Friday, April 10, 2009

Ang Bisita Iglesia at ang Misa de Gallo.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang Bisita Iglesia ay ginagawa ng tao tuwing Holy Week. Ito ay ang pagpunta sa iba't ibang Simbahan sa Manila. Either by Lakad or kung Conyo or Sosyal ka, Naka-oto ka. Ito yung magdadasal ka then after that, lipat ka naman ng ibang simbahan. 7 simbahan lang ang pupuntahan mo. Hindi lahat ng simbahan pupuntahan mo. Aba pagod ka na non malamang. Haha. Usually, ginagawa ito pagsapit ng hapon or gabi. Or kung masipag ka at ayaw mo gabihin, umaga ka magsimula.

Ang Misa de Gallo naman ay nagaganap tuwing Pasko. Ito naman yung magsisimba ka ng 9 na beses para matupad ang wish mo or prayers mo. dalawa ang schedule ng Simbang gabi. Ang isa ay yung gabi, yung isa naman madaling araw. Pero ang Totoong simbang gabi ay yung madaling araw. Para sa mga tamad gumising lang ng maaga ang gabi na simbang gabi.

Ito ay dalawa sa mga Tradisyon na ginagawa ng isang Pinoy. Pero minsan napapansin ko hindi na to nagiging isang sacred tradition or parang alam mo yun, ginagawa na lang ito ng tao para lang masabi na "OI NAG (place the tradition here)!" Lalo na sa mga Kabataan ngayon. Ginagawa na lang nila itong EB. Ako tuwing disyembre nagsisimbang gabi ako. At pag magsisimbang gabi ako, I make sure na nasa loob ako at nakaupo. Kaya mga alas 3 pa lang or mga 3:30 ng umaga, wala na ako sa bahay. naaabutan ko pa ang Rosary. 1 beses ko pa lang ata nakumpleto ang Simbang Gabi. Ako kasi, kapag namiss ko na ang isang Simbang
Gabi, Hindi ko na ito pinagpapatuloy. Sira na eh. Kainis lang. Pero kung sipagin the next day, nagsisimba ako. Pag asa labas ka kasi nagsimba, Hindi ka makakapagconcentrate dahil ang Ingay ng mga tao. Imbis na nakikinig sa salita ng Diyos, yung iba nagtetext, yung iba nagpapayabangan ng porma, yung iba naglalandian. Ewan ko ba. Pero ang Simbang Gabi nila, nagiging "SIMBANG TABI." Ang Bisita Iglesia naman, hindi ko pa ito nasubukan sa buhay ko. Hindi dahil sa ayaw ko, pero tinatamad ako. Sorry. Haha. Pero sa ibang tao, na nasa labas lang ng simbahan din, Ang Bisita Iglesia nila, nagiging "BISITA SA TABI."

Kagabi, hinatid ko ang Girlfriend ko sa trabaho nya. Langyang yan, Holy Week na nga may pasok pa sila kakainis. Pero ok lang Double Pay naman daw sila. AT bago kayo magisip ng kung ano ano dyan, Hindi po Call Center ang trabaho ni Gf. Graphic Artist po sya tulad ko. So anyways, habang nasa tricycle ako at dumaan kami sa may simbahan, ANG TRAPIK. Bukod sa trapik, napansin ko puro sosyal at conyo ang nagsisimba, Mangilan ngilan lang ang nakikita kong normal na tao ang nagbibisita Iglesia. Well, iba pala ang trip ng mga Normal na tao. Nag aalay lakad pala sila papuntang Antipolo sila tuwing Holy Week. Ngayon, na-realize ko, Ang Bisita Iglesia pala ay Simba ng mga Conyo't Sosyal tapos ang Simbang Gabi ay simba ng Masa. Well nagsisimbang gabi naman ang mga Mayayaman at conyo pero yung Simba na Gabi ang ginagawa nila. Tinatamad kasi sila Gumising ng maaga eh. And they dont want to halubilo with the Masa outside the simbahan. They are so ingay eh. HAHAH! Kasi grabe eh. Yung mga nakita ko dun sa mga dinaanan naming Simbahan eh puro mga Mayayaman yung nakita ko. Mga mestiso, mga singkit, maputi at kung ano ano pa. Basta makikita mo naman yan kung conyo at mayaman yung isang tao eh. Pero ayun nga, Sila ang nagco-cause ng trapik sa simbahan dahil hanap sila ng hanap ng parking. Pag Simbang Gabi naman, Mga tao ang nagco-cause ng trapik sa daan. Andami kasi eh. Haha.

