Monday, September 22, 2008

Tae.

Hinding hindi ko makakalimutan noon noong ako ay papasok sa eskwela, na pormang porma talaga ng solid ay bigla na lang ako nadulas sa natapakan ko sa kalsada as in sa harap na harap ng gate namin. TAE. At itong taeng to, ito yung sariwa pa na bilog pa na medyo tsokolate ang kulay. Nasira ang get-up ko dahil paborito ko pa namang sapatos ang suot ko nung time na yun. 


Wala akong nagawa at bumalik sa bahay upang magpalit ng sapatos. Sira. 


Ang tae ay binubuo ng mga bagay na nilalamon natin sa araw araw na tayo ay nabubuhay. Malambot, matigas, malapot, malagkit, kahit ano na pde nating kainin, lahat yan ilalabas din natin either sa pwet para itae o sa bunganga kung isusuka o idudura. 


Ang tae ay depende sa dami o konti at kung ano ang kinakain mo. The more the smellier, The Bigger the better. minsan naman, pag may sakit ka, ang tae mo ay parang gripo na mabilis ang pag agos at yung tumatalsik talsik pa. asahan mo ang bowl mo after mo tumae ng ganon, messy sobra. 


Ang tawag sa malaking tae ay tubol. Eto yung kasing size ng jumbo hotdog na nabibili sa supermarket. Mahirap itong iire. Minsan, mapapahawak ka pa sa wall ng cr, atsaka mapapa ire ka talaga at yung mukha mo, alam mo yung parang nakakain ka ng maasim? ganon yung mukha mo. 


Ang tawag naman sa mga katamtamang laki ng tae ay tidbits. Eto yung pagkatapos mo magluwal ng tubol, the tidbits follows. Ang tidbits eto yung mga minsan sumasabit sabit pa sa butas ng pwet mo at kelangan mo pa mag shake shake upang sila ay shumoot sa bowl. O kaya naman, kelangan mo talaga umire ng isang solid para sila lumabas.


Ang tawag sa tae na parang gripo ay tubig. Sa tingin ko, mas pipiliin nyo pang tumae ng malaki kesa sa tubig. Kasi pag natae ka ng ganito, Parang non-stop yung paglabas ng tae sa pwet mo. dire-direcho lang walang sabi sabi na "oi eto na ko, konting tiis na lang.." Ang tubig ganito eh. "pffsshhhhhhhhhhhht!" tapos may "purorooooot" "purooroooot" tapos "pfffffsshhhhht" ulit. Kaya ang toilet bowl mo, sobrang messy talaga. 


May iba pang klase ng tae. Yung tae na payat pero sobrang haba naman, Yung tae na sobrang liit pero di tubig pero sobrang dami naman lumabas, Yung tae na may mga butil butil ng mais o kaya ng green peas, At yung tae na nasa brief. haha. kidding. 


Ang tae ay parang kulangot din, may iba't ibang kulay. Bukod sa kulay tsokolate, ang tae mo ay pwede ding maging color violet pag uminom ka ng zesto na grapes flavor, Green kung may gastroentiritis (tama ba) ka o pure gulay ang kinain mo, o reddish brown kung may sakit ka at may dugo ang tae mo. 


Sa mga nabubuhay sa mundo ngayon, Ang numero unong solid kung tumae sa aking listahan ay mga Kalabaw. Bukod sa ito ay malaki na nga na parang kasing size ng isang medium na cake, proportioned pa ang shape nito. BILOG NA BILOG. Hindi mabaho ang tae ng kalabaw, hindi masangsang ang amoy. Amoy lupa kasi siya. 


Pumapangalawa sa aking listahan ay ang mga pedicab driver o mga boy o mga kargador. Eto talaga solid sobrang baho talaga ng tae. Makikita mo yan sa kanal, sa ilalim ng tulay o kaya sa Luneta. kaya mag ingat ingat ka sa paglalakad mo sa Luneta, dahil hindi mo alam, yung natatakpan ng dyaryo sa damuhan ay isa palang hukay na may lamang tae. Seryoso, ang tae ng mga pedicab driver ay sobrang solid mabaho talaga. Ewan ko ba eh pare pareho lang naman tayo ng kinakain, pero yung tae nila, seryoso mas mabaho pa sa atin. Kung yung tae ko nga bahong baho na yung mga tao sa bahay namin yung sa pedicab driver pa kaya. 


