Wednesday, September 3, 2008

Change.

Funny how people change. Their attitude, their clothes, everything. Parang dati lang, kasa kasama ko sa mall na akala mo kung sino kaming mga gago and shits. Ang saya. Ang dudungis pa ng mga itsura namin. Tipong, orcs or in layman's term, yung skwater na porma. Mga naka all black, punong puno ng "chever" sa katawan. Mga pulseras na naglalakihan, mga piercings na kung saan saan nakalagay, at mga statement shirts na fitted at mga bags na kung ano anong nakalagay na pin o kaya naman vinandalan ng mga kaibigan.

Sa bandang kabila naman, mga ghetto wannabe. Mga naglalakihang tshirt, mga maluluwang na pantalon, naka yellow shoes, or syempre ang signature shoes, NIKE. naka cap na ang tatak ay fubu or dickies or team ng isang sikat na Basketball, Baseball o Football team. Take note, hindi pa nila tinatanggal yung tatak na "first and fifty" ata yun. Not sure eh. basta parang may sticker na ganon yung mga caps nila and hindi pala nila binebend yung cap. talagang straight lang. AY.. I forgot, A ghetto is always a ghetto. They never change. haha. Ganon pala yun.

Ang saya ng samahan. Nakakamis yung ganon. Pero, syempre, dadating din ang panahon na magkakahiwalayan din kayo. Parang sa lovelife pag brineakan ka ng X mo, move on. ganon din sa buhay, we have to move on. We have to change. Magkakatagpo na lang kayo ulit ng landas sa mga online community shits na ginagamit natin ngayon. Mapa-friendster man yan o Multiply o yung bagong kinalolokohan ng lahat, ang Facebook.

Magkakamustahan, anong balita sa lovelife, may gf/bf ba, pde ligawan o kung ano ano pang chorva. Tapos makikita mo sa larawan nila, parang kelan lang eh kasama mo to na umiinom ng softdrinks sa kanto at kumakain ng isaw pero ngayon ano na ang hawak. Starbucks o kaya isang sosyal na inumin. Na dati rati ay orc o salbakuta o spice girl ang porma, pero ngayon, aba, Tinalo mo pa si Bruce Wayne, o si Paris Hilton sa porma. Fasyooooonista na.
sa lalake, Brosyonista naman. :)

Tipong hindi mo na ma-reach yung lebel nila.

Sa mga kaibigan ko, marami na kong nakita sa kanilang malaking pagbabago. Mga rakista noon, ngayo'y kikay na. Mga salbakuta noon, ngayo'y mga fasyoonista na rin. nene dati, ngayon dalaga na. malnourished noon, ngayon maskulado na. Im happy for them. They moved on. and they changed. Time to grow up ika nga.

Sa totoo lang, I really dont know if im matured enough na to face the world. Parang im stil in my own little world na kung saan, ganoon pa din ang porma ko, and i think i didnt change my attitude. I really dont know. I guess its up to my friends who's with me all day, or nakakasama ko kahit papano kung nagbago ba ko or what. Pero for me, i really dont think i changed a bit.

Im still the miguel u knew back in highschool. in college. Yung makulit. kalog. hindi nainom, hindi nayosi, hindi pumapartey, at wala pa ding girlfriend hanggang ngayon. Yung malibog, bastos at kung ano anong kabastusan ang kinikwento sa inyo. Yung mapanlait ng kung sino sino sa daan na makitang panget. Yung Miguel na wala na lang ibang bukang-bibig kundi, "nalulungkot ako." Yung miguel na nag bi-bitter bitteran. Yung miguel na galit lagi sa mundo. Ugh. I suck. Suxxx to be me bigtime.

Nakakalungkot pero ganon talaga siguro. I'm still a kid. Ugh. 22 and still  a kid. Tried once changing my outfit. Nagmukha naman akong pandak na matanda. Not good in society. haha. Ugh. This suxxx. Gusto ko din mafeel na bago na ako. Ayaw ko ng dating miguel. I want a new one. Pano ba? Ay meron naman pala.

from 154 1/2 lbs, im now 118 lbs. And bald pa. I look like Sam Cassell. Im maintaining this. or better yet, bababa pa ang weight ko. haha. :)

26 comments:

erinjeri * said...

share nmn pano ka nag loose ng weight hahaha


erinjeri * said...

relate naman ko d2...
the last time na magkita kmi nun hiskul friends ko akala nun iba nagparetoke ako ng mukha bwahahaha...
at tanungin ba ko na " nag abroad kba " bwahahaha

Trueasiatik Badong said...

yung batch ko nung highschool may website pala
nakita ko mga EB pix ng mga ka batch ko
yung dating maganda..kadiri na ngayon :-L
tapos yung ibang lalake kala ko kung sino
dahil mga mukang tatay na matanda na ang tsura
(pwedeng manlait dito nabasa ko sa blog mo)

noon hip hop ako sa megamall
tambay ako dun everyweekend kami
yung naka maluluwag na baggy pants
tapos naka cross colours na t-shirt
pero di kami yung may Letter X sa bulsa ha
mga taga PASIG yun..hehe!

