Wednesday, November 5, 2008

Multiply.

Ang sarap mag multiply! OO Inaamin ko adik na adik na ako sa Multiply. This is my Kingdom! hahahah! And i love my neighbors! Mahal na mahal ko kayo sobra! :D Hahaha. Anyways, Sa tuwing nabisita ako ng isang site ng isang tao, eiher naeenganyo ako o minsan naman hindi. Kasi may mga sites na talaga nga namang kinarir. Sa sobrang karir ayun pumanget na. Lalo na sa mga kababaihan, pansinin nyo yung ibang site ng babae. KARIR TO THE MAX EVER. Kaya minsan, nagaatubili din ako mag-add ng babae sa multiply kapag medyo iritable yung site nila mapa-maganda ka man o cute o panget. Sorry hindi kasi maiwasan ang pagiging artist eh.. Andami na napapansin hindi na mukha ng tao ang tinitignan kundi yung look and feel ng site at kung organized yung itsura nya. NAKS TAENA LOL. ahhah. Pero syempre, The Looks count. LOL hehe. Kahit sa friendster ko, nakasaad yun doon. Hindi ako nag-a-add ng tao na panget ang account. Ayaw ko ng balasubas na profile eh. hahah ayun lang.

Balik tayo sa Multiply. Ayun. Andami ko napapansin sa site ng Tao kapag nabisita ako sa site ng isang tao o binibisita ko yung multiply site ng mga naka-add sakin. Nandyan ang:

1. Karir sa pagpapalit ng Theme every week. Grabe eto ata yung mas Adik pa sakin. Hindi na nakuntento sa Itsura ng Profile nya. Mabilis magsawa! haha. Minsan nakukuha nila ang themes nila sa mga multiply sites na nagsheshare ng designs nila or gumagawa sila ng sarili nila sa pamamagitan ng CSS. Idol ko yung mga nag CSS. Masipag eh. hehe. Gusto ko magpaturo sa kanila. hehe. Isa pang nakakairita sa theme na ginagamit nila? Yung nagalaw yung background. LOL.

2. Walang katapusang "Glitter Graphics." GRABE! Solid eh! Punong puno ang multiply site sa mga gif images or image lang! Bago mo pa makita yung laman ng site nya eh mag iiscroll down ka ng magiiscroll down sa dami ng Extra stuffs na makikita mo. Heheheh. Solid man!

3. Mga Taong Pumopotography. Eto yung mga taong Vain. Every week or every month, May album sila like "Sunday Pics" or "Walang magawa sa bahay" na ang laman lang naman eh mukha nila. Kung ako ang tatanungin, mas maganda kung nakalagay lang sa isang album lahat ng photos mo kung ikaw lang mag-isa para hindi mapuno yung photos section mo. O diba? Tipid sa space. hehe.

4. Merong music playlist ang site. At bukod sa may playlist na, may nakahiwalay pang mp3 na tumutugtog. LOL. O diba ang sarap makinig nyan sabayan mo pa na nakikinig ka ng music mo. A Music to your ears! haha >.<

5. Nag-uumapaw na comments sa Guestbook. Eto ang pinakawalang kwentang nilagay ng multiply sa site. Sa totoo lang ha. Hindi ko feel to kaya tinanggal ko yung guestbook ko eh. Baka mamaya makareceive pa ako ng "Thanks for the add" o kaya "Thanks for viewing me" LIKE WTF man Bakit kelangan mo magpasalamat sa tao kung viniew ka. LOL I dont get it hahahaha! Ang masama pa dito minsan eh ginagawang Yahoo Messenger ang guestbook kaya ayun umaapaw ng comments ang guestbook. May kilala nga ako ang comments sa guestbook eh 3000 plus. HOTNESS! haha. Hi Krisha. lol sana mabasa mo to. :)

6. Ang headline ay isang quote o motto. O diba? Andami kayang ganyan dito sa multiply. Tapos usually ang font nyan Arial tapos size 18 pa ata. haha. Minsan kung hindi naman motto, ang nakalagay dyan Isang linya sa kanta o kaya naman yung favorite na line lang nila gamitin. Hahaha.

7. Catfight. Eto yung mga blog entries ng mga babae na solid kung makapanlait at makapagsalita kung makipag away. Kadalasan ang mga simula ng away nila ay agawan ng lalake, Siraan, Gayahan ng pananamit, o kaya naman meron siyang posera na ayaw pa talaga magpatalo na hindi daw sya ganon at yung totoong tao pa yung poser. Tindi man solid talaga ng mga posts.  Kasama pa dyan yung paglalagay ng mga picture. Hahah. O eto mukhang asungot. O eto mukhang katulong. LOL. Buti na lang di uso sa lalake yung ganitong away. LOL :))

8. Survey. Aynako. Minsan ang inbox ko naflo-flood ng Survey eh. Kapag wala nga talagang magawa eh noh. Hahaha. :)

9. Ang Introduction. Pagbisita nyo sa site ng isang tao, ang bubulaga sa inyo palagi ay text na nagsasaad ng a little bit of him/her. Like, I am ganito, I live at ganyan, My passion is eto, I hate pretenders and plastics. Eto yung Winner line eh! Hahaha! I hate pretenders and plastics, Haterz back off, Mind your bizwax and so on and so forth. LOL. Tapos sa huli, may :) :D or image. LOL.

And Lastly, eto yung paborito ko. yung may "FOR CONTACTS ONLY." Eto ang pinakanumero unong paborito ko sa lahat. Hindi ko alam pero sa tuwing nakakakita ako nito natatawa na lang ako sa loob loob ko. Ewan ko ba kung bakit pero seryoso nakakatawa talaga eh. Minsan gusto ko sila i-add pero minsan ayaw ko. Kasi may ibang babae na yung dating sayo nung "FOR CONTACTS ONLY" nila eh parang "Putangina mo wag mo ko i-add kung di kita kilala." Minsan naman yung iba may lambing na "Sige ok lang pwede mo ko i-add" Pero may pahabol. "Pwede mo ko i-add basta Cute ka!" HAHAHAHAHAHA! Sino ba naman kasi may gusto ng panget diba. hahah oooppss sori para namang perpekto kong tao kung makapagsalita.

Oh Well. Tulad nga ng sinasabi ng lahat ng tao, Kanya kanyang trip yan! Kung yan ang gusto nya sa site nya pwes wala kang pakealam. Kanya naman yun hindi sa iyo. Ang masama kasi dun kapag ika'y nabisita ng isang usisero, sorry ka na lang. LOL. Wala namang masama sa ginagawa ng tao na yan eh. Yun nga lang kapansin pansin talaga kahit hindi naman. Pero talagang kapansin pansin. Kasi kung yun at yun ba naman ang bubulaga sayo pag nagvivisit ka ng sites eh. hahah. Iba't ibang tao pa yan ha. LOL. Nagiging panget lang ang labas ng mga bagay na ito dahil sa pananaw ng iba. Minsan ang dating sa kanila, tinitira sila. What the hell. Pake ko sa inyo. LOL. Hahahahahaha. Makulay ang Buhay sa Multiply. Wow rhyming. Hahah.

At pagtapos nyong basahin to, Let's be friends. Add me. LOL. :)

41 comments:

*iamnormal* * said...

ako isang theme nlng tlga gamit ko haha....
tinatamad nko mag plait ng theme eh...

at naka 4 contacts only ako bwahahaha
at guilty ako sa mga sinulat mo

bwahahaha

*iamnormal* * said...

nakakabagal ng page ung glittergarphics wahahaha...

at isa pa nakakasira ng lay-out ung mga comments na gif haha

bem montante said...

1. Palit-palit ng Theme- X
2. Glitter Graphics - X
3. Vanity sa Pictures - ummm... medyo??LOL!
4. Music Playlist- X (pero may backgrounnd music)
5. Sandamakmak na comments sa guestbook- X (errr..may 1 nag thanks for viewing me. LOL!)
6. Headline na Quote- X
7. Catfight- X
8. Surveys- X
9. Introduction na may smiley- X
10. For contacts only- X

hmmmm... mukhang kailangan ko nang karirin ang multiply... hindi ata ako "IN" wahahahha!

camille isip said...

eto mabenta eh! :)) haha! sa totoo lang hindi ako nag-aadd ng mga taong may ganyan sa profile.. okay lang sana na meron kahit ISA kaso buong page ata meron eh. lol. ang sakit sa mata!

camille isip said...

1. theme addict - NOT GUILTY, minsan lang ako gumawa ng theme= sa sarili ko tinatamad kasi. hehe :))
2 glitter graphics - NOT GUILTY at masakit yun sa mata!
2. vanity sa pictures - MEDYO! LOL. HOY MIGUEL MINSAN NA LANG TOH NOH! HAHA!
4. music playlist - I have one on my homepage pero hindi yung kada post ko may kanta din.
5. Guestbook - GUILTY. haha! yung iba kasi walang YM eh kaya ayun. :))
6. Headline na quote - NOT GUILTY :)
7. catfight. - GUILTY NO MORE. tapos na ako diyan. tinantanan na nila ako. lol :))
8. surveys - Minsan lang ako nagssurvey sa multiply noh. haha!
9. introduction - NOT GUILTY
10. for contacts only. - GUILTY. eh kasi may mga tao na alam mo na, magnanakaw ng pictures at kung anu-ano pa :)

joyce alainne said...

adik ako sa multiply. i agree.:D

THEME changing (X)
Guestbook (X)
For contacts only (dati) (X)
quote/motto (X)

solid ka miguel solid :P

Giel yuzon said...

