Sunday, December 30, 2007

This is my New Year's Resolution.

1. Hindi na ako magpupuyat.

2. Hindi na ako mag IIRC.

3. Hindi na ako manlalait. NOT!

4. Magtatanggal na ako ng mga walang kwentang tao sa Multiply ko para walang nakakairita.

5. Magtatanggal na ako ng mga walang kwentang babae sa Multiply ko.

6. Wala na akong papansining ibang kaibigan ko na mga walang kwenta.

7. Magpapapayat na ako.

8. Hindi na ako magiging pasaway sa Nanay ko.

9. Maglalaba na ako ng damit ko. at brip ko.

10. Babawasan ko na ang pagkain ng Junk Foods.

11. Babawasan ko na din ang pagpapabili ko pag naggogrocery kami ng Nanay ko.

12. Susubukan kong wag na umuwi ng late tuwing ako ay gumagala.

13. Susubukan ko ding wag na maghanap ng babae ONLINE.

14. Susubukan kong hindi na maging Torpe.

15. Iiwasan ko na mainlove sa mga babaeng hindi ko pa nakikita.

16. Tutulong na ako sa gawaing bahay.

17. Mag-aaral na ako magdrive.

18. Babawasan na ang panonood ng X.

19. Babawasan na ang pagiging magastos.

20. Magmamahal na ako ng tunay. LOL HAHAHAHA! 

This is my Christmas Story.

Grabe. Delayed na dahil wala ako internet for 1 or 2 weeks dahil sa pldt. On-going pa din daw pag aayos nila.

December is the best month for me this year. Takte. bukod sa mayaman ako, (may sweldo kasi) madami akong napabili sa nagsiuwiang mga kapatid ko. Yes surrr! hahaha. Paskong pasko talaga! woooot! at bukod sa mga regalong aking naibili sa sarili at napabili, eto rin ang pinaka da best dahil magkakasama kaming pamilya for the very first time after 6 years. grabe. Sobrang saya ko talaga. Andyan yung ate ko na ang sarap sarap bullyhin dahil ang liit liit, at andyan ang kuya ko na tulad ko, mababaw din ang kaligayahan. parehas kami. mahilig kami tumawa. At may bagong member ng pamilya. ang wifey nya. Ok naman sya. tahimik. pero parang kuya ko, masiyahin at palatawa. Malambing sya sa kuya ko. Perfect couple. harhar. At hinding hindi mawawala sa equation ang Nanay ko. BOOOM! the best nanay eber. kahit na may unting misunderstandings kami, mahal ko yan. tawag ko nga dyan ngayon si SHE-HULK eh. isipin nyo ha, last month, Nadengue. last last week, nabangga ng motor. pero tignan nyo, malakas pa din! hindi napabagsak ng motor ha. yung motor pa yung tumilapon. tsaka yung driver. Pero basta. matikas ang nanay ko. I thank God binigay sya sakin at masaya ako na sya ang nanay ko. halavshu mommaaa! kahit hindi mo ko sinasabihan ng i luv u pag nilalambing kita habang pinapaamoy ko kilikili ko. hehehe. :)

Where did we spend our Christmas? Sa baguio. para makaiwas nman sa mga gate crashers na tuwing pasko eh nagpupunta samin. Nakakasawa na ang magluto. nakakasawa na mamigay ng datung. Panahon na para kami naman ang magwaldas ng pera. yung kami. KAMI LANG. lol. haha! Dami ko din napabili dito sa kanila. ni-hindi ko man lang nagalaw ang kayamanan ko. LOL HAHAHAHAHHA!

Ang saya ng disyembre. mataba. walang girlfriend. umitim sa baguio (naknantutsa). nasisante sa trabaho. maraming pera. madaming nabili at naipamili. at syempre da best, kasama ang pamilya. sana next yr ganito ulit. pero di na yung nasisante at naitim. LOL. pero i think next next yr pa ata uuwi ang kuya ko. ate ko di ko pa alam.

December 31 na pala. hindi ko pa kayo nababati ng Merry Christmas. Belated na lang sa mga masugid kong readers. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang bumubuhay ng Blog ko. NAKNAMPUTEK ANDRAMA LOL! Happy New Year na din po sa inyong lahat. Ingat lang po sa mga magpapaputok. baka maputukan ang bedsheet nyo este kamay nyo. HAHAHAHAAHAH!

Wednesday, December 19, 2007

"DATE" Outside the box.

Kung merong "think outside the box," Meron ding "Date" outside the box. meaning, hook up with girls that are not in your league. Yung tipong ibang trip naman. Tama na yung "gusto ko ng chinese, gusto ko ng maliit, gusto ko ng maikli buhok at kung ano ano pang gusto mo." Kadalasan naman kasi, Kung ano pa yung mga ayaw natin, yun pa yung mga dumadating satin. Rare lang ang maging syota mo ang talagang pinapangarap mo. KUNG matiyaga ka. Meron akong kaibigan na ganyan. Malupit sa chiqs yun. talagang what he wants, he gets. HAHAHAH!