Genesis Paredes said...

oh well, actually ako malaki ang pinagbago ko...
marami ngang nagtatanong?
talaga si kaiser at si genesis???

parang hello!! kung maka react naman sila eh parang hindi ako bagay sa jowa ko...

kasi daw, tisoy si papi tapos nognog ako!!!

kasi naman, ang akala nilang ichura ko eh ung blast from the past pa...

People change...

and tama si badong.. minsan... ung mga kala mong ang gaganda dati... mukha na kayang fetus ngayon!!

erinjeri * said...

apir janis....

mas OK maging LATE BLOOMER kesa nmn noon ang ganda ganda mo tpos nagyon chaka na
lolz

Genesis Paredes said...

yes! minsan lang nakakinsulto... niluluto ko pa ung blog ko about it eh...
kasi kung makareact naman ung mga tao, eh parang ang gaganda nila...

ung parang "nagpaplastic surgery ka ba?"

sagot ko, hindi pa po, pero naka schedule na po ako sa December....

nyahahaha!! Lord, give me some guts...

erinjeri * said...

wahahaah same tayo experience janis....

porke ba tumino itsura ko eh nagparetoke nko...

sabi ko nga syo sabay tayo magpa tangos ng ilong wahahaha

erinjeri * said...

at kmusta mn ung mga mega crush ng bayan noon dba...

asan na sila wahahaha

aJ Salazar said...

HAHAHAHAHAHAHHA!!!!!!! tang ina, ako yata un SALBAKUTA dati e hahahahahahaha


pero ito un classic "Nalulungkot Ako" sa loob ng gym o kahit san lugar. "nalulungkot ako"

miss malang said...

hehe. emoness!:p

Genesis Paredes said...

mukha na ngang fetus ngyon!!!
promise... hindi lang ako mean, pero promise.. i got her photo...

she's not at all pangit, in fact,pwede parin masabing may ichura, pero u wouldnt imagine na ito ung babaeng sumipa sakin nung nadapa ako sa putik... habang pinupulot ung ice candy na tinda ng teacher ko...

she's so mean!!! now, i am prettier... i hope she remembers her evilness!!

DuNi @ said...

nyeta... pag nakakasalubong ko mga batchmates ko sasabihin sakin parang hayskul pa rin daw ako... :((

SouthChild 3rdworld said...

"Mga salbakuta noon, ngayo'y mga fasyoonista na rin." HAHA putanginang yan! lol

erinjeri * said...

wahahaha...o dba...

gnun tlga eh pana panahon lng

loraine MmMm said...

ang bad naman nung babaeng yun.

erinjeri * said...

para sken compliment yan duni, kc ibig sbhin ndi ka nagmumukhang matanda hehe

DuNi @ said...

kaso hindi rin nila ako sineseryoso eh...

Jimo Herrera said...

dont change for anyone hahaha

*- donna may -* said...

onga, people change.
ako dati laging nasa list ng "NOISY" nung elementary

pero ngayon sabi nila behave na ko..
oh.. wala ng kokontra!!

neth neth pineda said...

waaaaaah di nga donsky nasa list ka ng "NOISY"? di halata hahaha jowks...

ako walang masyadong nagbago sakin yun yung sabi ng mga elementary & highschool friends ko, except potek tumaba ako wahahahahaha pero yung mukha ganun pa rin daw...

Molly Velasco said...

SHET KA GUSTO KO MALAMAN ANG SECRET MO SA PAGPAPAPAYAT! WAAHAHAHAHA!!!!

Tangina, kung yan lang pagpapalit ko yung putanginang shit na pinagagastos ko sa "pagpapaganda" like makeup, clothes, gym membershiznit.

Saludo ako meng!

Genesis Paredes said...

naku madami pang ginawa yang malditang yan...

pag kinausap ako ng mga kaklase ko...
di na rin sila kakausapin ng buong klasrum...

DuNi @ said...

naalala ko... nung elementary nasa top 5 with honors ako lagi ng klase...
nung hayskul top 5 pa rin... kaso sa kalokohan na... hahaha...

zzzzZZzzzZZ ^_^ said...

magchange talaga ang tao...mga sikat noon losyang ngaun hahaha..parang artista..LOL...share mo naman ung pano ka nagweight loss hiihihihih

monica dacanay said...

sa lahat ng blog mo, eto pinaka gusto ko. change is good migz. but i like you no matter what. kahit kupal ka. hahahaha. special kiddo kasi eh. =P

lovekuting watanabe said...

dork ako noon dork paren ako ngayon! bleh!