At ang panghuli sa listahan ko, ang mga taong natatae na lang kaagad sa shorts o pants. Kadalasan, nasa Kinder, Prep, Elementary hanggang High School ang mga natatae pa sa shorts o pants nila. The best to kasi talagang sobrang solid messy to eh. Ni hindi ko nga maimagine kung paano pa sila nakakaupo ng maayos kung yung tae nila eh kalat na kalat na sa pwetan nila. O dba? Parang wtf eh. hahaha. at ang upuan nila, basa. tapos color light brown. Just wondering.. Kadalasan kasi ang mga tumatae sa salawal mga lalake eh.. Meron bang mga babaeng natatae na lang kaagad sa panty nila? 

17 comments:

camille isip said...

first :">

camille isip said...

hahaha. halah. :)) natawa ako. shake-shake!

camille isip said...

miguel, tumatae ba talaga ung mga pedicab driver at mga kargador at tinatapon kung saan2? pano mo nalaman yan? hahaha. nakaamoy ka na ba ng tae ng pedicab driver? haha.

AKO ASAR NA ASAR NAMAN SAKIN MGA TAO DITO SA BAHAY PAG UMUTOT AKO. hahaha. ang baho men! hahaha. *im spilling it* LOL. hahahaha.

camille isip said...

meron akong classmate nung elementary natae sa pants. Grdae 6 ata kami nun.. lalaki siya. ang hot pa naman niya. TPOS GANUN! siyettt. ang baho talaga nun! hahahaha! :)) naglabasan kami lahat sa classroom! LOL. hahaha.

nawala tuloy ang pagiging hot niya dahil sa pagtae niya sa pants. hahaha.

mac centeno said...

nawalan ako ng gana kumain... badtrip..salamat migs... :)

-jhuly - said...

whhaha.. sabi ko n nga ba eh. may kakilala din akong tumatae sa pants dati. nkkadri kc sobrang baho. tpos ayaw nya pang umamin..

zzzzZZzzzZZ ^_^ said...

LOOOOOOOOOOOOOOLLLLLLLLL =))

hahahah ayan na ayan na FINALLY lumalabas na wahahha

mga tae moments hihihihihih =))

Black Bear Lagorza said...

pati tae hindi mo sinanto

Je-Anne Starfish said...

kaklase kong babae natae sa panty nya... nasa fieldtrip pa naman kami nun...

take note: AIRCON ANG BUS

Molly Velasco said...

Tangina yung mga nagrerent sa PChan namin na bata puta amoy tae tapos mga 3-4 silang amoy ganun. Tapos kahit matae sa shorts nila sige pa rin sa ka do-dota.

Tumatae ako dati sa panty ko nung mga grade 1 ata. ayoko kasi sa CR namin sa school ampanghi hehehe.

kamila mikkelsen said...

hole in one ang tawag sa tae na mahabang mahaba, yung tipong naka attach pa sa pwet mo at nakalublub na yung tae sa tubig ng bowl. just sharing :P

rocky boswell chan said...

bat mo alam mga pdicab driver mabaho ang tae naka amoy kana ba ???? hahaha

psychoicko angpangalanko said...

ewan. mejo nakakadiri ang blog na to ngaun ah... Ü

Anonymous said...

hahaha. natawa ko sa blog mo khit mejo kadiri nga but true nman:p

stEphAnie aldaba said...

LOL!....
;b

regine jazmin said...

"nung isang araw natae akoh sa pantalon ko nung elementary plang ako, may sumigaw na kaklase ko, mam, ambaho! at biglang sinabi ng teacher nmin "ok class tumayo tayong lahat at tayo ay mag eexercise"... pagkatapos nun, wala nakong matandaan" --- BOB ONG (abnkkbsnplako) ^di koh sure kung exact statement pero mejo ung ang concept^

ung mga natatae sa panty and briefs nila ay ang mga taong kumakataga ng "GUS2 KONG UMUTOT PERO TAE LUMABAS" sila ung mga taong tinraydor ng sariling katawan, iniwan sila sa ere at gumawa ng sariling mundo.. hindi nakisama... kaya them poops fell at the wrong place! nyahaha!

hamishu migew... =^.^= meow!

carla ▪▪ mika ™ said...

ewww ! hha :)) truth hurts *lols*