Tuesday, October 14, 2008

Ang Buhay ni Miguel Singson so far...

`Nuff of provocative posts. Lemme update ya'll on what's happening to me this past few months. 


Lately, nalulungkot ako. Nalulungkot ako siguro dahil hanggang ngayon wala pa din akong lovelife. Hindi naman sa nagmamadali na lagi na lang sinasabi sa akin ng mga nakakausap ko sa Yahoo Messenger version 8 eh masyado naman daw kasi akong atat magkaron ng girlfriend, kasi mag to-two years na ata akong single. WTF man, 2009 na and still my princess is still lost. Ako, ilang beses ko na atang nabanggit dito sa multiply ko na hindi ako sanay na nababakante for a very long time. Kung pde nga lang if ever i end a relationship, after 1 week meron na kapalit. Or kahit papano, meron akong nilalandi or kinakarir eh. Pero sa ngayon, wtf man, mas malala pa ako sa Coke Zero eh. Talagang Zero ako! 


Haay. Hindi ko alam kung ako ang problema or ayaw lang talaga sa akin ng babae. Kasi ewan ko ha. Umm, hindi naman ako bastos makipagusap. Bastos ako magkwento pero hindi naman ako yung parang "pwede ba tayo magsex" na mga usap. Matino naman ako makipag usap, medyo may lambing naman ako magtext Pero ewan ko i just dont get it why women are sooo not interested with me. Maybe because Im too weird for them or masyado ba akong maboka sa mga kwento ko or ano ba? Ah ewan. Nalalabuan talaga ko. 


Actually, sinusubukan ko nga magpaka "player" ang dating eh. Tipong "How you doing" style mala Joey Trubiani ng Friends. Hahah. Pero wala eh. Hindi talaga ako marunong mambola ng babae. Hindi ako marunong ng mga "Boy-next-door" hirit. Direchahan kasi ako eh. Oh well. Di lang talaga ko marunong mambola. 


Masipag ako magtext. Kung ano anong quotes ang sinesend ko sa kung sino sinong contacts ko. Pagdating sa text hindi naman ako bastos makipagusap. Palagi ngang may pacute na letter U yung end ng message ko eh. Problema nga lang sa mga katext ko, Putol ata ang mga daliri kaya hindi makapagtext. Tama nga yung sabi ko. Ang Unlimited Texting ng mga networks ay nakakasira sa pakikipagkaibigan. Nagiging mapili na ang mga babae ngayon sa kanilang kakausapin. Ayaw kasi nila ng other networks. Gusto nila pareho sila para daw "tipid." Bakit nung hindi pa uso ang Unlimited Texting naisip nyo ba yan? Hindi naman diba. Kung gusto niyo magtipid wag na kayo magtext. Ipantext nyo na lang yan sa Nanay at mga kapatid mo. 


Nakakarelate ako dun sa isang kinwento ng katext ko one time. Sabi nya yung prof daw nila kung ano anong kabastusan yung kinikwento sa kanila. Sabi nya kaya daw ganon yun, kasi wala pa ding babae hanggang ngayon ata. Takte parang naisip ko, parang ganon din ang sitwasyon ko ha. Yung frustrations ko sa babae dinadaan ko na lang sa blogging. Aw man. Dat sux. 


Sinusubukan ko na lang mag concentrate sa Trabaho ko para naman mawala ang frustrations ko sa babae. Pero wala eh. Hindi epektib. Kasi gusto ko sana inspirado ako gumawa. Kaya kelangan ko talaga ng babae. Lol. I sound so maniac-ish. Pero ayun nga. haay. Wala talaga. As much as i want to make myself more and more busy with stuffs, WALA TALAGA EH! Lagi na lang pumapasok sa isipan ko na "Nge nge nge nge nge.. Si Miguel walang babae, Kawawang Lalake, di makahanap ng babae!" Yung tune na yun palagi na lang sumasagi sa utak ko. ANG SAKIIIIT :( 


Bukod sa Babae Update, ayun, nakabili na ko ng kauna unahang mamahaling bagay na gamit ang sarili kong pera. Nakabili ako ng bagong Ipod. I bought the Ipod Nano 4th gen. "The Shake that Thing" ipod. hahahah! Nagpanic buy kasi ako eh. Una nag inquire ako sa Mac how much. its almost 9k. Thanks to tipidpc.com nakatipid ako ng 2k! hahaha! And also, Last Sunday, Oct 12, I bought my Mom a gift. Ang option ko dapat nun is that, Magpapa-airbrush ako sa shirt ng mukha naming dalawa ng Mama ko sa sa harap tapos sa likod nakalagay "Mama's Boy." Kaso wala na oras eh. Then bigla na lang nag request ang nanay ko na she wants a Lacoste bag. FAK! so nagpatanong ako sa prens ko kung how much ba the bag and shet, Kulang na kulang ang cash ko. So i guess sa pasko ko na lang maibibigay yun. I ended up buying A necklace sa kanya Which she really really loved. So ayun happy naman ako. Oi ha, maganda ang pinili ko for my mom. Its a heart-shaped pendant na may lettering na "MOM" O dba? ang cute kaya. She wore it nung umalis kami. And im proud of it. Dapat ang bibilhin ko yung pendant na pde mo buksan kaso wala kasi akong picture eh. picture naming dalawa sana yung ilalagay dun. Or picture naming family. Pero basta. Masaya ako na nabigyan ko mom ko with my own money. And happy ako na nagustuhan nya yung binigay ko. Next time, hindi lang bag ibibigay ko sa Mama ko. hehe.  Galante naman ako magbigay eh. Hehehe. :) AT SA MGA NAKALIMOT BUMATI SA NANAY KO, NO COMMENT NA LANG. At dun sa mga bumati, tnx to Hans, Ruvie and Anna Flor. :) napasaya nyo si Ina! hehe. :)


