1st Story: Internal Defense
Gabi ng monday hindi ako makatulog kakaisip sa Internal Defense na yan. hindi ko kasi alam kung sino magiging panel ko, at medyo 95% palang ang gawa ko. wala pa kasi yung "good stuffs" na ilalagay ko. inabot na ko ng alas 5 ng umaga ng tuesday kakaisip nito. natulog ako ng 1 oras. pag gising ko handa na mga dadalhin ko. 3 executive brief, 1 marketing plan, 3 panel defense sheet, at pagkain ng mga panelists. nagpaluto kasi ako sa nanay ko. pinaghandaan talaga namin to. kumbaga this is the judgment day. nakasuot pa ko ng pula nun.
Nag pedicab ako papuntang school. LOL. pagdating ko, kasama ko yung 2 pang magdedefense. naka sched kami ng 8am. this is the worst part. pagdating namin dun, putakte, sabi WALANG PANELISTS. nakita ko dun sa monitor nya lahat ng minessage nya ata sa chikka thingy puro "SORRY" "SORRY" "SORRY" and the sorry goes on. sabi nya, "moved kami" BOOM. nawala ang kaba. nabadtrip. imbis maaga matatapos, ayun. tinanghali. another worst part, "in-on the spot kuha panelist challenge" kami. kung sino yung andun nung umagang yun, yun yung kinuha. We got this short haired girl and this bothered chinese prof. worst part again, AKO ANG INUNA. Kung kanina eh lahat kami eh gusto mauna magdefense dahil sa namove yung sched namin, nung nagka panel ayaw na kung sino yung mauuna.
The defense was fine. ok naman. i passed. thank you for the panelists. THIS IS THE WORST PART OF THE INTERNAL DEFENSE. YUNG BINIGAY KONG PAGKAIN, INIWAN SA TABLE. UMALIS AKO PARA MAGBIHIS BUMALIK AKO ANDUN PA DIN YUNG PAGKAIN. SANA MAN LANG PAG BINIGYAN KAYO NG PAGKAIN EH KUNIN NYO NAMAN DAHIL SAYANG EH. KASALANAN KO BANG LUMAMIG YUN EH NAKASCHED KAMI NG 8AM TAPOS ANO ORAS NAG SIMULA 10AM NA.
Dahil sayang, ako na din lang ang kumain. 2 ang kinain ko. yung isa binigay ko sa classmate ko dahil gutom na. yung isa kinuha ng panelist. pero nakita ko sa salamin nasa cafeteria bumibili ng pagkain.
2nd Story: Grand Opening ng Exhibit
5pm na ko nakarating sa LRI. Bumalik pa ako ng bahay para kunin yung chibog. Lintik na ulan yan. ang lakas sobra. ganda ng loob. ang saya. ang cute. ang lamig. pagdating ko andun na lahat except for me. yung isa kong groupmate wala pala dahil sinundo ang gf.
630. wala pang tao. kinakabahan na ko. baka mamaya wala pumunta. huhu.
710pm. dumating nanay ng isa naming classmate. nakita yung isang gawa ko na andun yung anak nya. pinicturan kasama sya. nakakatawa nga eh. hwahahaha! another guest. photographer. meron daw syang studio sa taas. ang masama dun, di namin napapirma sa guestbook. yun lang yung stranger guest na pumunta sa exhibit namin!
740. dumating ang pamilya ng isa pang classmate namin. nagustuhan din yung ginawa ko dahil andun yung anak nya din. whahahaah!
8pm. pansamantalang lumungkot ang exhibit. walang tao. kami lang.
840. dumating ang classmates namin. medyo nagkatao na ulit ang exhibit. wooo!
910. another batch of classmates ang dumating. dumadami na! dinumog na ang exhibit ng same old people! wahaha!
920. dumating ang nanay ko. wooooooooo! nakita ang gawa ko. natawa sa work ko na andun sya. ipapaframe nya daw. wahahahha!
10pm. madami pa ding tao. dumating ang pamilya ng groupmate ko na best seller ang works. ganda kasi eh. dumating din si Sir Durian! heheh. tapos may isa pang dumating na pamilya ng groupmate ko din.
1010pm. dumating ang bestpren ko. putakte! woooo! isa pang masaya dahil matagal ko na di nakikita yun. bad news, hindi kasama ang ate. di ko nakita grr. pero babalik sila sa last day namin. yeye! wooo!
1030. wala na tao. kami na lang. actually, 4 kaming magkagroup ang natira. yung 4 nagsilayas na kaagad. nagstay pa kami ng medyo unti. nagcontemplate kung ano nangyari sa exhibit. mga feedback. SI MALSI MALUNGKOT. kung bakit, tanungin nyo sya. wahhahha!
11pm. may dumating kaming classmates. may dalang tarantula at scorpion. pinaglaruan muna namin. hahahh!
1110. closing time. bukas ulit! haha!z
this is another worst part. YUNG MGA SABING PUPUNTA HINDI PUMUNTA. YUNG MGA HINDI PUMUNTA WALA KAYONG KWENTA. NAIINTINDIHAN KO NA NAULAN NG MALAKAS PERO SANA NAMAN MAGKARON KAYO NG UTAK NA MAGTEXT SAKIN NA HINDI KAYO PUPUNTA HINDI YUNG PAPAASAHIN NYO KO. NAPAKAWALANG KWENTA NYO. OO OO KAYO TAPOS DI KAYO MAGPAPARAMDAM. TAMAAN SANA KAYO. MGA WALANG KWENTA.
takte. dami kong inasahang pupuntang friends ko. pero asan kayo? eto kayo. ..|.. 0_0 ..|..
11 comments:
congrats sa exhibit ^_^
@ mhai - tnx yo. bisita ka kung may time ka. hanggang aug 9 pa naman kami eh. :)
congrats sa exhibit and sa defense narin :D sori di makalabas ng bahay may sakit e..
congrats sa exhibit! til wen?
Bukas ako punta wahehehe :D
POTANG ENA KA AH BAKIT ALA KO SA DOCUMENTATION!?!?!?!?!
"9:40 - Dumating pinaka gwapo kong classmate, si AJ."
pahabol.
10:10 - Natira at na-critique ang "Look from 12 ft. Away" na masterpiece. Ang result? hindi matanggap ng artist ang kanyang masterpiece.
uy! nagtxt ako na d makakaputna ah!!! wag ka magalit!!! completo kaming chinese mafia bukas!! ^_^ sana d na baha sa parking ni jon! hehhee
hangang aug 10, diba? kung ganun, sa Last day na kami pupunta ng mga kaibigan kong MMA graduate.. okay ba yun..
uii may naguilty bigla!! hahahahahaha
@ niki - tnx yo. pagaling ka!
@ kaye - hanggang tomorrow na lang kami.. August 8.. :)
@ molly - haha sige tnxxx!!
@ aj - wak ka na lol HALATANG GUILTY HWAHAHAH!
@ char - yepyep!!! patama yan dun sa mga umo-o sakin na inimbita ko na di naman pumunta! grrr!!!
@ emjay - August 8 po kami yo :) last day namin tomorrow.
Post a Comment