Thursday, July 23, 2009

An Office Story.

Finally wala na akong pakealam sa Kumpanyang yun. Nakolekta ko na ang mga dapat kolektahin except sa speakers at tumbler na inarbor ng isa kong kaopisina. NO MORE DRAMA ika nga.

Nagsimula akong nagtrabaho dun ng Abril 2008 at pinalayas nila ako ng Hunyo ngayong taon. Pero hindi naman isang waste of time ang pagstay ko dun. Madami ako natutunan na bago, madami ako nakilalang bago, at may 2 din naman akong kinakabadtrip till now. Masaya na punong puno ng kadramahan ang pag stay ko dun. Sa iyakan sa badtripan at murahan. Panalo yun. Kung meron mang Best Company in a Drama Role, legit contender ang kumpanyang yon. HAHAHAAHAHHAAHAHAH! Its just my opinion.. di nyo na kelangang UMISSUE pa. :)

Naexperience ko din ang palipat lipat ng opisina. Kung papatawag ka sa kabila, at babalik ka para mag time out. sa may rcbc hanggang sa equitable ang nilalakad ko. At nalaman ko na mas malapit lang kung maglalakad ka sa likod kesa sa main road. Bakit nga ba ganon? oh well. Isang misteryo pa din sa akin. Syempre sa pagtatrabaho, kelangan maexperience ang mga bagay na dapat na maexperience sa trabaho. Ang mamura, ang mabigyan ng memo, ang ma-stress sa trabaho, ang masigawan, magpuyat, bukas na umuwi, ang ma-late, at masuspinde. So far wala naman ako namiss eh. I experienced it all. Except for the Office Sex. LOL!

Hindi ko ito pinost upang siraan ang Kumpanyang yun. Wala akong intensyong gawin yun dahil mahal ko yun sa mga nakilala ko doon. I would like to give a shoutout to all the people na naging parte ng aking pagstay doon. Lets start with..

1. Dennis Perdigon - Nung pumasok ako eto yung kasabay ko sa may reception. Oo na. pumasok ako nang walang picture at walang ballpen. HAHAH! Si Perdigon ang lagi ko kasama sa kalokohan, kabastusan, kagaguhan, at sa halakhakan. He is my first friend. Sadly, nahiwalay ako sa kanya dahil nalipat ako sa kabilang opisina namin. Pero still pag may gathering, kwentuhan galore kami. Ang galing nga eh. Sya ang naging karelyebo ko dahil may shifting sa company na yun. Kaya wala kaming problema sa mga projects na ginagawa namin. Sya ang tumutulong sakin kapag nagkakaproblema ko sa projects na ginagawa ko. Sya pala ang umarbor ng speaker ko. LOL!

2. Miss Janice - Ang shift head ko na up-to-date lagi sa mga gadgets at sa mga hayop. Palagi kong kasama sa 7-11 at pag lunch kung magkashift kami. Kakwentuhan, Ka-dramahan at kakulitan. Isang magiting na shift head. HAAHAHHA!

3. Sir Jerrick - Ang shift head kong hindi marunong tumawa at korni palagi magjoke. PEACE HAHAHA! Marami akong natutunan dito sa paggamit ng Macromedia Freehand. Tangina, apprentice ako nyan sa Freehand! HAHAHAH!

4. Pauline - Ang babaeng kasama ko tuwing night shift. Kakwentuhan sa lovelife at natutong magmura dahil palagi akong katabi nya. Ang babaeng mahilig magpalibre sa 7-11. HAHAHAHAH! Kaso pinagpalit nga lang ako sa lalakeng magaling magsayaw, mestiso at matangkad at payat. Oo na mataba na ko! Oo na di ako magaling magsayaw! Oo na pandak ako! HAHAH! Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan. Kaagapay ko yan sa mga kalokohan ko. Im blessed to have her as a friend. :)

5. Zaren - FUDGE! ayan ang paboritong word na sabihin nya. Nung una kong nakita si Z akala ko dati matanda na to. Like parang nanay na or something like that. Sorry Z! ahaha! Pero nang tumagal tagal, ayun akalain mong makulit din pala to tulad ko. Eto yung disciplinarian ko eh. Pinagsasabihan ako and shit like that. Kakwentuhan ko din to sa lovelife. Magulong Masayang Kumplikado kasi lablife nyan eh. HAHAHAHAHAH! Mamimiss ko din to. HOY TEXT TEXT HA!

