Tuesday, December 30, 2008

Balik Tanaw sa Taong 2008.

Ilang oras na lang at Malapit na Mapanis ang taong 2008. Marami sa aking mga Kaibigan ang naglathala na sa nangyari sa kanila ngayong taon. Masaya ako para sa kanila dahil andaming nangyari sa buhay nila.

Ako naman, Hindi ganon kakulay ang nangyari sakin ngayong taon na ito. Mangilan ngilan lamang ang mga bagay na masasabi kong sobrang memorable sakin ngayon. Ewan ko pero parang amboring ng taon kong to ngayon. Siguro dahil hindi na ako estudyante. Noong nag aaral pa ako, andami kong nakwento eh. Pero ngayon, parang mabibilang mo na lang ata sa kamay.

1. Taong 2008 nang ako ay nagkaron ng trabaho. Ito ang kauna-unahang pormal na trabaho ko. Graphic Artist. Noong una, syempre kelangan mo umadjust sa surroundings mo. Kelangan mo makisama sa mga taong makakasama mo hanggat hindi ka natatanggal o nagreresign. May mga naging kaibigan ako, may mga kinaiinisan ako. Pero hindi naman talaga mawawala sa trabaho yung mga spoiler eh. Kahit san meron talaga nun. Natuto ako ng bagong technique sa photoshop. Natuto ako ng bagong application. Naexperience ko na din humarap sa clients. Nakakakaba pero kelangan. Naranasan ko na din masuspinde dahil sa Tardiness. Lol.

Sa ngayon, Hindi ko alam kung ano ang sitwasyon ko sa present na kumpanyang aking trinatrabahuhan. Nagkaron ng aberya at medyo magulo pa ang sitwasyon namin. May mga natanggal, may mga aalis, at may mga future matatanggal. Yun ay hindi ko pa alam kung isa ako sa mga iyon dahil under observation pa din kaming mga bago. Bahala na ang kumpanya kung ano ang kahihinatnan ko sa kanila.

Sa ngayon nalipat ako sa isang mahirap na task. Hindi ko pa gaanong kabisado ang trabaho na ipinasok nila sa akin. Parang bumalik ako sa paaralan dahil hindi ko gamay ang ginagawa ko ngayon. Im hoping na wag sila mag expect ng malaki sakin at wag sila magexpect sa akin na magiging katulad ng trabaho ko ang trabahong iniwan sakin nung recent employee nila. Wala pa ako sa kalingkingan nung lalakeng yun. Gagawin ko lang ang makakaya ko at pag di nila nagustuhan, Ewan ko na lang. Dahil pag aaralan ko pa talaga yun.


2. Ngayong taon ding ito ay naranasan ko ang madukutan. Sa totoo lang sa itsura ko, pag nakita mo ako, hindi mo iisiping marami akong dalang mamahaling bagay. hindi ako dukot o holdap friendly. Pero putangina, tinamaan ako ng karma. Nadukot sa akin ang Ipod ko sa Robinson's Place Ermita. Medyo masakit para  sa akin dahil mahigit isang buwan din akong walang musikang narinig pag ako ay umaalis ng bahay.

3. Ang taong 2008 ang taon ng pagwawaldas ng sweldo ko. Hinding hindi umaabot sa 2 digit ang sweldo ko. Puro na lang 1 digit. Ang ibig ko sabihin, hindi umaabot ng 10k pataas ang sweldo ko sa sobrang gastos ko. Bakit? Hindi ko din alam eh. Pagkain + Load lang naman ang pinagkagastusan ko. Pero ang pinakamahal na nabili ko sa sweldo ko ay ang bago kong Ipod. Yun pa lang naman. Sumunod ang regalo ko sa nanay ko na bag. OO. Magastos ako.

4. Lumawak ang Circle of Friends ko. Marami akong bagong nakilala, Marami din akong bagong naging kaaway, At marami rami din ang namlamlastik sakin. Yung mga akala mo kaibigan mo eh hindi naman pala. Yung iba matagal ko na kilala pero plastik pala, yung iba ngayon ko lang nakilala pero plastik pala talaga. Kung ikaw man yun, Putangina ka mamatay ka na.

