Tuesday, May 5, 2009

Mapanlinlang na mga Dede.

Simula nang ipinataw sa Opisina namin ang patakaran na pag na-late ka ay may 2-day suspension(which naexperience ko once)  ka at pag absent ka ay may 5-day suspension ka, Lakad na lang palagi ang ginagawa ko sa tuwing papasok ako. Mula Gil Puyat Station, hanggang Equitable Tower Makati ang nilalakad ko pag umaga. Alam nyo naman, sa daan na iyon, magmula Gil Puyat hanggang RCBC, sobrang trapik. Proven and tested na yan. Try nyo. Pero ngayon, tinanggal na nila yung rule na yun. Pero ewan ko kung ibabalik nila yun.

So anyways... Masarap ang umaga ko tuwing naglalakad ako sa daan. Ang dami dami kong nasisilayang magagandang dilag. Alam mo naman sa Ayala, pugad ng mga mukhang malalanding babae. AY LOL. HAHA :) Yun nga lang, ang panget lang sakin, basang sisiw na ako. Pawis na pawis. Tangina, umitim nga ako kakalakad eh. Mas umitim pa ako sa mga opismates ko na nagcompany outing ng 3 days sa Boracay. Hindi kasi ako nakasama nun. Grabe ang initim ko. Shit. So ayun. anyways, sa tuwing naglalakad ako, lagi ko napapansin ang mga dede ng mga babae. Hindi ako boob man. Pero hindi mo naman talaga maiiwasan ang mapatingin sa babae kung maganda to tapos may malaking dede. Nasa genes na namin yan. Kaya sorry na lang. Pero hindi ibig sabihin nun eh manyakis na kami. Putragis kasi na pagiisip ng mga babae yan, mapatingin lang sa dede nila para sa kanila manyakis na kami.

Same with girls. Hindi nyo din naman maiwasang tumingin saming mga lalake kung maputi or matambok yung pwet ng guy or kung maskuladong lalake yung dumaan sa harap nyo eh. Wag na nga kayo magmalinis.

Back to the topic. Suso. So ayun nga, napapatingin ako sa kanilang mga dede. May mga pandak na ang lalaki ng suso, may mga maliit naman. May mga matatangkad na ang lalaki din ng suso, may mga wala naman. Ay lol haha. Pero minsan, naloloko tayo ng ating mga paningin. Minsan niloloko tayo ng mga suso. Akala mo maliit, malaki pala. Akala mo namang malaki, maliit pala.

Mahilig manlinlang ang mga Suso. Lagi nilang pinaglalaruan ang ating mga mata. Kaya ang hirap ding magsalita kung malaki ba o maliit ang dede ng babae. Not unless na lang kung ang damit na suot nya ay kitang kita na ang kanyang klebahe. Doon talaga, masasabi mong malaki ang suso nya. Mahirap kasi magsabi na malaki ang suso kung nakabalot ng solid ang babae eh. malay mo naka wonder bra lang yan or may silicon shit lang sa loob ng bra yan. Diba? Same with women na akala mo ang liit ng dede pero pag nag tupis na or naghubad sa harap mo eh putangina ga-pakwan ang laki. Solid shit diba?

Ako, I was deceived twice na ata. Akala ko noon eh maliit lang or katamtaman lang yung laki ng suso nya. To think na mas matangkad pa ako sa kanya ng unti nun ha. Pero hindi pala. Jumbo pala. sumobra pa sa palm ko eh. LOL :)) Yung isa naman, nung una she had this shiznit suso din. Ganon din may sobra pa sa palm ko. Then we lost contact for a VERRRRYYYYY long time. Then last 2 years, nagkausap ulit kami. And when i saw her, pusangina, parang pinutok na lobo na may tubig ang suso nya. Parang nawalan ng enerhiya yung suso nya! HAHAHAHAH! Ay. sori. lol. :))

So there there. I therefore conclude that ang dede ay isa sa mga "bagay" na mahilig manloko ng ating mga paningin. Wag tayo magsasabi kaagad agad kung ito ba ay malaki or maliit. Dahil pag andun na tayo, at nahawakan mo na, at nasilip mo na ng sobra sobra, baka mabigla ka. Ang pinagnanasahan mong malaki, maliit pala. Ang minamaliit mong maliit, malaki pala. Parang alien lang yan or multo. Kelangan mo muna maexperience yan before you believe in it. Sa suso, kelangan mo munang makahipo nyan or makalamas nyan or masilip man lang yan before ka magsalita. Mahirap na. Baka kainin mo ang iyong mga binitiwang salita. Wag magpalinlang sa suso.

SILIPIN AT HAPLUSIN! BAGO KILATISIN! 

Sunday, May 3, 2009

Facebook.

After Multiply, Friendster, Myspace, Etc. May bagong online community nanaman ang kinababaliwan ng lahat ng tao. Ang Facebook. Oo inaamin ko, isa na din ako sa milyong milyong tao na nagpapaka-adik sa pag kalikot ng Facebook. Enjoy eh. Pero dati, iritang irita ako sa Facebook. Sa dami ba naman ng applications na pde mo gamitin at pde mo ilagay sa profile mo, sino ba namang di maiinis dun? Isa yun sa nagpapatagal magpaload ng profile eh. Kakainis. Pero nung tumagal, nang nauso na ang mga samut saring laro, ayun dun na ako nagsimulang mag-adik. Naalala ko pa na may inaway akong menor de edad sa facebook ng girlfriend ko dahil sa isang laro. Tangina eh. nirerecruit yung bandmate ko eh! Pota! grr! Naginit talaga ako nun eh. haha.

Anyways, akala ko noon hindi sisikat ang facebook.. Dahil nga napaka complikado eh. Puro na lang invite ng applications. Tapos bukod pa sa may "wall-to-wall" pa silang naiisip, meron pang walll na hindi ko alam kung ano yung pinagkaiba non sa wall-to-wall na sinasabi nila. Meron pa silang give nicknames, superpoke, poke, give drinks, at kung ano ano pang kabalastugan na makikita mo sa facebook. Yun yung dating facebook. Buti ngayon, ayos na. ok na. nakakasabay na ko sa alon ng facebook. Hindi na ako nababadtrip. Im one of 'em addicts na eh. haha.

Dahil sa kaguluhang ito, Ang Friendster, Myspace bumaba ang ratings. Ang ginawa nia, gumaya na din sila sa Facebook. Akalain mo yun? May mga different applications na din ang friendster at myspace. May mga updates na din sa iba't ibang tao. Makikita mo na kung ano yung mga comment ng tao sa kanila, or kung may dinagdag ba silang photo sa photos nila. Alam ko nga dati, Shoutout lang ang makikita mong update sa friendster mo. Pero ngayon iba na eh. Basta isipin nyo na lang, Ang Friendster at Myspace ay nagpapaka wannabe Facebook na sa ngayon. Taob na sila eh. haha. :)

Maraming klase ng tao ang gumagamit ng facebook. Kaya enjoy eh. Kanya kanyang trip. Kanya kanyang kalokohan. Nakakabadtrip lang sa tuwing makikita mo na ang laman lang ng facebook mo eh pangalan nya. HAHAHAHAH! Pero ok lang. Masaya naman eh. Edi magflood ka din ng pangalan mo. hehe. :) So sino sino nga ba tong klase ng tao ang makakikilala mo sa facebook?

1. Ang mga Artista.
- Dito sa facebook, Legit na Artista na talaga ang mga nandito. Hindi na fakes. Oo nga't may mangilan ngilan pa ding namemeke pero Dito ka na talaga makakakita ng Artista na nag oonline community din. Haha. Sa Facebook ko, naka-add sakin si Sitti Navarro, Chx Alcala, Janine Desiderio at si Angelica Panganiban to name a few. Si Toni Gonzaga nga hindi Toni Gonzaga yung name dito eh. Totoong pangalan nya talaga. hehe.