6. Sir Milson - Ang shift head kong maliit na nagfefeeling matangkad. Isa sa mga shift head na aking iniidolo pagdating sa trabaho at pagdating sa pambababae. ay. este sa kwentong may kinalaman pagdating sa babae. Andami ko nakuhang pointers dito eh! HAHAHA! Masayang kasama kaso nalipat sa kabila pero ayun sinundan ko dun. Nakasama ko ulit. HAHA! Kakwentuhan ko to pagdating sa teleserye sa tv. Im gona miss that kwentuhan sa Pantry. Tayong Dalawa rules! AHHAHA!

7. Sir Zaldy - Ang shift head kong hindi marunong magalit at palaging naka frown. Kung titignan mo ng maayos ang mukha nya, mukha talaga syang nakafrown. HAAHAH! pero jolly person. Masiyahin at palatawa pero mukha pa din talagang nakafrown. Isa din sa mga idol ko pagdating sa trabaho.

8. Kitsie - Well she's one of my batchmates who got me the job. Maingay makulit and napaka baby! ahahah! Lagi ako hinahatid nung magkasama pa kami sa shift. eheh. :)

9. Cas - Ang kasama ko palagi sa kantyawan at usapang kagaguhan with kumpareng dennis. Masayang kasama dahil andaming kinikwento eh. Kung ano-anong nakakadiring bagay ang naiisip ng lalakeng to. Mamimis ko yung mga madaling araw na magkakasama tayong 3 ni dennis sa baba nagkwekwentuhan ng kung ano ano lang tungkol sa buhay nya. ahahaha!

10. Don Pierre - Edge wannabe na wala na lang ibang bukang bibig kundi si edge. kahit wallpaper ng pc nya si edge eh! ahahah. Eto legit na babaero. andaming alam sa kamunduhan. ahahah! dami ko din natutunan dito pagdating sa babae eh. Kasama ko din sa kwentuhang bastos. Sadly, iniwan ako sa ere eh. Pero still, kaibigan ko pa din to. hehe. Sexytime yo! HAHHHAA

11. Osep - Ang shift head ko na nangiwan sa ere. OO INIWAN MO KAMI SA ERE! HAHAHAHA! eto masarap din kakwentuhan pagdating sa kagaguhan, kalokohan pero walang kwentang kausap sa lovelife eh. Palibhasa kasi masaya sa lovelife kaya hindi nakikinig sa kwento ko eh. wala tatawa lang sayo. HAHAHAHA! Pero asteg na shit, ay este shift head yan. Matulungin eh. Not like "some." aynako wag na kayo umissue ha. OPINYON KO TO.

12. Blaez - Ang pinakagago pa sa gago na naging kaibigan ko sa opisinang yun. Nung nawala si Don, at si Osep at nahiwalay ako kina dennis, eto na yung naging partner in crime ko. Madami din kaming napagkwentuhan nito eh. gago din kasi. At kapwa benildean din. hahahaha! Masayang kasama, palatawa at machiqs. LOL! HAHAAH! galeng pa magdrawing! Saludo ko sayo meng! kung asan ka man! HAHAHAHA