 

Ako, meron akong term sa mga babaeng trip ko. KS or Kaledad Singson. Eto yung mga babaeng makikita mo sa daan na "pde yan pare." Sa mall, sa skul, at sa kalye. Madaming KS. Hindi ko sinasabi yung mga katulong ha. basta KS.

 

Pero napapansin ko lang, sa aking pakikipagdate sa kung kani kaninong babae, and i mean yung talagang date ha. Wala pa akong nakakadate na KS talaga! as in shet. Mababang klaseng mga babae ang nadedate ko. Takte. GRRR! Parang wtf talaga. haay. Kaya nafrufrustrate ako.

 

So dis past few days, napapaisip na ko, puro ko KS KS KS KS KS KS eh wala naman akong nadidiskartehan na KS. tapos ngayon pumapasok pa sa isip ko yung mag upgrade naman ng likes when it comes to girls. haay. Ika nga ng kaibigan ko, ANG HINA KO DUMISKARTE. for short, TORPE ako. ang sakit masabihan ng torpe ha. haay.

 

Takteng Pasko, hindi ka na nga nakakapagsimbang gabi, ang taba mo pa, dateless ka pa. WTF.

Nasasabaw ako. sana naintindihan nyo post ko. Merry Christmas to all. :)

Monday, December 17, 2007

Simbang Gabi.

Misa De Gallo (Dec. 16 - 24)

Traditionally, Christmas Day in the Philippines is ushered in by the nine-day dawn masses that start on December 16. Known as the Misa de Gallo (Rooster's Mass) in the traditional Spanish, and these masses are also more popularly known in Filipino as Simbang Gabi, or "Night Mass". The Simbang Gabi is the most important Filipino Christmas tradition.

These nine dawn Masses are also considered as a Novena by the Catholic and Aglipayan faithfuls. This refers to the Roman Catholic and Aglipayan practice of performing nine days of private or public devotion to obtain special graces.

In some parishes, the Simbang gabi begins as early as four in the morning. Going to mass this early for nine consecutive days is meant to show the churchgoer's devotion to his faith and heighten anticipation for the Nativity of the Lord. In traditional Filipino belief, however, completing the novena is also supposed to mean that God would grant the devotee's special wish or favor.

After hearing Mass, Filipino families partake of traditional Philippine Christmas delicacies, either during breakfast at home or immediately outside the church, where they are sold. Vendors offer a wealth of native delicacies, including bibingka (rice flour and egg based cake, cooked using coals on top and under), puto bumbong (a purple sticky rice delicacy which is steamed in bamboo tubes, with brown sugar and coconut shavings as condiments), salabat (hot ginger tea) and tsokolate (thick Spanish cocoa).

This is the worst Xmas ever.. I missed 3 Midnight Masses na. Arghh. :( Ayaw ko ng panggabi. Gusto ko yung 430am eh.. huhu. Nagigising naman ako ng 3am dahil gusto ko umupo.. pero putek. Talagang hinihila ako ng Kama.. NOTE TO SELF: Wag na makipagtext ng madaling araw para wala problema. Eto na talaga. promise. Magsisimba ako mamaya. Pramis na talaga to. Pag hindi pa din, Hindi na talaga ako magkakagirlfriend forever. GRRRRR! Kahit di ko na kumpleto, OK Lang. basta makapagsimba ko masaya na ko. Pramis kakayanin ko na to.

Monday, December 10, 2007

This is my Christmas Wishlist.

Since some people are posting what they want for christmas, its my turn. :)

1. Ipod - yes. i got mah new shit! wooo! - ACCOMPLISHED
2. bagong pc - yeye. upgraded na wooo! - ACCOMPLISHED
3. camera - naayos na ang camera ko yes! - ACCOMPLISHED
4. new chucks - black! still planning to buy more this christmas!! yeye!!
5. sana pumayat na ko. - PENDING
6. sana makumpleto ko na ang simbang gabi! - PENDING
7. sana magkagirlfriend na ko talaga ng seryoso - VERY VERY VERY PENDING FOREVER
8. sana may mabili na ko para sa sarili kong isang bagay na pera ko talaga - PENDING

Advance Merry Xmas everyone! :) 

Monday, December 3, 2007

Green!

ANG SARAP KUMAIN!

Yun lamang. masarap talaga kumain. for the past few days ang siba siba ko sobra kumain. no wonder ang taba taba ko. haay. no girls will like me no more.. :( pero anyways, MASARAP TALAGA KUMAIN!

Ano ba mga nakain ko.. hmm, menudo. sinigang na karne. meatballs. langka. fried chicken. porkchop. lugaw. beef steak. liempo. adobo. HOLY SHET MAN ANG SASARAAAP!!

Yan ang kinain ko kamakailan laang. at ngayon dadating pa ang pasko. at paniguradong maraming handaan at kainan nanaman ang magaganap. WOOOOOOOOOO!!!

Ngayon nagtataka ako. bakit kulay green ang kulay ng tae ko? 2 araw na eh. hmmm.