and shits like that? EDI WAG MO I-ADD!!!! Problem Solved! Papakumplikaduhin mo pa buhay mo eh. Problemado ka na nga sa sandamukal na open na Facebook Chat mo, tapos ang pagmamanage ng Facebook Fan Page mo pa dadagdag. Mag uupdate ng Photos mo sa photos mo sa profile mo. PFFFT! LAME! Kadalasan pa ang mag a-add sayo yung parang mga lalakeng mukhang DOM o kaya naman yung mga lalakeng kuha sa webcam na pixelated na ampapanget ng itsura. Maganda ka nga pero di ka din marunong pumili ng ina-add eh. Choose wisely dear.
6.) And last but not the least, BAKIT FB?
- gusto ko lang malaman, bakit FB?
Im pretty sure mixed reactions to. May mababadtrip, may maiinis, may maiirita, may manggagalaiti lahat na ng negative reactions. HAHAH Ay wait, hindi pala mixed reactions yun. Lahat nega eh. LOL :)) Oh well what the hell. I dont care. :)
Hindi ko alam kung may nakalaigtaan pa ko sa list ko. Pero eto lang yung pumasok PANSAMANTALA sa utak ko while im doing this.. share nyo na lang yung inyo. :)
1 comment:
tama tama! kahit ako pinaka-badtrip ako sa mga nagta-tag sa 'kin sa mga kung ano ano na wala naman ako. lalo na sa mga nagbebenta or greetings. nakakaloka sila. pero guilty ako sa #3 minsan. hahahah...
6. Bakit FB?
- nag-create ako ng FB account ko 3 or 4 years ago kasi yun yung only communication ko sa siblings ko na nasa abroad at sila lang ang mga nasa friend lists ko. dati multiply kasi talaga ang mine-maintain ko. hanggang sa lahat na na-adik sa FB kaya yun, boom! :p
Post a Comment