Friday, July 13, 2007

minsan may kapitbahay.

Dito sa lugar namin, dalawa na lang kaming pamilya ang solidong nakatira dito. since birth andito na ako and still counting. Wish ko lang sana wag na kami umalis dito or wag na ipagbenta yung apartment na inuupahan namin. Kumbaga this is my safe place talaga eh. and I love living here. dahil bukod sa madali kang makapunta kung san san, boundary ka ng Pasay, Manila at Makati. o dba? Malupet.

Ngayon dito samin, we have this neighbor na ewan ko ba kung nagpapakasosyal or sosyal sila pero minsan kasi nakakairita or nakakabastos. Samantalang pare pareho lang naman kami ng pamumuhay noh. hindi sila nakakataas pero kami nakakataas kasi veterans na kami sa neighborhood namin. So anyways, may mga instances na nakakabastos for us.

Kasi one time, nagpalinis kami ng aircon dun sa friend ng mama ko, tapos sa labas kasi, nagkwekwentuhan sila, pero yung tamang boses lang ha. parang normal na paguusap lang. hindi nasigaw. walang sigawan. bigla ba namang nagsalita ng "ANG INGAY NAMAN!" sabay sinara yung bintana.

Tapos may isa pa, kakatapos lang maglaba ng nanay ko ng mga damit namin. so nagsampay sya sa labas. Bale mga puti yung nilabhan nya including my briefs. lol. tapos narinig nya na inutusan daw yung katulong na maglinis ng bintana. Kung di ba naman tanga at bobo yung katulong eh malamang pag nilinis nya yung bintana nila, yung alikabok, mapupunta sa damit namin. O dba? ang bastos. ginawa ng nanay ko, pinagsabihan nya yung katulong, tapos talagang tumayo sya sa labas ng bahay namin para lang bantayan yung katulong nila.

Kami di kami nagrereklamo pag yung mga bwisit na mga anak nila eh andyan tapos nagiingay na parang wala nang bukas tapos kami kwentuhan lang sa labas eh pagsasarhan na nila kami ng bintana. irita diba. Kapag kumpleto silang "sosyal" na pamilya aynako, trust me. PARANG BARANGGAY. napaka ingay. Ako? kelan ba ko nagiingay? pag may laban lang ang Ginebra at pag playoffs na ng NBA. Pero sila palagi eh. Nakakainis. Aynako. Hintay hintayin lang nila na maginit talaga nanay ko kung di talaga sila makatikim ng masasakit na salita sa kanya. according to my mom, malapit na daw silang bumingo sa kanya eh. Go go go mom! woot!

Ako discreet ako kung gumanti. ingat ingat na lang sila sa pintuan nila baka may pintura na. AT ETO PA PALA! Nasigawan na pala yan nung anak ng may-ari ng apartment na tinitirhan namin. I think very late na ata yun tapos ang ingay ingay pa nila then may narinig na sigaw si mama na "MAGPATULOG NAMAN KAYO ANG INGAY INGAY NYO!" basta something like that. Pahiya sila. haha.

Dadating din ang panahon na aalis din kayo. pangako yan. aalis din kayo. grr. >.<

5 comments:

mac centeno said...

instead na patayin sa paso ang mga nahuling monster rats., lagay m na lang sa bahay nila.. hahaha..

aJ Salazar said...

HAHAHAH TANG INA! BATUHIN MO KAYA NG MGA PATAY NA DAGA! hahahahahahaha!!!!!

Ysabella Arcilla said...

go gel!!!ipaglaban mo ang hamak na dampa natin!!!parang kilala ko kung sino ang mga sinasabi mo ah...hhmmm..coool lang kayo ni mama...GO GINEBRA!!!pasalamat sila wala na diyan ang mas maiingay mong mga kapatid.tama...yung mga nahuhuli mong daga na kasing laki ng pusa, pag nag ingay na naman ay hindi umayos ang pananalita nila, medyo itapon mo sa harap..dun sa may drum tapos pretend na wala ka alam...di naman yan diba gagawin ng taga benilde???hehehhe

Miguel Singson said...

@ ate mel - ahahaha. aynako te mel, naiimagine ko nga kung andito ka eh. malamang ikaw na sumugod sa kanila. aarte kasi talaga eh! wag daga halatang ako eh! hahahah!

Ysabella Arcilla said...

at take note gengski...yung bahay natin aside from boundary ng pasay at manila - eh malapit sa eskuwelahan para 5mins lang eh nasa paaralan ka na, malapit sa simbahan para 4mins lang eh makakapagsimba ka na, at malapit sa palengke aka talipapa para 3mins lang eh nakabili ka na ng gulay na lulutuin ni mama...in short ..no excuse para di mo mapuntahan yung tatlong lugar na sinabi ko..kung pupunta ka ng greenbelt, 20mins pa at 25mins sa glorietta - kina aling nida ka na lang - puwede ka pang umutang at libreng sabaw...heheh..love u..