Friday, April 25, 2008

The CSB Survey!

I saw this from Molly and Pope's multiply site! wahahaha! mga benildeans sagot na lol!

Part One

1. ID number
10360956

2. 1st / 2nd / 3rd choice
1ST- Multimedia Arts
2ND- Industrial Design
3RD- HRIM

3. Course
MMA

4. Did you attend the Frosh Orientation Program?
yes

5. Did you attend the Frosh Night?
yes

6. Have you ever been caught by the D.O.?
yes once

7. Who's your academic adviser?
Angelito Calma o dba naalala ko pa lol

8. Favorite classroom?
ML3!

9. Do you know your GPA?
mababa di ko alam basta mababa

10. Is CSB your first choice?
pangatlo

Part Two

[x] You know that HRM and HRIM are two different courses
[ ] Brought / wore a jacket on a daily basis
[x] Had a Korean classmate
[ ] Signed up for many orgs during the Star Week
[x] Actually became part of an org
[x] You have met 'Jenny'
[x] You hang out at the cube
[x] You hang out at Plaza V.
[ ] You have had Shark's Fin with rice more than once a week
[x] You have been to SDA and AKIC
[ ] Went on LOA
[x] Dropped / failed a subject (bumagsak)
[ ] Skipped BIBSTUD at least once. (Sick)
[x] The turnstile is the place to 'know people
[x] Waited for someone / something at the 'airport'.
[ ] You've met your academic adviser.
[ ] Watched movies at the LRC.
[ ] Ate Yakisoba inside the classroom.
[ ] Used the WiFi on campus.
[ ] Went to the CL / i-Nook to cram assignments.
[x] Attended / watched an event in the theater for ORDEV
[x] Secured a Blue Form.
[ ] Missed a course card distribution day.
[ ] Missed a course card distribution day because you were on vacation already.
[x] Went through piles and piles of course card in the SIU.
[ ] Participated in the speech choir for ORALCOM.
[ ] Went to MoA in between classes.
[ ] Tried to get out of the building before the clock hit 6 PM and failed.
[ ] Tried to get out of the building before the clock hit 6 PM and succeeded.
[ ] Landed on the dean's list.
[ ] Landed on the dean's list for three consecutive terms.
[ ] Parked at the 'beach'.
[X] Used the EAF to get in because you forgot your ID.
[X] Had a freaky prof.
[x] Became friends with a prof.
[ ] Became friends with a guard / D.O. / ACTC person / LRC person. ( ASA PA TAYO)
[x] Had a 6-9 class.
[x] Went to the ACTC to renew your account / password.
[x] Tried to access Friendster in the CL / i-Nook and got blocked by Websense.
[x] Secured handouts at the 2nd / 3rd floor Duerr Hall.
[x] Arrived late for a 7 AM class.
[ ] Had an online exam through the Moodle. (WATS A MOODLE)

Tagged.

Suspect: http://notadream.multiply.com

Victims:
1. Raizel
2. Aj
3. Janis
4. Kitkat
5. Pat
6. Ana
7. Pia
8. Monica

RULES
:

A. People who have been tagged must write their answers on their blogs and replace any question they dislike with a new question formulated by themselves. Tag 8 people. Those who are tagged cannot refuse.

B. These 8 people must state who they were tagged by. You cannot tag the person who tagged you. Continue this game by sending this to 8 other people.

1. Would you go for someone who you know could never be serious about you?

NO

 2. What will you do if you do not share the same feelings as the person who likes you?

Paasahin or just take advantage of her.

 3. What's your take on same-sex marriages?     

OK

 4. Are you confused as to what lies ahead of you?

YES

5. What's your ideal lover like?

Artistic. Gago. Wild. Petite. MALIIT. at sana. CHINITA.

 6. Which is more blessed, loving someone or being loved by someone else?

being loved

 7. If the person you like does not accept you, would you continue to wait for them to change their feelings?

NO

 8. If the person you secretly like is already attached, what would you do?

LEAVE HER

 9. Is there anything that has made you unhappy recently?

WALA except i got a work na woo!