Ayan. Dyan nagtatapos ang maigsing Update ng buhay ko dis past months. I-set nyo nga ko ng Blind Date with your girlfriends. LOL. Para naman may update na ko sa lablife ko. hahaha. Sige kahit panget papayag ako. WAHAHAH YES ANG KAPAL DBA. LOL :)

26 comments:

Jaycee Ann Porras said...

love yourself first before loving somebody :)

Margz Galvez said...

darating yan sa panahong hindi mo inaasahan at pinaghandaan. good to go ka kasi ngayon. besides feeling ko marami ang tingin hindi ka seryoso. ayun

Miguel Singson said...

@ Margz - Actually parang tama ka dun. Inang yan. PFFT! Mukha ba akong hindi seryoso sa babae? :(

happy mischa said...

diyan k nlng muna sa mommy mo.LOL.dami mo nmn babae eh andito kmi nila jaycee.hahahaha

psychoicko angpangalanko said...

ang drama naman nito migs. naluluha ako. Ü

kaya mo yan! hanap kita ng jojowain dito sa office. malay mo...

Miguel Singson said...

@ happy - basted ako sa inyo kaya. LOL

Hidden Smokie said...

mag speed dating ka na lang :P hehehe! don't be a hater

glaiza salamena said...

oh god if i was in your position i would be happy single& ready to mingle ang swerte mo nga eh you dont have to think about anybody but yourself oh tba? tsaka maybe pag nakagirlfriend ka na you'll stop posting blogs tapos iiwanan mo na kami edi na wala naman kami ng pagtritripan! selfish din noh haahha

Miguel Singson said...

@ ret - mas gusto ko pa din committed. :) Oi ha i wont leave kayo haaa! syempre i'll still post stuffs pero medyo mag to-tone down sa bagay bagay? LOL ahhaha!!

@ monique - binabawasan ko na nga kaya. pero wla eh. pft.

dHana dizon said...

aaww at least you have your mom with you :) it's all good. harhar alam ko di tayo magkakilala pero i hope you don't mind if i comment on your posts ;)

-jhuly - said...

di nga? hahaha..

neth neth pineda said...

mamas boy ka pala? lolz

yung mama mo na nga lang ang asikasuhin mo.. habang naghihintay ka pa ng prinsesa mo...;))

Miguel Singson said...

@ jhuly - UU! hahaha lol

@ gneth - Opkors! Sarap sarap maging mamas boy eh. hehe :)

Jetz Abela said...

more than 3 yrs nakong single. reklamador ka haha :P

cesette calleja said...

hahahhahahha! sweet ung sa mom part.. hehehehe pero bitter ng onti sa taas na part... so bitter sweet ito? hahahah! toinks. kaya mo yang migggshyy!!

camille isip said...

REKLAMADOR!! HAHAHAHA! =)))))))))))))

Hidden Smokie said...

........ grabe migs... pano ba yan :P Di na uso commitment! Wag na maghanap :)

Miguel Singson said...

@ jetz - eh babae ka naman eh. Women can live without men. At hindi ako ikaw. :)

rocky boswell chan said...

pare hnd kalang kasi pogi kaya hnd ka type ng babae hahahaha at maliit ka hahahaha galit kana sakin sa sinabi ko no hahahahaha parehas lang naman tayo eh :D

rocky boswell chan said...

nakalimutan ko itext si mama mo damn sorry nawala sa isip ko hwahahaha

maya pelayo said...

Tip lang most girls na kilala ko ayaw talaga nila ng maboka na guy e hehe paminsan mas mabenta pa rin talaga ung tahimik na guy ung pa-mysterious effect. i mean corny pero gusto nung ibang babae ung idea na sila ung magbi-break ng "shell' ng guy :P

Jetz Abela said...

sorry naman. hehe. Makakahanap ka din ;)

Miguel Singson said...

@ jetz - tsura mong yan 3yrs ka nang singol? CRAAAAAZY.

Raine Days said...

ano ka ba miggy ok lang yan. ako e nga ang tagal diba? hahahaha

poyt poyt said...

Bakla ka kasi. LOL

Jetz Abela said...

3 years na. 4 yrs na sa March :D