Thursday, January 22, 2009

Ang Trapik sa Makati.

Some people are wondering kung bakit ang lapit lapit ko na nga sa trabaho ko, nale-late pa ako. At minsan namememohan pa ako. Parang nung college lang. Ang lapit lapit ko lang sa Benilde, late pa ako parati. Pero ang kaibahan nun, walang suspension sa trabaho.  Madra-drop ka lang kung sumobra ka na sa absences mo.

Yun na ang sakit ng mga taong malapit lang sa kanilang mga destinasyon. Dahil nga sa alam
nila na malapit lang sila eh ok lang na medyo late na umalis. Kaya minsan, pagdating nila, ayun natuluyan na na late sila. Kung sino pa yung malapit, sila pa yung palaging late sa mga pupuntahan nila.

Kung ang ruta nyo ay nanggagaling kayo sa may Gil Puyat Station at ang trabaho nyo ay somewhere in Makati or dahil doon ang daan nyo papuntang work tuwing umaga, Well malas
nyo. Dahil ang Rutang iyon ay palagi na lang trapik. I suggest na magpalit na kayo or, Umalis kayo ng sobrang aga talaga. Tipong pagdating nyo sa Opisina, Kayo pa lang yung tao or yung mga messenger nyo pa lang ang andun. Isa ako sa mga taong inis na inis sa umaga dahil palagi na lang trapik doon.

Ito ang ruta na sinasabi ko.

1. Gil Puyat Station hanggang Mayapis. - Minsan maluwang pa eh pagsakay mo. Pero, pagdating mo na sa may bandang Filmore, dun na nagbui-build up yung trapik. Siguro aabutin ka ng mga 20 minutes bago makalagpas sa unang station na ito.

2. Mayapis hanggang Pasong Tamo/Chino Roces. - Etong parteng ito ang pinaka solid. Kasi
dito ka aabutin talaga ng mahigit 30 minutes eh. Ewan ko ba pero yung daan na to kahit saan ka magpasikot sikot, Talagang traffic. Ang nipis kasi ng daan sa Pasong Tamo eh.  Kaya siguro nagkakatraffic dun.

3. Pasong Tamo/Chino Roces hanggang RCBC. - Eto siguro mga 20 minutes ka nakatengga dito. Kasi bukod sa direchong daan na yun, merong daan sa parteng yun na andaming nag yu-u turn na mga kotse. yung bandang Makati Med. Kaya ayun, dumadagdag sya sa Traffic talaga.

Pagnakalagpas ka na dito at ang daan mo ay buendia, Oh well malas mo dahil mas matraffic
na dun talaga. Haha. Pero kung sa Makati Business District ka. Congrats man. Maluwang na
dun. Sarap na smoooth sailing na ang biyahe mo.

Umaalis ako ng bahay saktong alas 8 ng umaga. Minsan dumadating ako sa trabaho, mga 9:01 or 9:10. Ang pinaka late na dating ko sa opisina ay 9:40. Eto yung nalipat na ako sa Equitable Tower ha. Nung asa FGU pa ako, umaabot pa ako lagi. Hehe. Atsaka dahil sa  putragis na traffic na yan, Uma-umaga na lang naglalakad ako papasok sa trabaho. Ngayon
ko lang narealize, kaya ko pala lakarin mula buendia hanggang ayala. Shet mukhang araw araw ganon na lang gagawin ko. So dun sa mga hindi naniniwala sa mga sinasabi ko, try nyo
yung route na sinasabi ko, Para matikman nyo naman yung experience na to. Ang sarap.

17 comments:

iya jonnie said...

Yun na ang sakit ng mga taong malapit lang sa kanilang mga destinasyon. Dahil nga sa alam
nila na malapit lang sila eh ok lang na medyo late na umalis. Kaya minsan, pagdating nila, ayun natuluyan na na late sila. Kung sino pa yung malapit, sila pa yung palaging late sa mga pupuntahan nila.
<---- ganyan ako minsan :))

aJ Salazar said...

hahhahahhaa

sarah pacificar said...

. sooo . true . :] . during my second term . i was always 5 min late for comsk2x . haha .

gracylixious marquez said...

korek ka dyan...kamusta naman din ang byaher ko diba?? qc to makati makati to qc, pero hindi pa naman ako nalilate, aga ko kasi magising palagi kasi kung hinde patay wala na akong work...hehehe

Larcey Santillan said...

Awww, oo nga traffic nga. Sa Makati pa man din ako nagsstay ngayon :)

Pat Gonzales said...

Yun na ang sakit ng mga taong malapit lang sa kanilang mga destinasyon. Dahil nga sa alam
nila na malapit lang sila eh ok lang na medyo late na umalis. Kaya minsan, pagdating nila, ayun natuluyan na na late sila. Kung sino pa yung malapit, sila pa yung palaging late sa mga pupuntahan nila.

TAMA! haha eh ako two minutes away or less pa ako by tryke ang layo ko sa School ko pero nalalate pa rin ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Jaycee Ann Porras said...

exercise na lang migs :)

*iamnormal* * said...

ng ofcm8 ko nga a few blocks away lng ung layo d2 sa office pro lagi p a din syang late hahaha

regine jazmin said...

salamat love anuver... smile naman jan! and everytheeenng!

Jen Bunagan said...

damn right! hirap ko pa, i'm residing near dian st. lng tpos work ko around glorietta. kaya ayoko ng am shift..

neth neth pineda said...

i agree with you, ako my house is just a few mins walk sa work. pero lagi akong late tapos ang dahilan ko is insomniac ako lolz. then they moved my time in to 8:30 pero as usual late pa rin hahahah

Miguel Singson said...

@ ate janice christina - HOY YUNG FREE PASS KO!! HAAHAHAH

@ jen - Hi jen Dian ka lang pala. Bautista ako. HAHAHAHAH LOL hi neighbor!

miguel lopez said...

resign ka sa trabaho. biyahe ka nalang ng pedicab. ganung paraan hindi ka malelate.. Evah!! hahaha

Jen Bunagan said...

ahoy! tumira din kami jan sa bautista nung bata pa ko. dun ka din ba lumaki? baka naging kalaro kita? hehehe :)

Miguel Singson said...

@ jen - HAHAHA! ay oo dun na ko pinanganak eber! HAHA!

Jaycee Ann Porras said...

eh short notice ka naman iho :))

Pat Gonzales said...

Paramdam ka naman boi!!