 
10. What do you want most in life?

A girlfriend and money

11. Is being tagged fun?

A BIG NO

 12. If you find out that your best friend is going out with your boyfriend/girlfriend, how would you react?

MURAHIN SYA AT TABLAHIN

 13. Who is currently the most important person to you?

Mama, Ate, Kuya, and my future girlfriend

 14. What kind of person do you think the person who tagged you is?

SOSING MODELA HAHAHA

 15. Would you rather be single and rich or married and poor?

SINGLE AND RICH BEBE

 16. If the person you secretly like cannot recognize you, what would you do/how would you react?

LEAVE HER

17. Would you give your all in a relationship?

YES ALWAYS

 18. If you fall in love with two persons simultaneously, who would you pick?

THE WILD ONE

 19. What type of friends do you like?

Gago in a way na hindi masama. Artistic. mahilig sa sports.  Mababaw ang mga kaligayahan. mga Palengkero/Palengkera.

20. If you played a prank on someone, and he/she fell for the trick, what would you do? 

TAWANAN

Ambaho!

Which is more smelly?

Kaninang umaga pagbaba ko, wala pang umaalingasaw na amoy sa baba. Nang bumaba ang Nanay ko at nagsimulang maghalungkat dun sa repridgeder na walang lamig, biglang may nangamoy. Ambaho sobra. As in super!

My mom told me daga daw na patay yun. Ako naman sabi ko panis na pagkain.

Sa pagkakaalam nating lahat, ang amoy ng patay na daga na talagang patay na at yung medyo inaagnas na eh parang amoy flor wax na sobrang tapang talaga na hinaluan ng mabahong amoy talaga. basta amoy flor wax ang patay na daga dba? Ang amoy naman ng panis na pagkain eh parang amoy suka. hindi suka na vinegar kundi suka na puke.

Yun ang amoy na naaamoy ko. Amoy panis na pagkain.

Kinagabihan pinagtataluhan pa din namin ng nanay ko kung ano yung nangangamoy dahil hindi pa din mawala wala.

According to her,  mas mabaho pala ang panis kesa sa patay. Parang mas pabor pa ang nanay ko na amuyin ang panis kesa sa patay.

Alam ko mas MABAHO ang patay, kesa sa panis. kayo? sa tingin nyo?  panis na pagkain o patay na daga?

Thursday, April 24, 2008

Baon.

Magkano ang baon ko?

Noong nasa Elementarya ako, ang binibigay lang saking baon ng nanay ko ay 10 pesos.
Pagyapak ko ng High School, nadagdagan ng sampung piso. May baon na ako non na
dala. So ang gastos ko na lang ay Inumin dahil tinatamad na ako magdala ng coolman.

Dumating ang Kolehiyo. dumagdag ng otsenta pesos. 100 araw araw. 100 araw araw at nag aaral sa isa sa mga pinakamahal na eskwelahan sa Taft. Minsan hindi na ako kumakain at minsan naglalakad na lang ako papasok dahil malapit lang naman ang bahay ko sa school ko. Ang hirap pagkasyahin ng pagkain, pamasahe at pansariling pangkaligayahan.

Ako ay nakapagtapos. naghanap ng trabaho. Sa simula syempre kelangan mo humingi ng pera dahil wala ka namang sinisweldo pa sa trabaho mo dahil kakasimula mo pa lang. and guess what, ang sampung piso na naging bente na naging isang daan, ay naging 200. AH YES. 200 pesos ang baon ko sa trabaho.

Ganyan kakuripot ang Nanay ko. Pag wala ka talagang importanteng bibilhin o lakad o kung anuman BASTA HINDI IMPORTANTE, Hindi ka talaga bibigyan ng pera. Kaya minsan, kumi-kickback na lang ako kapag pinapabili nya ako sa tindahan. Hindi ko na binabalik ang mga sukli. O kaya minsan, sinosobrahan ko na lang ang hingi ko sa tuwing may bibilhin akong importante. Yun na lang ang paraan ko para makakuha ng pinansyal ko. Minsan din, kinakapalan ko na lang ang mukha ko sa nanay ko at sinasabi ko ang totoo. "Ma, may kadate ako. pahingi pera." "Ma, manonood ako ng sine, pahingi pera." "Ma, niyaya ako gumimik. pahingi pera. wala ako eh."

