Thursday, July 10, 2008

Are you one of us?

Hindi ito tungkol sa Globe. At lalong hindi ito tungkol sa Smart dahil tagline to ng nabanggit kong network na una. Ito ay tungkol sa mga taong nagpapalamon sa sistema na in na in ngayon. Ang unlimited texting.

Simula ng nauso tong Unlimited Texting na to, ang mga tao ngayon ay nagsimula na maging choosy sa kanilang kinikilalang mga tao. Kakaibiganin kita kung parehas tayo ng network. Pero kung hindi, sorry. no can do. Magtatanong ka ng "ano number mo?," imbis na isagot na nila kagad yung number nila, tatanungin ka din nila, "globe ka ba?" o kaya "smart ka ba?" kaya, ang malas mo kung magkaiba kayo ng network. Dahil for sure, hindi ka nyan itetext.. ASA KA PA.

Minsan pipilitin ka pa ng ibang tao na "mag globe ka na kasi!" madalas yan. Pero smart? walang ganyanan. madalang lang. Talamak kasi sa Pilipinas ang mga Globe users eh. Bullshit. Kabadtrip yung mga ganitong tao. Imbis na masaya kayong magkakakilalanan ng maayos eh masisira pa yung diskarte mo dahil sa putanginang unlimited texting na yan. Pero kung pursigido ka talaga at nagpapauto ka naman sa kanila, eh talagang mapapabili ka ng simcard.

Ano isasagot nyo? Pagiging praktikal lang? Nagtitipid lang? Pffft. WHATEVER. Nagpalamon lang talaga kayo. Bakit? Dati rati naman nung wala pa yan masaya ang airwaves diba? Walang pili pili basta text text. Wala namang reklamo. Maayos. Pero bakit ngayon? Ang mga tao nagiiba na dahil sa putanginang unlimited texting na yan. PFFFT.

At ETO YUNG MAS MAGANDA. Ang mga nagpapalamon sa sistemang ito ay walang iba kundi ang MGA BABAE. :) (will be waiting for violent reactions after women sees dis)

Tangina ng Globe. Tangina ng Smart. Tangina ng Unlimited Texting. Hindi nyo ba alam na nakakasira ng pakikipagkaibigan ng tao dahil dyan. Wag kayo magpalamon sa sistema. Halina at tayo'y maging magkaibigan.

Itext nyo ako. 09185205415. Lets be friends.

ANG HABA NG ENTRADA NOH? HAHAHAHAHAH!

63 comments:

Genesis Paredes said...

or may sun ka ba??
hahaha!! kumusta naman!!!

Badong Trueasiatik said...

Isa pang panget sa unlimited texting...pag text ng text na yung kaibigan mo ng kung ano anong forwarded messages...kala mo naalala ka....yun pala mag e expire na yung UNLI nya.

ako sa totoo lang di ako nag a UNLI..kasi dko alam kung pano eh :p

Miguel Singson said...

@ ate janis - SHIT NOH? HAHA

@ true - ako never talaga ako nag unli. eew eh. HAHAHAHAHAHAHAHAH

Madellaine Santiago said...

hehe, i think pati naman boys nahihilig din sa unli texting. kahit sabihin natin na maraming boys ang tamad magtext, marami pa ring natira na text addicts. so male or female, ngs-succumb pareho sa unlimited texting na yan.

pero you have a point that naging mapili na tayo sa mga tinetext natin, nagtitipid kasi ng extra load.Ü

Molly Velasco said...

HAHAHAHA SUN!!!!

(",(",(",) mhai morales-haravata said...

hehehe. well said!!! nice posting! :))

May Badilla said...

Taena. Natawa ako sa dulo. Tarantado ka Migs. Ang tagal na nitong issue na to. Hahahahaha!

Alex Dizon said...

Pa-epal ha.

Minsan nga nagkakaroon ka pa ng kaaway sa UNLIMITED TEXTING na yan.
May mga tao kasi na dahil naka-unli sila, walang ginawa kung hindi magtext ng magtext (kiti-kitext ba), deadma na sa kahit anong oras, panahon at mood ng mga tinetext nila.

Buti na lang may smart at globe ako, madami pa din akong friends. Hehehe.

Boycie Cu-uyseng said...

lol.

anne sickasshit said...

ang unlimited texting ay para sa may mga shota lang. bwhahahhahahahahaha

s a m a n t h a . said...

ako never ako nag unli :D

Gelli Peraga said...

Mahirap ang buhay kaya nag titiis sila sa unli.
Uso pa nga ang 2 cellphone syndrome eh :D

Badong Trueasiatik said...

ako 1 time tinuruan ako mag UNLI...GLOBE kasi ako eh..
..tapos text ako ng text sa friend ko SMART pala sya.
yun ubos kaagad 100 pesos na ni load ko.
wala kasing palatandaan sa phone ko kung SMART or GLOBE
ang Number eh.

pero tama si Axle kaka inis nga yang mga naka UNLI
text ng text..kala ko naa alala ako..yun pala mag e expire na
yung UNLI nila.kaya kahit lumang jokes panay forward tulad neto:

STUDENT: ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: natural hindi.
STUDENT: good, di ko po ginawa assignment ko!

erinjeri * said...

ndi nko naguunli ngayon.

