Wednesday, September 21, 2005

Puyat - A poem

Puyat



Di mapakali sa aking kinahihigan,

punong puno ng galit ang aking isipan.

di malaman kung pano matutulungan,

sarili kong nakalugmok sa upuan ng kalungkutan.



Humayo ako at bumaba,

sa dilim ako ay nangapa.

upang hanapin ang liwanag,

para daan koy aking maaninag.



humiga sa sopa, napatingin sa taas,

nakita ang dalagang sumira ng aking bukas.

o kailan pa kaya niya mararamdaman,

ang tamis ng aking pagmamahal sa kanya inilalaan.



alas dos na ng madaling araw, gising pa din ang bata,

pilit na iniisip ang kalagayan ng kanyang prinsesa.

gusto man niyang wag isipin pero bumabalik pa rin,

ang marikit na dalagang gusto niyang mahalin.



Ala sais na nang tumayo ako sa aking kinalalagyan,

sa wakas nakaramdam na ng antok ang aking katawan.

aking prinsesa bigyan mo ako ng unting katahimikan,

dahil mamayang alas nuwebe na ang aking pasukan
.



No comments: