Sunday, October 12, 2008

Kanya kanyang Trip yan!

"Kanya kanyang trip yan!" Ito ang palagi mong mababasa o maririnig sa tuwing ika'y makakapansin sa isang bagay o akto na ginagawa ng isang tao. Nakakatawa diba? Ito na lang palagi ang excuse ng tao sa tuwing siya ay tinatamaan sa mga nasasabi mo na kahit hindi mo naman intensyong manakit o makasagasa, pero ang dating sa kanila tinitira mo sila. Natatawa na lang ako dahil sa mga nababasa ko. Actually hindi ko na lang binabasa dahil pare pareho lang naman ang sinasabi nila at isa lang ang ibig sabihin nung sinasabi nila. "Kanya kanyang trip yan!" HAHAHAHAHAHA. Yan na lang palagi ang nasa utak ko sa tuwing may mga nagcocomment sa mga pinopost ko. Wala akong pakealam either negative or positive ang dating nito sa tao. basta ako, masaya ako na napapasaya ko kayo sa mga nilalathala ko. Mapa bastos, kalokohan o kung ano mang kaweirdohan na napopost ko.

"Kanya kanyang trip yan!" Kapag wala namang masabat sayo yung tao na feeling nya eh tinitira mo sya, Dadaanin nya ito sa nakikita ng kanyang mga mata. Ang iyong kaanyuan. Dun ka nya titirahin at kung ano ang sasabihin nya sayo. in short, Lalaitin ka nya. Meron ring Palengkero mode. Isang makabagbagdamdaming all caps na mura. Meron din namang dinadaan sa talas ng dila. Hindi ko ibig sabihin eh mumurahin ka nya. Kundi isang napakalalim at nakakapang nosebleed na Ingles ang isasagot sa iyo. Meron din naman, tagalog. Pero mauurat ka kakabasa nito dahil sa Soooooooooooooooooooobrang haba. Pero in short ang ibig sabihin lang ng sinabi nya, "Kanya kanyang trip yan!"

"Kanya kanyang trip yan!" Yan lang naman ang sinasagot nila pag nacocorner na sila. Ayaw kasi nila ng napapansin ang mga ginagawa nila. FUCK OFF Ika nga. Masaya kami sa ginagawa namin sa aming sariling mundo bat kelangan mo pa kaming bulabugin. Dito kami tinitigasan at nilalabasan. Kami ang mga Diyos, Diyosa, Hari, Reyna, Prinsipe, Prinsesa dito. Kayo? mga timawa't patay gutom lang. Ito ang aming parausan. Ito ang aming Paraiso. Ito ang tinatawag naming "Good Life."

"Kanya kanyang trip yan!" Yosi, Gimik, Pananamit, Eskwelahan, Reputasyon mo sa Society, Droga, Babae. Ilan ilan lamang sa mga bagay na pag siguradong ika'y nagsulat tungkol sa mga yan, Asahan mo, marami ang tatamaan. Kahit na sabihin mong hindi yan magrereact, sa loob loob nila, Sayang lang ang oras nila at ayaw nila mag step down sa hindi nila kalebel. Oo nga naman diba, may point siya. Why waste time reading? Pakealam ko ba sa sinasabi mo eh Kami to eh. Hindi ka namin pinapansin. Sabi nya sa sarili nya, sabay buzz sa friend or text at sasabihing "Pare badtrip yung nabasa ko kala mo kung sinong kagwapuhan/kagandahan yun eh hindi naman tapos kung ano ano pa sinasabi." Ang layo noh? Isang realization pero titirahin ka sa looks mo. haha. Tapos sasabihin nung friend nya,
"DUDE, follow our motto.. Kanya kanyang trip yan!"

 "Kanya kanyang trip yan!" Motto ito ng lahat ng tao. Ikaw, Ako, Sila, Tayo. Ito ang linyang binibitawan ng tao kapag tinatamaan o kinakabahan. Ito ang advice sayo ng kaibigan mo para matahimik ka na lang at wag na magalit. Ito rin ang advice sayo ng kaibigan mo kapag hindi ka sumang-ayon sa trip nya. Kahit na hindi eksaktong words ang sasabihin nya sa iyo, yun pa din ang ibig sabihin nun. "Kanya kanyang trip yan!"