"FOR CONTACTS ONLY" haha natamaan ako dito

Jen Bunagan said...

korek korek korek ka jan.. kairita! binubura ko yung mga comments na yan. feeling naman nila sikat na sila pag na-view sila??!? eewww.. eh as if naman may torya ang site nila noh. they make such comments para mag comment ka ulit sa page nila para madaming madami silang comments and makes their site the "most visited" para kunyari sikat.. para kunyari mala-diyosa sa kagandahan. oh sya.. ang dami ko daw sinabi ahahaha! ;)

zenki custodio said...

hahaha...cool ng blog mo huh!...newei buti na lang at wala akong info,walang music playlist,walang guestbook,walang glitter graphics...wala akong haters back-off at wala ako kaaway..hahaha...
malamang kaya neighbors tau! ;-)

Genesis Paredes said...

hobby kong magrip ng layout at minsan, weekly ako nagpapalit ng themes... pero madalas... less than a week... but my layout ngyon... i didnt rip it.. i got it from multiply customized themes, i like it... it's neat... sa guestbook ko, hahaha!! that's the place na nakikipag chikahan ako sa friends ko... kasi i dont YM eh... lugi ako pag di updated... and on photos... tama!! ako pinagcompress ko rin mga albums ko... kasi andami.. puro ako at jowa ko lang naman... hahaha!! may point ka tlg promise... before i realized... lintek sa dami ung albums ko... to think na delete pa ako ng delete ng account at itong theharebrained eh January 25 ko lang ginawa, yr 2008 -- o diba?? isang blog ang reply ko!!! hahahaha!!!

basta... ayoko rin ng glittergafix... promise...
pero i have an mp3 from boomp3 -- the flavor of life by utada hikaru...

nyahahaha!!

*- donna may -* said...

<<---guilty!! hehe
pero di naman sa lahat..haha

Jed Taneo said...

totoo.. nakakairita talaga yung mga glitters! nag hahang yung pc ko.. pakshet..

psychoicko angpangalanko said...

pucha! naniniwala na ko paunti-unti eh! ahahaha! adik ka talaga!

happy mischa said...

Magppalit n nga ako ng background!LOL

Frances D. said...

lol migs u hit the jackpot again. Panalo.

Lintek may isa akong contact naknampota sumagot na sa friendster ng blog pinuno na yung bulletin ng blogs nya pati sa multiply kinakaladkad yung mga surveys nya tangina kung binabasa ko yun isa isa alam ko na buong pagkatao nya as in in and out. Ikaw ba naman patusin mo lahat ng survey e.Hhaahahha

rienne placido said...

hahahaha.. now im wondering what you thought before you added me.. hmmmm... haha! :)

koikoi sevilla said...

hahhaha..nice ending :)

*applause*

~Pretty Coco~ Sanido said...

freakin guilty sa iba hahahahaha!!!.... oo nga naman sino may gusto mabahiran ng pangit ang contacts mo! ako ayaw ko din! wink wink hahahahaha,.,,,,

~Pretty Coco~ Sanido said...

PARE UR THE MAN!!!! TAENA KA 1000 CONTACTS! ASTIG!

carla ▪▪ mika ™ said...

` hha eto ung pinaka-nakakaBUSET sa lahat hha =)) mga PARiNiG TSE ! lols =)) -- but for the rest im xoxo guilty damn ! peace mehn ! =]]

SouthChild 3rdworld said...

lol

Jed Taneo said...

hahahaha! oo tama! pakshet

dalandhan dhajdasns said...

mag premuim ka na! bago pa madelete mga entry mo! hehehe

✖ irish ✖ said...

aray ko natamaan ako sa ibang part hehe

* JeN * G said...

lolz..no comment! hahahaha

.-tin jamerlan-. said...

natamaan ako sa iba ah! hahah!

S K said...

So.. feeling mo better ka?! :P

Miguel Singson said...

@ stef - Yep. Y?

DuNi @ said...

aray ko! sa #6. Headline na Quote...

GiEaN Miguel said...

hahaha... #6... i'm guilty. ^___^

mac centeno said...

langya ka migs.. solid
haha :)

S K said...

Ha! wala lang.. That's what I thought.. ü
Feelings can be delusional sometimes.ü haha

ako c dyuhlie ♥ said...

SHET! adik ka nga.LOL
manood ka nalang ng HEROES!:))

krish krish said...

do i sense sarcasm? hahaha bad ka!

A R E N =) domingo said...

ano ba yan haha guilty ako:P

1. theme addict - before oo pero now hndi satisfied na hahaha
2 glitter graphics - YAK hahaha
2. vanity sa pictures - AY hehehe
4. music playlist - noooope
5. Guestbook - oo na hahaha
6. Headline na quote - oo dn haha
7. catfight. - d naman parang palengkera but outlet ko kse multiply hahaha :))
8. surveys - hahahaha par borng nga
9. introduction - LOL. wala haha
10. for contacts only. - OO HAHAHHA

Jaycee Ann Porras said...

LOL :) un lang bow :)

Heart Escalona said...

hahahah... i agree! masarap mag-MULTIPLY!! apir!

cynthia diana renard said...

waaa. wala ako glitter graphics.. san ba makakuha nun ? gusto ko din nun! :D

Nicolle Lumagui said...

hahaha. natuwa naman ako dito. :))

Aimee R said...

HAHAHAHA.
guilty ako.
natatawa ako sa mga post mo.=))

marjorie de guzman said...

awwwtssss..ntmaAn nmn aq:)) LOL:)