Ana♥ LaBeouf said...

pa-epal :D haha nakakatawa toh!

Diane Flaviano said...

hirap mag unlimited texting. unang una kakatamad mag text. tawag na lang. tapos line pa ako. lugi!!!

omel santos said...

hahahahahaha as much as possible i dont text people outside my network (Globe) mahal noh!! hahahahaha but black gulaman!! u know that i still text you kahit smart ka diba!! like later i will text you the time for tomorrow!! :)

*- donna may -* said...

hehehe!!
<--- guilty

minsan lang naman ako mg-unli Bads
ngreply ka: "sino ka? number lang lumalabas eh."

wahahaha!! forwarded message pla yung text ko sa'yo
nalimutan ko lagyan ng pangalan.. hihihi

GiEaN Miguel said...

hahahaha.. nice one. natawa ako sa ending mo.

van eudela said...

ayos malupet entrada mo! pero may point ka bdtrip tlga pag iba network lalo na pag over lupet ng chick syang tsk.tsk.tsk.

ame sayos said...

wahaha gnun pala un kaya pala walang nagttxt sa roaming ko puro mga globe siguro ung mga hinayupak na yun...pesteng sistema

Marko Anjelo Norberte III said...

tawa ako dito!
guilty kasi ako...
hahaha

camille isip said...

haha! globe ako pero nagtetext pa rin ako lagi sa mga smart users :"> hahaha!
un lang pala ung ending mo.. :))))))

pai pai said...

now, that's funny.
:))

Dettie Magno said...

buti nga jan yan lang eh... dito sa tate... mei bayad na texting... unless na lang ung kinuha mong plan is dinagdagan mo ng unlimited text.. pero pag calls... whether ikaw ang tinawagan or ikaw ang tumawag... mei bawas sa minutes mo... ang saya noh.... pag prepaid ka naman... lahat *text or tawag* babawasan ka... tapos pag naubos ang load mo... ndi ka na matatawagan ever... unless magload ka ulit... at ndi uso ang pasaload

kit aquino said...

gagu ka omel ah! anong gimik bukas! akala ko ba tonight!

kace irvine said...

I agree.. naiinis din ako jan sa Unli text na yan.. dahil KAILANGAN KO PA SILA TAWAGAN dahil ayaw nila mag REPLY sakin!....

Pat Gonzales said...

wuhooooo singson mag globe ka na!
WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Karen Naquita said...

hahhahah smart ka pala eh!

madalas ko marinig yang "mag globe ka na kasi"
kaya ayun nagpalamon din ako...
KELANGAN eh. OP ako lagi sa chismisang magkakaibigan dahil lang sa SMART ako. LOL

Karen Naquita said...

ako marunong na....
dahil kung hinde, mawawalan ako ng kaibigan! LOL

mezlyn mamalayan said...

uhm,,
bka kxe ngttipid lng cla,,,
lam mu nmn ngaun hirap ang pera..
haha.. or bka nghhntay lng mei mgload sa knla...

sep gago said...

hahahaha tangena

amanda tuparan said...

whahahaha ako i dont really care kung globe o smart yung katext ko kasi hindi ako mahilig magtext. bihira nga ako magunli. kaya parehas na piso ang bawas kahit anong network pa sya.

Harriette Dacumos said...

:)) ayos. guilty ako.

Frances D. said...

Naka-unli ako pero kung smart magtetext saken nirereplyan ko naman hindi naman ako masyado nagtitipid sa load unang una kasi sa lahat wala naman ako katext masyado bwahahaha.(puta labo ng reply ko)

Hidden Smokie said...

unli is so stupid especially when people send messages that are meant for other people. In short, sesend nila sa lahat ng nasa contacts nila para lang magamit yung unlitext

Genesis Paredes said...

uy... bakit!!!?!

*namatay sa tawa*

Genesis Paredes said...

nakakainis ka badong!! bwahaha!!

cesette calleja said...

ang nakakairita pa sa unlimited texting eh mapupuno ung selpown mo ng quotes! my gulay... kahit di naman minimean isesend para lang masulit. hahahahaha

dada ancajas said...

tamad ako magtext. callgirl ako mwahahahaha.

zzzzZZzzzZZ ^_^ said...

hahahahahaha katuwa!

sun ka ba or globe or smart?

ROFLMAO ayy mas mabuti pa meron kayo sa tatlo ROFLMAO =))

Badong Trueasiatik said...

mayayaman daw kasi kayo dyan sa US.

sa Canada din pag naka tanggap ka ng text may bayad kaya galit sila sa mga forwarded
messages lalo na mga walang kwenta.


basta ako di ako nag a UNLI..tini text ko kahit anong network
pero di ako mahilig mag text ha...pag importante lang
like mga lakad and tanungan.

leah valdez said...

korek ka jan badong send o receive may bayad...yung cell ko unlimitted local calling...pero antagal na ung plan ko...ngayon nde na sila nag ooffer ng ganitong plan...mautak rin sila...pero meron na ring plan na unlimitted received calls, kaya ang gagawin ng may plan na ganito, tatawag at sasabihin "tawagan mo nmn ako para nde mabawasan minute ko"...hassle eh noh...jan ba sa pinas pag cell to landline or vice versa eh may bayad?...

kaya nde cguro masyadong uso ang text d2 dahil mahal... 35 cents..receive o send...

kaya badong wag mo ko text ha!!!mahal...