Kaya ngayong nagtratrabaho na ako, iniisip ko kung paano ko matitipid ang 200 pesos. Umaalis ako ng maaga sa bahay dahil nag eexcercise ako. Papunta dun isang bus. Pagkatapos ko mag excercise, bibili ako ng inumin tapos maglalakad ako hanggang sa may Makati Stock Exchange at dun sasakay ng Jeep papunta sa opis ko. 40 pesos na ang nabawas sa 200 ko. Pagdating ng lunch, syempre kakain ka. Ang meal kung gusto mo talaga kumain ay sabihin na nating nasa 60 pesos hiwalay pa yung drinks nun. gawin na nating 20 pesos ang drinks. 120 na ang nabawas. at paguwi, isang bus, at isang pedicab.
Bale ang gastos ko lahat sa isang araw, 140 pesos. 60 pesos ang natira sakin. ANG UNTI!

Pero ngayon babawasan ko na gastos ko. Kung kailangan maglalakad na talaga ako sa Pasay Road hanggang sa may Makati Med. Hindi na ako bibili ng Pocari Sweat. LOL. Kakain na lang ako ng kikiam o kwekkwek sa may kanto ng intersection. magji jeep na lang ako pauwi at maglalakad papuntang bahay.

Ang mga resulta: Basang Sisiw pagdating ng Opis, Uhaw na uhaw, makaka tatlong batch ng kwekwek o kikiam, at makikipag siksikan sa jeep. WTF.

Ikaw? Magkano ang baon mo?

Saturday, April 19, 2008

Call Center.

Ako ang isa sa mga taong iritang irita sa mga taong nagtratrabaho sa Call Center. Hindi naman ako naiinis sa trabaho nila (OO NA MAHIRAP NA TRABAHO NYO) Pero ang kinaiinisan ko yung mga Tao.

Naiirita kasi ako sa kanila lalo na sa ibang babaeng mga nakikita ko along Crispa, at sa may Ayala Ave, yung mga suot nila. Putek. Para silang gigimik sa mga kasuotan nila! OO na. Walang pakealamanan. Kanya kanyang trip yan. Pero putakte, umayos ka naman. Sa tingin mo ba rerespetuhin ka ng mga tao sa paligid mo kung ang damit mo eh hindi karespe respeto? Napakaikling skirt na parang makikita na yung panty. Hindi ko kasi alam yung mga tawag sa mga damit ng babae eh. pero idedescribe ko na lang, yung parang backless yung likod ba yun, tapos minsan yung suot super duper fit na medyo may pagka see through na at nakikita na yung panty o kaya yung bra. TODO MAKE UP. Basta minsan talaga iritable sila.

Sa tuwing ako ay aalis ng maaga at sasakay ng bus, AYUN! andami! grabe! madadaanan mo! mga feeling cool with hawak smokes pa. mga nakatambay sa starbucks, mga nakatambay sa may turo turo, tapos yung iba andun lang sa may railings. nakatayo. tapos nakapaikot pa sila. Ano kaya pinaguusapan nila? "Ui look at dis girl o.. *turo* ang cool ng shirt nya with the red pants and the heels.. tara lets talk to her" "Nakakainis tong girl na to ginaya yung dress ko!" Ugh. Wtf.

I am sorry kung babae lang ang binabash ko. Kasi sila talaga yung kapansin pansin sa "IT" Crowd eh. Wla pa naman akong nakikitang lalake na parang gigimik yung porma. pare pareho lang sila, naka hoody, polo shirt, maong, chucks/vans. Pero kung kayo meron, Let me know. AY MERON PALA! Yung mga bading. HAHAHAHAHA LOL!

Ano kaya noh, kung magkaron ng ruling ang mga call center company na may uniform sila. or formal wear talaga. Pero i prefer the uniform. Parang ganito yung mangyayari eh.

Guy 1: Pare, nakita mo na ba yung babae dun sa Bravo Company? (kunwari lang) Yung mga naka red. Ang ganda men! Kaso may boyfriend na ata eh. asa Alpha Inc. yung mga naka blue!

Guy 2: Ah oo. wala kasi sating maganda eh. ambantot pa ng uniform natin. checkered? parang mantel eh! Walang pdeng pagtyagaan dito!

Ang ganda noh kung color coded yung mga uniform ng mga nagtratrabaho sa call center noh. Tignan natin kung makarampa pa sila sa daan. HAHAHAHAHAHAHAH!

Pero wish ko lang talaga, magkaron ng ganon sa call center. Hindi yung mga damit na akala mo e gigimik. Para naman magmukha silang PRESENTABLE.