13. Che - che14mimayraz. Ang babaeng sobrang komplikado ng lablife. As in literal napaka kumplikado! Wahahaha! Naalala ko nun nung pumunta kami ng MTV summit. HAHAHA GOOD TIMES CHE. ahaha! Kasama ko to sa ligaya, sa lungkot, at sa dramaness nya. Pero still, di ko pa din alam kung babae sya o tibo eh. Ano ka ba che? LOL AHAHA! Peacee! :)

At syempre, ang ibang nakadaupang palad ko sa opisinang yun na naging parte ng buhay ko ay sina:

1. Lord Micheal na palaging kalmado at napakalinis na hindi man lang nadadapuan ng dumi sa katawan.

2. NinaYao na ubod ng tahimik! HAHAH!

3. Dennis na F na sumusunod sa yapak ni Nina. anG TAHIMIK MO DIN HAHA

4. Awel at Tristan at Mendel na wala na lang ibang ginawa kundi mambully ng pandak.

5. Chunky na ang ganda ng pangalan. John Joe. WINNER DBA!

6. Joejoe na talaga nga namang foreigner ang dating kahit pati sa pangalan. Ryan James. WINNAR!! haha!

7. Ate Kathy. my uber loving nanay sa opis. HAHAHA! Sa kanya ko nagtatanong pagdating sa gawaing bahay eh. LOL

8. Janabebedoll. Mamimis ko ang tawa mo!

9. Franz. YOUDESERVE PA DIN TSONG! LOL

10. Donabel na patay na patay kay guno. HAHAHAHHA!

11. Mam Eunice na palagi na lang haggard at pressured sa opisina. Pero madami din akong natutunan na mabubuting salita sa kanya ha. tsaka palagi ako binubully nito pagdating sa deadline eh. kung lalake lang to malamang nasuntok ko na to. LOL! Kidding! Ang advice ko lang sayo, mahalin mo na boyfriend mo ha. LOL HAhaAHAH PEAACE! :p

12. Dindo got my tan the webmaster. My teacher. LOL and also his sidekick, Drew. together they combine DINDREW! wtf lol :))

13. Sir Jun the Godfather. Bless you! ahaha!

Ngayong wala na ang mga BAD SEED ng opisina, wala na din ang SKELETAL FORCE. WTF LOL! Malamang masaya na ang kumpanyang yun and working in harmony na sila. Oh well. I wish you all the best na natira dun and sana palaguin nyo pa ang kumpanyang yan. I know naman na kayang kaya nyo yan dahil matagal na din naman sa industriya yan at isa yan sa mga legit company sa Pinas. Kung hindi man sa Pinas siguro sa Manila. or sa Makati. LOL! haha. Oh well. ganon talaga ang buhay. hehe. Happy naman ako. Di naman ako inis sa kanila or somethin. Basta on the hunt na ulit ako for a new job. Goodluck na lang sa inyo. :)

Wag na kayo umissue. Wala na ko. AYOS? Wag na mag snitch ha. :)

7 comments:

Jaycee Ann Porras said...

wow ang haba!!!!

jun jun said...

So far wala naman ako namiss eh. I experienced it all. Except for the Office Sex. - nice one hahaha

Genesis Paredes said...

nkakatuwa naman tong blog na ito... hahahah
san ka na ngyon?

che raz said...

TANGINA MO!!!!! BABAE AKO!!!!!!!!!!!! ITATAK MO YAN SA KOKOTE MO!! gggrrrr..

oo na komplikado na lablife ko. lalo na ngayon eerrr kung meron man akong lablife. ;)
MTV SUMMIT? ano yun? shit yun! hahaha bitter!! :p

heart yah mah friend! :)

Beryl 曾雯玲 Chan said...

hahaha. natawa naman akong basahin kaso pagtapos ko basahin ang sakit na ng mata ko. @_@ hahaha. bakit kasi pula amp. red and black. hahaha

btw. Happy BIRTHDAY! :D

miah juliano said...

congrats and welcome to the club. :)

aby guinto said...

hahaha! ang haba... pero ala ako... amf! heheh! Goodluckz! ^_^