D. D. said...

Globe talaga ako since year 2000. Then natry ko rin ibang network pero nainis lang ako.
magastos eh. wala pa naman akong budget sa load noon. ako sumasagot ng sarili kong load na manggagaling sa kakarampot kong baon na dating P50 nung 1st yr college na naging P80 per day nung 2nd yr hanggang grumadyuweyt (inclusive of food and transpo fee and miscellaneous gastusin). i am not kidding. magpalamon na tayo sa sistema. basta pag nawala yan, mawawala ako sa mundo.

guy: ano number mo?
me: globe, smart or sun?
guy: sun / smart
me: bibigay ko pero hindi ko ginagamit yung sim.

random guy: anong number mo?
me: globe, smart or sun?
guy: globe
me: naka post paid ka ba or prepaid
guy: prepaid why
me: so unli. well bigay ko sayo yung hindi ko ginagamit na globe sim number. ayoko kasi ng quotes eh.

random guy: post paid why
me: ok, 0927 - *** ** **

kasi pag post paid, puro calls ang matatanggap ko hindi quotes.

dalang - dala na ako sa mga naka unli. hahaha.
pero pag friends ko nagtetext oks lang. alam naman nila ang gusto kong matanggap
hahahaha.

lols. gusto mo ko sendan ng quote or chain text msgs na if you dont send this, your family member will die in three weeks. do not ignore this is true. leche. or a man is with no feet will haunt you. gaga. nakakainis. nanakot pa. mga walang kwenta. SABIHIN MO NA LANG PAG TUMAWAG KA. lols.

chie roque said...

bad trip talaga kapag alam mo puro forwarded messages lang ang natatanggap mo.
minsan nga sa sobrang asar ko nag reply ako sa taong nagfoforward sa akin ng txt ng. "STOP" para bang gusto kong mag-unsubcribed sa taong laging nagpapadala ng non-sense na mensahe.

hindi rin ako nag a-unlimited texting kasi hindi lang naman pagttxt ang gagawin ko sa maghapon.Masasayang lang ang niloload ko, kung di ko naman masusulit ang unlimited txt na yan. :)

Aminah Davies said...

isang malaking LOL.

ALEXA GALANG said...

nice one ;)

ALEXA GALANG said...

aminado din ako jan. hehe. nagiging choosy na sa friends. globe ako, so mas ok kung naka globe rin yng new friend. hahahhahah

Miguel Singson said...

@ lexy - BOOO lol

Carlo Wong said...

toys statue??

neth neth pineda said...

ako di rin ako nag uunli pero pag nauubos na yung 300 load ko nagpapaload ako ng all text.. :))
and hindi ako choosy sa friends, meron akong kilala na nakaglobe pag smart ang nagtext sa kanya gang 2 reply lang sya kung minsan isa lang at minsan wala pa ;-p

Badong Trueasiatik said...

Lex,Globe ako..text mo ko gusto ko may Tatay Anak jokes ha.
kaya lang di ako nag re reply..pag importanteng lakad friday/sat.night lang ako nag
rereply.

lovekuting watanabe said...

hoi miguel pag tinext ba kita magrer-reply ka? lol! hahhahahaha! bawal KURIPOT!

Miguel Singson said...

@ maj - opkors. ako pa. BASTA WAG INTERNATIONAL.HAHAHAHAHAHA

lovekuting watanabe said...

kuripot na miguel! sabi na eh! eh international number ko pano na yan! wala ka pala!

L K said...

isa lang ibig sabihin. madami ng poor. LOL.

Jayvee Sacramento said...

mas madaming smart loko. lalo na sa matatanda. LOL

kristel ♥ said...

buti nalang di nko nag-uunli kc nagco-cost cutting hahaha...

Jean Quiambao said...

(pa-comment)

isa ako sa mga nag-globe, mas mahirap kasi na sila yung pipilitin kong mag-smart dahil masyado silang marami, kaya ako na lang ang nag-adjust. hehe
well, i have both globe & smart naman, globe kasi halos lahat ng friends ko sa college, tapos smart naman yung HS friends ko & family..ayun.

btw, nakakaaliw ang mga blog post mo. keep it up! :)

tine bitine said...

hoy migs.. eto talaga nararamdaman ko na pinaparinggan moko.. kase yung mga pinost mo na reply sa nakaraang blog entries ko eh .. sobra pambihira ang panlalait sa network ko ;}

haha.. now i hate you.

Miguel Singson said...

@ tine - wen did u love me? lol

Heart Escalona said...

hahahah.. guilty ako dito.. waahh.. :p

kai dolor said...

wow, hindi ka pa din pala nagpapalit ng number :) ako naka-ilan na!