Mga Babaeng Sumisipsip sa kapwa Babae.

Just correct me if im wrong sa pag use ko ng mga words ha. Or the whole post. LOL! WAHAHAH!

Anyways, lets start.

Sa multiply, kahit san pde ka magcomment kung kani-kanino, at ng kung ano ano. At sa multiply din, talamak ang mga magagandang babae. Pag maganda ka, may tendency ka maging vain. at ang laman lang ng multiply mo, EH MUKHA MO. Imbis na magkaron ng isang album na puro mukha nya lang, ay hindi! kelangan iba ibang albums yan! May "Vanity," merong "my beautiful pics," o kaya "This is my face." Or basta yun! gets nyo naman ako dba?

Pala surf ako ng mga magaganda sa multiply. Yung friend ko sa multiply na may friend na maganda sa multiply at yung friend nya na maganda din sa multiply and so on. Tinitignan ko ang mga photos nila. Grabehan sa mga comments. 45, 80, 120. WTF. Pero kung kikilatisin mo talaga ng maigi yung mga comments, eto lang usually ang sinasabi nila:

"Love your dress... your so great in clothes talaga"
"sexyness talaga!"
"Ang puti puti mo!"

Minsan pa, yung mga replies, mga quotes pa! yung tipong mala "Beauty is inside of you. cherish it." WHOAAAAAAAAAAAAAAAAAAA LOL!!! Iba talaga ang charisma ng mga magaganda. Ok lang kung lalake mag comment eh. pero babae? UGHHHH!

Ang mga lalake pag nagcocomment ng something maganda, dumidiskarte. ang babae pag nagcocomment ng maganda sa babae, SUMISIPSIP. Ito ay opinion ko lamang ha.

Dahil sa kaganapan na ito, nakipagusap ako sa 3 of my beautiful online friends. Syempre kinakausap ko yung mga nakakausap ko talaga sa ym ha. hindi yung kung sino sinong maganda lang. I asked them kung yung iba bang nagcocomment sa kanila eh kilala nila. sabi nila, Hindi. kahit yung mga babaeng nagcocomment sa kanila ng ganon. 2nd, i asked them kung nagsasawa na ba kayo sa mga ganong comments. Yung isa, ndi. feel nya maganda sya eh lol haha. yung isa wala na sya pakealam dahil pare pareho lang naman sinasabi kaya nakakatamad na magreply. Yung last naiirita na. lol haha!

Pero ewan ko ba kung bat ganon. mga babaeng sumisipsip. Bakit? ganon na ba sila mag appreciate ng beauty? ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Hindi na yata appreciation of beauty yun dahil isipin mo kada album, may comment? wtf. Obssessed? Stalker? Idol? Inggit? bakit bakit? ewan ko ba.

Saturday, April 12, 2008

Halimuyak ng Babae.

Hindi ko naman dapat talaga ipopost to eh.

Pero wala lang. bukod sa nadidiscourage na ko sa buhay ko dahil hanggang ngayon wlang natanggap sakin na work, eh nakakadagdag FOR ME ang kalungkutan ko sa buhay ang walang Mahal sa buhay. If you know what i mean so wag nyo sabihin sakin andyan ang nanay mo or kung ano man.

Nakakamiss ang may girlfriend. Yung palagi mo katext o kausap. Yung hawak mo ang kamay nya. Yung naaamoy mo yung perfume na ginagamit nya pag aalis kayo. At yung buhok nyang amoy cream silk or sunsilk ata yun. Yung leave-on ba tawag dun? yung yakap yakap mo sya. Yung pag asa mall kayo, hindi ka makatingin sa ibang babae dahil alam mong mag aaway kayo. Yung dala dala mo yung bag nya. Yung naglalaro kayo ng arcade. Yung nagpipicture taking kayo palagi. Yung kinikiss mo sya sa cheek. sa lips. sa neck. at kung san san pa. YUNG MAHAL MO SYA.

Kapag nakakatsamba ako mag mall nakakainis dahil andami dami kong nakikitang copols. And that's shitting me. Argh. Naalala ko nun, asa g4 ako, bibili ako ng ticket, tapos sa likod ko, may copol na wala ng bukas kung maglambingan. TAENA! inggit! grr! tapos, eh matagal pa naman yung papanorin ko, so bumaba muna ako para mag ikot. habang asa escalator ako, yung nasa unahan ko naman, yung babae, nakayakap dun sa guy nya. yung asa likod yung babae? ARRRGH! kakabadtrip. Kaya ayaw ko magmall ng mag isa.

Sabi ng kaibigan ko, Lumabas naman daw ako. Lumabas, meaning GUMIMIK. Eh sa anong magagawa ko, kung hindi naman ako gimikero at hindi yun ang buhay ko? Tsaka isa pa, no cash. LOL. haha. Gumimik naman daw ako para makahanap ako ng babae. WTF. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa mga babaeng gumigimik eh. and vice versa. Kasi 70% of the girls na gumigimik eh hindi naman marunong magseryoso yan sa relationship. Yan yung mga Hit and Run prospects eh. No ofens sa mga babaeng gumigimik dito ha. Eh pano kung yung makilala ko pala eh Malandi. Taena. Olats. Basta, wala ako tiwala sa mga babaeng pumapartey. KASI NAEXPERIENCE KO NA YAN EH. It didn't work. Tsaka oo nga pala, TORPE ako pagdating sa babae. taena. TORPE. PUTEK. haay. no wonder...

Kaya Nikko, wag mo sabihin sakin na gumimik ako. Ikaw kasi sibak potential ang hanap mo eh. HAAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!

Hindi ko kelangan gumimik para makahanap ng babae. Meron dyan sa tabi tabi lang. Sa kapitbahay, sa kaibigan ng kaibigan mo, sa pinsan mo, sa pamangkin mo, sa kanto, sa may labas ng bahay, sa tindahan, sa mall, sa may 7-11, sa may bangketa, sa officemates ng nanay mo, sa kapatid mo, and mostly, SA INTERNET. :D

Saturday, April 5, 2008

People that you should delete in your Friendster.

Madami ang pala-add lang ng kung sino sino sa friendster. And i am one of them. The good news is, yung iba, ina-add ako, yung iba hindi.

Isa kasing mali sa mga fume-friendster eh hindi nila napapansin, ANDUN ANG SURNAME NILA. kaya pag inadd mo at tinanong kung alam mo ang email or surname, pde mo ilagay. hahahaha!
kaya natatawa na lang ako eh. hehe.

I add people. Ang tinitignan ko sa kanila, yung itsura ng profile nila, itsura nila, at kung she looks interesting. Pero minsan hindi ako nag-aadd ng maganda kung ang panget ng profile. Alam mo yun yung sobrang overdesigned. may graphics, may glitters, may chat box,  may gif images at kung ano ano pang kalokohan. Basta yung mga hindi naman dapat andun, eh andun. nakakairita dba? Tapos dba minsan, yung profile nila, bago mo maopen, bigla na lang magbabago na parang magic! mag iiba yung itsura! kakairita yung mga ganon kaya. sobra.

Pero hindi naman to yung reason kung bat ko to pinost. Bibigyan ko lang kayo ng listahan na kung sino ang mga  idelete dapat sa friendster account nyo para medyo maayos naman yung mga so called "friends" mo.

1. Mga panget. except for your friends ha. syempre matagal mo na mga kilala yun hello. ang ibig ko sabihin yung mga bagong mag-aadd pa lang sayo. yun dapat ang mga di ina-accept. pero kung na-accept mo ng di sinasadya, DELETE MO NA KAGAD.

2. Yung cartoon or anime yung pic. Dude, ang sagwa dba? takte. kairita mga ganong tao.

3. Yung mga kuha sa webcam na napaka panget ng mga posing tapos mga mukhang boy/nene. basta makikita mo naman dba. DELETE THEM.

4. Mga Walang Photos.

5. Yung mga taong hindi nag oopen ng 3 weeks time. Yun na yung maximum. 2 weeks pde pa eh. pero 3 weeks? WTF.

6. Yung mga tao na ang pangalan eh nagsisimula sa special characters like +.'"=+//\\|. yan. pag hinahanap mo yung tao takte ang hirap hanapin dahil sa napaka arteng pangalan.



Every after 2 months, ginagawa ko yan. nagdedelete ako ng mga nabanggit ko sa taas. i have 5 accounts. binubuksan ko yung 4. may isa akong account na ginagamit ko lagi. so people, if you dont mind, add me. :)

www.friendster.com/datubadjao

Thanks a bunch. :)