5. I finally found someone. Parang kanta lang eh noh. Well masaya ako ngayon dahil biniyayaan ako ni Lord ng someone to love. I guess He answered my prayer. There's this one time kasi na nagsimba kami ni Mama. Nung araw na yon, I just asked na sana bigyan nya ko ng Girlfriend. Sa totoo lang pag nagsisimba ako hindi ko ginagawa yun whenever I pray. Hindi ko sinasama sa dasal ko ang Lovelife dahil ampanget eh. Basta ang hirap ipaliwanag. Pero dis time, wala akong pinagpray nung araw na yun kundi yung bigyan nya lang ako ng Girlfriend.

And there she was. She's perfect for me. Actually perfect kami for each other. Hindi sya maganda, Hindi ako gwapo. Hindi kami panget. We are both cute. Parehong pantay ang aming itsura. Walang nakakalamang. She laughs at my jokes and my weirdness. Kahit ano pwede naming pagkwentuhan. Actually lahat napagkwekwentuhan namin. I love her so much. Yun nga lang, Inglisera. LOL. Though nakakaintindi naman ng tagalog haha. Astig nga sya eh. Kasi kung titignan mo sya medyo may pagka saucy-ish sya. Pero sya yung Saucy na sanay sa hirap sa buhay. At pwede mo pa dalhin kung san san. Mapa ghetto man yan o bronx o quiapo o divisoria. Go lang. Walang kaartehan sa galaan! Bukod sa saucy looks and cowgirl attitude nya, Isa pang gustong gusto ko sa kanya eh ang pagka Bitchy nya. YES. I love her bitchyness. I dont see that as a bad thing sa kanya pero ewan ko. Asteg yung pagiging Bitchy nya eh. Ah basta. Mahal na mahal ko sya super. She's my happiness right now.

Oras na lang ang 2008. Mapapanis na sya. Eto nanaman ang bagong taon. Ano kaya ang dala nito sa akin? Kamalasan? Kaligayahan? Hindi natin masasabi. Maghanda na lang tayo sa panibagong chapter ng ating buhay. Happy New Year Everyone.

11 comments:

aJ Salazar said...

"2009, bago na yun mga poser!!! walang mangyayari kung patuloy na in-crowd!... nah mean?! gumawa ka ng bagay na magkakaroon ka ng name hindi nagkakaroon ng kayabangan sa fame!" Dedicated to someone i know, and some you know. We all know this fucker. HAHAHAHAHAHAHA

Happy New Year Nigga.

Jetz Abela said...

Grabe naman mamatay na.

Yung bf ko pinagdasal ko din sa Baclaran. Ngayon ko lng din ginawa yun. Pinagbigyan ni Lord haha :)) Iba talaga pag pinagdadasal :))

Lalel Monday said...

waw! asteg ka talaga! soo happy for you! :P keep the fire burning! yeah bah!

Molly Velasco said...

NICE SINGSON! Mukhang ayos 2008 mo ah.

Sana pala nagdadasal ako para mag ka bf na rin ako hahahaha :D

kit aquino said...

ako matagal na nagdadasal bakit wala hahahahahah

pAtRiNg ♥ said...

ayan kasi,, wag ka mashado nanunuod ng john llyod at bea love team! hahhaha

i wont forget this

pat - "o edi nde na malamig pasko mo?"

singson : "nde na mashado, pero ang kama ko mainit"

hahahhaha potah!

pAtRiNg ♥ said...

kelangan daw kasi galing sa puso. pag nde kinaya ng dasal galing sa puso eh iluhod mo na yan sa baclaran sabayan mo na din ang paghawak ng rosaryo habbng naglalakad ka papuntang altar!


HAPPY NEW YEAR BETCH!

kit aquino said...

hahahahahahahhhahahahahahahahahaha

Krish Enriquez said...

naks naman.. may baliktanaw ka rin. hehe! apir! =)

camille isip said...

ang sweet naman ng last part oh.

Jaycee Ann Porras said...

nakanampoots.. nagkaroon din ako time magbasa ng blog mo miguel :)) salamat sa tshirt.