Sunday, December 30, 2007

This is my Christmas Story.

Grabe. Delayed na dahil wala ako internet for 1 or 2 weeks dahil sa pldt. On-going pa din daw pag aayos nila.

December is the best month for me this year. Takte. bukod sa mayaman ako, (may sweldo kasi) madami akong napabili sa nagsiuwiang mga kapatid ko. Yes surrr! hahaha. Paskong pasko talaga! woooot! at bukod sa mga regalong aking naibili sa sarili at napabili, eto rin ang pinaka da best dahil magkakasama kaming pamilya for the very first time after 6 years. grabe. Sobrang saya ko talaga. Andyan yung ate ko na ang sarap sarap bullyhin dahil ang liit liit, at andyan ang kuya ko na tulad ko, mababaw din ang kaligayahan. parehas kami. mahilig kami tumawa. At may bagong member ng pamilya. ang wifey nya. Ok naman sya. tahimik. pero parang kuya ko, masiyahin at palatawa. Malambing sya sa kuya ko. Perfect couple. harhar. At hinding hindi mawawala sa equation ang Nanay ko. BOOOM! the best nanay eber. kahit na may unting misunderstandings kami, mahal ko yan. tawag ko nga dyan ngayon si SHE-HULK eh. isipin nyo ha, last month, Nadengue. last last week, nabangga ng motor. pero tignan nyo, malakas pa din! hindi napabagsak ng motor ha. yung motor pa yung tumilapon. tsaka yung driver. Pero basta. matikas ang nanay ko. I thank God binigay sya sakin at masaya ako na sya ang nanay ko. halavshu mommaaa! kahit hindi mo ko sinasabihan ng i luv u pag nilalambing kita habang pinapaamoy ko kilikili ko. hehehe. :)

Where did we spend our Christmas? Sa baguio. para makaiwas nman sa mga gate crashers na tuwing pasko eh nagpupunta samin. Nakakasawa na ang magluto. nakakasawa na mamigay ng datung. Panahon na para kami naman ang magwaldas ng pera. yung kami. KAMI LANG. lol. haha! Dami ko din napabili dito sa kanila. ni-hindi ko man lang nagalaw ang kayamanan ko. LOL HAHAHAHAHHA!

Ang saya ng disyembre. mataba. walang girlfriend. umitim sa baguio (naknantutsa). nasisante sa trabaho. maraming pera. madaming nabili at naipamili. at syempre da best, kasama ang pamilya. sana next yr ganito ulit. pero di na yung nasisante at naitim. LOL. pero i think next next yr pa ata uuwi ang kuya ko. ate ko di ko pa alam.

December 31 na pala. hindi ko pa kayo nababati ng Merry Christmas. Belated na lang sa mga masugid kong readers. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang bumubuhay ng Blog ko. NAKNAMPUTEK ANDRAMA LOL! Happy New Year na din po sa inyong lahat. Ingat lang po sa mga magpapaputok. baka maputukan ang bedsheet nyo este kamay nyo. HAHAHAHAAHAH!

7 comments:

Black Bear Lagorza said...

dude asan yung regalo ko...
taena ka anu ginawa mo at nasisante ka?!

kaye abad said...

i really enjoy reading ur forever laughtrip na blog:)

Miguel Singson said...

@ jasper - secret ngaaa

@ kaye - haha salamat ateee

* Russell Wang said...

i really enjoy reading ur forever laughtrip na blog:)

Merry Xmas friend

tintin laurel said...

yaman!

happy new year!

Kitine + said...

kya pla nwala sa circulacion sa multiply.. haha.. hapi nu year!

Miguel Singson said...

@ tintin - YEYE! HAHA!

@ kitine - oo nga eh.. hehehe hapi nu yrrrr!! :)