So Ayun nga. Pati pala pagdating sa Religious Thingy, Nahahati din pala ang mga Tao. Hahah LOL. :)

Thursday, April 9, 2009

Tingin.

3 Klase ng Tao ang nabubuhay sa Mundo ngayon. Ang mga Magaganda't Gwapo na tinatawag kong "Beautiful People," Ang mga Cute, at mga Panget. Wala lang. Gusto ko lang sabihin yon. Marunong ba talaga tayo tumingin ng isang tao? Saan ba natin binabase ito? Sa panlabas na kaanyuan? Sa ugali? Saan nga ba? Para sa akin, lahat tayo hindi marunong tumingin ng tama. Laging sablay. Kung marunong man, mga 60 porsyento lang ng tama tayo tumingin. Walang perpekto sa mundo. Lahat tayo sablay.

Ganito tumingin ang mga tao sa tao. Unahin na natin ang mga:

1. Beautiful People
- 2 lang naman ang nasa utak ng mga to. Either panget ka, or maganda or gwapo ka. Dahil nga sa sila ay ganon, ang gusto din naman nila ay kapareho nila. Basically, ang tinitignan ng mga taong to ay ang Panlabas na kaanyuan ng isang nilalang. Wala silang pakealam sa ugali or sa katayuan nila sa buhay. Basta gwapo/maganda, go lang. Sa mga litrato pa lang ng mga to sa mga albums nila, halos lahat ng kasama nila eh gwapo't magaganda. Hindi lang sa pagmumukha kundi pati na din sa pangangatawan. Oo nga't may mga kasama silang matataba't mga mukhang ewan pero nababawi naman kasi talaga sa Face Value. At kung
manlait ang mga to, Sunod sunod. Parang walang bukas kung magsalita. Palibahasa kasi maganda't gwapo sila. Parang sila si Tony Montana, They have the world in their hands.

2. Cute
- Naniniwala ako na ang mga cute ay nasa 60% na marunong tumingin ng tao. Sila talaga yung humahati sa mga Beautiful People at Panget. Sila ang mga marunong humusga kahit papaano. Oo nga't mapanlait sila pero ang nilalait at kinukutya nila eh yung mga kalait lait lang talaga. Hindi tulad ng mga #1, kahit sino na lang nilalait ng mga yan. Para bagang armalite ang bunganga kung manlait. Pero ang mga cute, 1 shot. Talagang tagos sa laman kung manlait. Pero yung mga kalait lait lang. Ang mga cute hindi lang panlabas na kaanyuan ang tinitignan nila kundi pati ang pag uugali ng isang tao. Jologs na kung jologs pero ang mga cute marunong makisama sa lahat. Walang arte sa katawan. Go lang ng go. Basta masaya, go lang!

3. Panget
- Ang mga Panget ang pinaka humble sa humble na tao na nabubuhay ngayon. Sila ang may mga ginintuang puso. Tulad ng mga cute, Hindi lang panlabas na kaanyuan ang tinitignan nila pati din paguugali. Jologs din sila pero mas jologs talaga sila. Minsan masayang kasama, minsan hindi. Minsan walang arte sa katawan, kadalasan nagiging trying hard fumit-in sa society. Ang mga panget ang kaibigan ng lahat. Dahil hindi din sila maarte. Go lang talaga sila ng go. They are a good listener. They give good advices. at hindi sila nangungutya ng tao. Dahil alam nila, Ang kagandahan o kagwapuhan ng isang tao ay nasa panloob na kaanyuan. Iyan ang paniniwala nila. Ang tingin nila sa lahat ng tao ay gwapo at maganda. Kahit hindi, yun pa din ang tingin nila. Isa ito sa mga frustrations ng mga Panget.

Kung ihahalintulad ko to sa mundo ngayon, Ang mga #1 ay may sariling mundo, ang #2 and 3 ang palaging nagkakasundo. Well minsan may nakikihalubilong mga #2 sa #1 dahil gusto nila maging sikat at gusto nila mang-mata ng tao, Pero ang nagkakasundo talaga sa mundong ito ay mga #2 and #3. Hindi ko sinasabing walang puwang ang mga #1 sa mundo pero parang ganon ang kinakalabasan. Sana magkaron ng sariling Bansa ang mga #1 kung saan sila sila din lang naman ang mga mag aaway at magpapataaasan sa isa't isa. Wag na silang gumulo sa mundo talaga.

Wala lang. Sabaw lang.. >.<