Saturday, October 1, 2005

My LiFe.. As ToLD by Me..

Nag iisa lagi sa bahay.. nakatunganga, walang magawa..

paulit ulit na lang ang mga nakikita..

larawan ng nakalipas na minahal, at litrato ng samahang

winasak ng pag aaral. Magdamag na nasa silid, nakatitig

sa computer at kung ano anong kalokohan ang ginagawa.

babad sa pakikipag-usap sa kung kani-kaninong babae

tungkol sa kung ano anong walang kwentang kwentuhan

na nauuwi din sa wala. halos sumakit na ang mga daliri

sa kakapindot ng keyboard ayaw pa din tumigil. makikinig

ng maiingay na kanta ng pagkalakas lakas na para bagang

walang kapitbahay. hihiga sa kama at magpapahinga ng

ilang segundo hanggang sa makatulog.



Magigising gabi na. Paggising ang unang bubulaga ay ang

nanay na nanggagalaiti sa galit dahil matagal buksan ang

pintuan. gising ng gabi. hindi makatulog. walang nagtetext,

walang tinetext. walang tumatawag, walang tinatawagan.

hihiga sa sopa, manonood ng telebisyon. tatayo, aakyat sa

taas upang mag computer nanaman na magdamag na

iniwanang bukas magdamag. maghahanap ng kausap,

kaaway, kasintahan. Bigo. papatayin ang computer,

matutulog na. Gising na kasi ang Ina.




SAD LIFE!



No comments: