Sunday, September 14, 2008

Kulangot.

Ang Kulangot ay isang dumi sa ating katawan na matatagpuan sa ating mga ilong. Ito ay kadalasang namumuo sa tuwing  natigas na ang ating sipon. Para ito ay makuha, ginagamitan ito ng ating mga daliri either ang hintuturo, o yung hinliliit at sinusubasob ito sa loob ng ating ilong. Minsan ito ay ating kinukutkot o kaya naman sinusundot lang. Pero kung ikaw ay isang maselan na tao, ginagamitan ito ng tissue o kaya ng cotton buds upang ito ay makuha. Kung sakali mang ito ay iyong makuha gamit ang iyong daliri, ito ay pde mong ipahid sa pader, sa table, sa damit, o kahit san san lang. Kung ayaw mo naman ipahid, pde mo itong bilugin sabay pitik. Nang sa ganon ay walang trace ng iyong kulangot.

Ang kulangot ay may amoy na medyo maasim asim kapag kinakalikot mo ang iyong ilong. Parang suka. Ang kulangot din minsan kapag itoy iyong nakuha, minsan may kasamang sipon na sariwa pa. Ito yung mga kulangot na kung saan eh bigla kang sinipon na may namuong kulangot na sa loob ng iyong ilong. Ito ay medyo kadiri lang dahil pag tanggal mo sa kulangot mo, eh may pahabol na malapot na sipon. Minsan mahirap dukutin ang kulangot, kasi minsan nakapulupot ito sa buhok sa ating ilong. Kaya pagkuha mo sa kulangot mo, may kasamang buhok yan minsan.

Ang kulangot ay may tatlong kulay. Ang kulay pute na kung saan ang iyong sipon na namuo ay hindi pa grabe. Ito yung first base ng sipon yung pute. Sunod na kulay ng kulangot ay berde. Minsan ito ay dark o kaya naman neon na berde. Eto yung sipon na kung saan ang sipon mo ay malala na. Kadalasan ang sinisipon ng ganito ay yung mga Taxi driver, mga boy, at mga kargador. Yan yung mga tao na walang pakundangang suminga sa kalye. talagang makikita mo yung paglabas sa nosestrills nila yung sipon. Ang pinakahuling kulay ng kulangot ay yung itim. Ito ay yung pag nilabas mo yung ulo mo sa isang rumaragasang kotse o kaya naman eh yung kotse nyo bukas ang bintana at ang bilis bilis nyo magpatakbo at puro usok ang iyong kasabay, tyak ang kulangot mo ay magiging itim.
 

10 comments:

Molly Velasco said...

NOSTRIL pare.

Pat Gonzales said...

HAHAHAHAHAHA
apir pek2!

parang may kulang..pano yung iba na imbis na ipahid sa pader yung kulangot ay isinusubo na lang nila sa bibig nila? KADIRI MEHN. hahahahahahaha

dHana dizon said...

LOL gross but true :) syet crush na ata kita. love reading every blog LOL!

loraine MmMm said...

wahahaha! >:) meron akong classmate dati, kinakain niya yun kulangot nya. babae pa naman. ewwee.

camille isip said...

miguel ano ba. hahaha! :))

zzzzZZzzzZZ ^_^ said...

baka susunod na topic ay tae =)) hehehehehe

-jhuly - said...

aabangan ko yan.. hahahaha

Miguel Singson said...

AY AY AY WAG NYO SABIHIN HAHAHA buking na tuloy lol :))

cynthia diana renard said...

LOL. =))

regine jazmin said...

BOOGER!!!