
Ang kanyang mga kamay ay sinlambot ng bulak,
sa kanyang mga yapos ikay mangangamoy bulaklak.
ang kanyang munting tinig na iyong naririnig tuwing gabi,
ay parang boses ng isang anghel sa iyong tenga ika'y kinikiliti.
sa araw araw na ginawa ng Panginoon ikaw ay kanyang inaalagaan,
iyong mga pasakit, kanya itong pinagpapasensiyahan.
ang iyong mga hiling kanyang ibinibigay,
kahit maghirap pa siya, taos puso niya itong ibibigay.
kapag ikaw ay may problema ikaw ay kanyang dadamayan,
pakikinggan ka nya at ikaw ay kanyang tutulungan.
walang sinumang inay ang gustong makitang naghihirap ang kanyang anak,
lahat ay gagawin upang ang mahal ay hindi mapahamak.
Mahalin mo ng labis ang nanay mo, yan ang maipapayo ko sayo,
dahil sa paglaki mo, baka wala na siya sa tabi mo.
bilang mga anak meron tayong pangunahing tungkulin,
ang pagmamahal sa ating nanay, tulad ng pagmamahal niya sa atin.
>> dis is just a poem i made matagal na for my mom. haha. wala lang.
So anyways, mamaya pagbalik nya, mag de-date kami, at syempre sya ang taya! LOL! huwahaha! takte, wala akong pera di ko pa mapapaprint yan. grrrr. Sa lahat ng mommies out there, at sa mga nanay students dito, happy mother's day! woooooooooooot!
7 comments:
waw that's so sweet :D happy mom's day to your nanay!
ahpi maders day din sa inay mo tiya niki. HUWAHAHAHAHAHAAH
nice fontz! i know that. da-fonts DOT COM!
haha! ayus ah! drowing ko kaya nanay ko? wehehehehe!
happy mothers day to your mommy :D
Ay pota umalis na nanay ko... di ko naalala =((
nanay students bawhahaha
Post a Comment