2. Taggers.
- Eto yung mga tao na wala na lang ibang ginawa sa buhay kundi ang mag tag ng mag tag ng tao sa Photos, Sa notes, sa video, at kung ano ano pa. Minsan, ang nakakabadtrip sa mga taong tumatag sa mga tao eh yung alam mo yun, mga gagong pictures lang kunwari isang tao lang naman ang andun pero may iba na tinatag pa na eto si Dahon, yung iba tae, tapos yung iba tubig. Ang gago lang diba? Ako tinag ako ng isang tao dito sa photo akala ko nakasama ko sya. Yun pala palanggana ata ako or sumthin like that.

3."what's-on-your-mind?" Person.
- Eto yung mga tao na segundo or minuto kung magpalit ng shoutout nila sa facebook. Mapa emo man yan or kalokohan lang or basta may masabi lang. Pero ang mas nakakairita talagang mga taong ganito eh yung nagpopost ng mga lines from tv series, or quotes or yung mga taong sadyang emo lang talaga. PFFT.

4. Quizzers.
- Sila ang mga taong sobrang adik sa mga quizzes na ginagawa ng mga tao. isa na ako dito. haha. Well, nakakatuwa naman kasi talaga pag nakukuha mo yung mga results eh. Yun nga lang, nakakasabaw yung mga tanong. Nakakabobo na nakakagago lang. pero may mga quizzes na matino. nakakatamad lang basahin dahil sa sobrang tino, eh ang haba nung tanong bago mo sya masagutan. Hahah.

5. Pick-your-5.
- Eto ang isa pa sa mga nakakaadik na application ng Facebook. Yung pipili ka ng top 5 mo sa category na sinasagutan mo. HAHAH! Ako, sa isang araw, nakaka 5-10 Pick-your-5 quizzes ako. ADIK MAN!! HAHA!

6. Gamers.
- So akala nyo purkit naglalaro ka ng Dota, Warcraft, Starcraft, Half-Life o kung ano mang online games dyan eh gamer ka na? Sa facebook, madami ding gamers! Mga taong karir din kung maglaro ng game. Andyan ang Pet Society na hinango sa larong Ragnarok, (HAHA) Ang Restaurant City na nakuha sa The Sims, (LOL) Ang Mafia Wars, Street Racing, and My All-time favorite na may inaway pa kong bata, ang Rock Legends! These are some games to name a few. Marami pang iba dyan. Hehe. You can check me out though on Rock Legends. My band's name is Ruffie and The Rejects. I'm currently playing My Girlfriend's account, sila naman ang Frufru and the Rejects. Heheh. :) Ang problema nga lang, eh ang paulit ulit na kanta na madidinig mo pagnaglalaro ka. HAHAHAH!

7. Facebook Messenger
- Eto yung mga tao na  ginagamit ang facebook para lang makipagchat sa mga kaibigan nila kung bawal yung Yahoo messenger sa opis nila. Hahaha! Andaming ganito sa facebook! HAHAH! Pag ikaw ay nakikipag chat, hinding hindi mawawala ang mga commands na APPLE+H for MAC para i-hide ang window, at ALT+TAB for WINDOWS para di mahalata. HAHAHAH!

Mangilan ngilan palang ito sa mga nakakasagupa ko sa Facebook. Sigurado marami pang iba dyan na mamemeet nyo na talaga nga namang adik din sa Facebook. Ikaw? Ano ka sa kanila? Asan ka sa mga yan? Or baka naman, lahat yan, IKAW. :) I know i am. except for #3. :p Oo nga pala, kung ang Friendster ay FS, ang Myspace ay "MS," ang Facebook naman ay FB. Fuck Buddy. ay. joke lang. haha. FB. Facebook. haha.