Thursday, November 29, 2007

The Makati Incident. 11/29/2k7

Isang malamig na thursday morning. asa opisina ako. gumagawa ng design. nang biglang may nagpaalam sa akin na may nagaganap na kaguluhan daw sa Makati.

Si Trillanes kasama si Lim ang kanyang associate ay nag walk out sa kanilang hearing from makati regional trial court to manila pen. Isipin nyo, naglakad sila nang naulan. buti di sila nagkasakit. lol.

Anyways, their plan again is to oust our pandak presidente. Ginawa na ito ni Trillanes dati ngunit bigo sya. at ngayon, pinaluhod nanaman sya ni Pandak. sa makati din. from G4 to Manila Pen. baka ang isunod nito Shang rila makati pag nagkaron ng 3rd coup.

Lumipas ang 3pm deadline ng pagsuko ni Trillanes pero hindi sya nagpatalo. di daw sya susuko. so ako parang "p*tangina, maangas ka na ngayon ha." mukhang matutuloy na to. sabi ko sa isipan ko.

As i was reading the updates in Abs cbn interactive, sabi nya dun, "Expect the worse to happen" so parang naiisip ko pa, magkakaron ng bloodshed! Nabasa ko pa, may mga gunshot na daw. the "bidas" threw smoke grenades. so intense na mga men. haha. SUSMARIA. mas worse pa ang nangyari kay Trillanes. NABADING. susuko din pala. WTF.

Ang akin lang naman, Ang gago nitong senator na to kung gagawa sya nito sana pinanindigan nya na. Kung mamatay mamatay sya. taena. parang lumalabas na Bitch sya ni Pandak. Pinaluhod na twice. OWNED for short. tsss. kala ko kaya na nya buto nya. yun pala MALAMBOT PA DIN.

Ano ba tong pakulo ni Trillanes? Binayaran ba sya ni pandak para pataasin ang ratings nya? Habang tumatagal kasi bumababa ng bumababa ang ratings nya. from the garci tapes, to the zte deal tapos eto. Pinardon nya na si Erap para makuha naman matouch sa kanya ang mga tao. So i guess, ipapardon nya din to si Trillanes pag tumagal tagal.

7pm. naglabas ng statement ang mga "bidas" at sinabing may curfew daw from 12am to 5am today.

Bullshit ka TRILLANES. nang dahil sayo, hindi ako nakauwi ng bahay at nakitulog ako sa bahay ng classmate ko. Tangina mo.

Tuesday, November 27, 2007

EB.

EB. Eyeball. para sa mayayaman at sosyal, they call it "hook up," or "meet up." Pero saming mga jologs, "EYEBALL" ang tawag namin. kami yung naghihintayan sa food court ng mall. sa tapat ng national bookstore. o kaya naman sa may bench kung saan pde umupo. Pero pag mayaman at sosyal ka, sa mga cofee shops ang kanilang waiting area while drinking cofee or whatever.

Ang EB ay isang pagtitipon ng isang grupo o kaya nama'y isang pagsasamahan ng magkasintahan o magkaibigan na hindi pa nagkikita at nagkakilala lang either sa telepono, sa text, o sa internet. Eto ay kadalasang ginagawa ng mga menor de edad at mga young professionals.

Ano nga ba ang nangyayari sa isang EB? Malas ang mauuna. kasi wala siyang kasama eh. parang tanga na naghihintay mag-isa sa isang pwesto. haha. wawa. At makaraan ang ilang oras, ayan, nagsisidatingan na ang mga kasama. "Hi.. ako nga pala si (name).. ay eto pala si (name)" hanggang sa lahat magkakakilalanan na. Pag medyo alam na nila ang mga pangalan nila, ayan dyan na maghahanap ng kanya kanyang "good  vibes" na mga people. yung pdeng i-close at pde pagkwentuhan ng mga maseselang bagay. haha. kidding. yung feeling na siguro tatagal ang aming friendship. yan.

Pag kumpleto na, magyayaya na yan kung san ang trip. Inuman, Gimik, Kain, o Arcade. Usually lahat naman ng group eb nauuwi sa Inuman eh. pumapangalawa ang Gimik. pero minsan ang group eb may mga out of town trips din yan. YUN ang masaya! hehe.

Pero minsan nakakatakot din makipag eb. Lalo na yung 1 on 1 na eb? ayy nako. katakot. Hindi mo alam yung kasama mo eh manyakis, bastos, o kaya naman PANGET lang talaga. Nagsimula akong makipag EB noong  2nd year high school ako. yun yung una kong naging gf. And so far, sa mga naka eb ko na 1 on 1, sya pa lang yung maganda sa mga naka eb ko. She's not that beautiful pero presentable naman ang mukha. Habang tumatagal, malas na ko lagi sa mga nakaka eb ko. Yung iba ampanget talaga, mas matangkad sakin, tsaka hindi ko talaga trip. Naalala ko nun, may naka eb ako, ang description nya sakin, "kamukha ko si Rinoa, mahaba buhok at maputi." Ako naman "AH OK" sige. tapos pagkita ko. pota, parang baklang mukhang katulong! parang ako napa P*tang*na na lang eh. ang malas grabe! Haay.

Ang panget naman sa eb eh yung kunwari good vibes na kayo ng friend mo tapos pag nagkita kayo biglang magbabago yung ihip ng hangin. Either napangitan sayo yung babae, or napangitan yung lalake. Nakakatakot yan sa mga mag boyfriend/girlfriend na pero hindi pa din nagkikita. Kawawa naman yung isa sa kanila.  Tapos iiyak iyak, magpapaka emo at kung ano ano pa.

Ikaw? Nakipag EB ka na ba? Ang loser mo naman kung di mo pa naexperience makipag EB. haha. :) JUST! kidding.
:)

Monday, November 26, 2007

Maggots.

Kakaibang mga araw ngayon. grabe.

For the past few days eh walang tao sa bahay. Ako lang. ang nanay ko ay nasa ospital recovering from sickness. So paguwi ko dito one time, napakabaho. akala ko may pusang nakapasok dahil amoy tae ng pusa. Masusi ko tong hinanap hanggang sa nadiskubre ko na ang amoy ay nanggagaling sa ilalim ng refrigerator namin. putakte. Dumating kasi ako sa bahay the other day para kumuha ng damitan ng mama ko. tapos nung iinom ako ng tubig, putek, hindi malamig! yun pala yung pagpapalamig, naka ZERO! edi nadefrost yung ref! putek! kaya yung sabaw nung karne, ayun! napunta dun sa ilalim! kaya sayang saya ang mga maggots. nagpyesta sila eh. ni hindi ko mahawakan yung container sa baba dahil sa mga yun. grr!

Ngayon eh medyo naeexperience ko na kung paano mabuhay ng mag-isa. ANG HIRAP. Nilinis ko yung ref, naglaba ako dahil wala na ako brief, damit at medyas at panyo, ako ang nagluluto ng ulam ko, nagtapon ako ng basura na may sabaw na pinaliliguan ng maggots, at kelangan panatilihing malinis ang bahay. SHET ANG HIRAAP! meron na ko preview sa mangyayari sa akin kapag medyo naging stable na ko sa buhay at trabaho!

Kanina na-late ako pagpasok sa trabaho dahil naglaba pa ko ng brief dahil wala na ko brief. haha. habang nakasakay ako sa bus, nakakita ako ng isang chinese na nagyoyosi. meron ngang nakisindi pa dito. yung chinese ewan ko pero mukhang may sira yung ulo. mukha lang ha. so after makisindi nung lalake, nag puff sya tapos pumunta sya sa may yosi trash tapos kmuha sya ng isang yosi dun na hindi pa namamatay! putek! parang WTF! Ang weird! 

Namimiss ko nanay ko. wala akong kasama sa bahay. wala ako ma-bully. wala ako maka-debate sa mga bagay bagay. wala akong ka-date! wala din akong naririnig na maingay. ang tahimik. O siya, linis muna ko. hindi na tumutunog ang washing machine. tapos na ata umikot. :)

Thursday, November 22, 2007

Nurses.

Yesterday, i went to the hospital para dalhin mom ko kasi medyo di maganda pakiramdam nya. We went directly to E.R. grabe. ibang experience yung nafeel ko dun. shet! first time ko nakakita ng doctors reviving the dead! sa simpleng pananalita, ngayon lang ako nakakita na binubuhay nila yung flat line na pasyente na. as in yung inaano nila sa dibdib.. ano ba tawag dun? di ko alam eh. hehe. First time ko nakakita, LIVE! haha. so ayun lang. natakot lang naman ako.

Anyways, habang naghihintay kami sa results and room namin, meron kami katabi na baby sa kabilang bed. Cute yung baby. kasama nya mom nya and the yaya. Cute din yung mommy. Cute silang dalawa. haha. dami cute. napansin ko, nilalaro siya ng nilalaro ng mga nurses. As in dinadagsa ng dinadagsa ng mga nurse yung bata! pinipicturan, yinayakap, lahat na! at dun ako nagkaron ng epiphany.

Pag cute ang baby sa hospital, nilalaro ng nilalaro ng mga nurse. pero pag hindi cute at mukhang asungot yung baby, hindi nila pinapansin. yung kunwari may sakit nga yung baby or kung ano man, sige ineentertain nila pero iba pag cute eh. talagang NILALARO NILA NG NILALARO! tapos napaisip tuloy ako, feeling ko hindi ako ginanon ng mga nurses dati. boooo. grr! >.<

Tapos nung kinwento ko ito sa pinsan kong nurse, sabi nya sakin, mga interns pala sila. ay sori. interns pala. eh basta. MUKHANG MGA NURSE EH. at dun din naman ata ang bagsak nila. or ewan. basta. mga mapili. BOOOO.

Monday, November 19, 2007

In a RelationSHIT.

Read dis. maganda to: http://kwembinekwek.multiply.com/journal/item/4/online_relationship
- dito ko nakuha ang idea sa pagsulat nito. :)

2 ang aking tatalakayin tungkol sa pakikipagkasintahan. LOL.

ONLINE RELATIONSHIT

- Ang online love/lust ay kadalasang nangyayari sa mga taong desperado magkaron ng bf/gf, walang mabola sa personal, mahina dumiskarte, walang pumapatol na lalake, natritrip or, wala lang talaga. Ginagawa ito ng mga estudyante, Yuppies or Young Professionals, or mga DOM. Di naman ako magsisinungaling na hindi sabihin na naranasan ko na yan. Actually, master ko na nga ata yan eh. LOL. haha. i think 89% of my relationSHIT came from the internet and 11% sa personal. IMAGINE THAT. Nabuhay sa internet. lol. haha.

Paano nga ba nagsisimula ang ganitong relasyon? una, maghahanap ka ng possible target. i-pra-private message mo sya. usual questions like, ASL? School? Course? Yr? Got pic? and so on.. pagtapos na dyan, ayan dyan na magsisimula ang landian. kwento kwento, tamang lambing, tapos pag naging good vibes na, ayun, "can i get your number?" tapos byebye! Swerte mo pag nakuha mo ang number. pag nakuha na, yan eto na yung solid kariran. haha. itetext na yan ng kung ano anong pambobolang quote. syempre may lambing text din like *hug.tyt* *sniff.sniff* at ang pinakasikat na lambing text, ang *mwahuuugggz*

Bigyan mo ng 1-2 weeks ang mga naglalandiang ito tignan mo, sila na. Syempre, EB EB na yan. tapos ayun! official na naging sila! nagiging official lang yan pag nagkita na kayo personally. pero pag hindi pa, syempre tamang kayo palang pansamantala. LOL. may ganong factor pa eh noh. haha.

Ang downside ng online relationshit ay hindi nyo pagkakatiwalaan ang isa't isa. not unless na lang ang isa sa kanila ay tanga, or talagang committed na sila sa relasyon nila. Pero yun nga. eto ang downside. Asa kang walang nilalanding iba ang lalake, asa ka lalong walang lumalandi kay babae. Uso ang online sulutan. uso din ang online siraan. LOL. yan ang mga kalaban nyo hanggang sa masira ang relasyon nyo kung magpapaapekto kayo. :)

Summarize: Hanap, Private Message, Landi, Eb, Away, Sulotan, Break up. yan ang Online Relationshit. :)

OLD WOMEN YOUNG GUYS

- Di ka tanga para literalin ang OLD WOMEN. Minsan tong mga babaeng to nakakainis eh. sasabihin nila sayo "ay sorry hindi ako napatol sa mas bata sakin." pero tignan mo, ilang araw pa lang lumalandi na si Old Maid kay baby boy. tssss! Nakakainis yung mga ganitong babae. Bibigay din pala. masyadong pakipot eh. Pag tinanong mo naman kung bakit ka nya pinatulan, wala masagot. Kasi napahiya. Ok lang naman sa babae na mas matanda ang boyfriend nyo eh. kasi LALAKE sya. pero kung matanda ang babae? nah not a good thing. syempre may maririnig rinig ka dyan "bakit mo yan pinatulan eh wala ka naman future dyan?" or "ang bata pa nyan immature pa yan!" or "pumatol ka sa bata? YUCK."

Eto pa masama, hindi ka nila ipapakilala sa mga friends nya kasi nakakahiya. syempre bata eh. hindi ka din dadalhin sa bahay ng babae. kung dalhin ka man, baka ipakilala ka "Ma, friend ko. si **********"

AT eto ang pinakabadtrip. Pagdating sa gastusan, AYUN. dun kayo mag aaway. syempre dahil sa bata nga si lalake at wala pang trabaho, si babae ang gumagastos. at pag nag away, isusumbat sayo na naging "sugar mama" mo sya. Ang shitty diba? Mahirap kasi sa mga old maids, ang taas ng expectations sa mga young boyfriends nila. kaya ayan. away. Yan ang numero unong pinag aawayan ng mga magkasintahang ganito. FINANCIAL. parang mag asawa eh noh.

-
Hay. ang love nga naman pdeng digital, pdeng personal. kanya kanyang trip lang yan. pero syempre, mas ok pa din ang Personal. haha. matututo na nga ako makipagkilala sa mga babae. LOL.

WAG DAANIN SA MULTIPLY! WAG DAANIN SA FRIENDSTER! WAG DAANIN SA MYSPACE! LOOOOL!

Saturday, November 17, 2007

Nasaan si Angel Locsin?

Isang malaking kawalan sa GMA ang paglayas ni Angel Locsin sa kanilang estasyon at lumipat sa kabila.

Si Angel Locsin ay isang produkto ng GMA. Kumbaga, sya ang "fruit of their loins." tama ba? haha. Sa GMA Sumikat ang babaeng to. dun sya nagkaron ng magagandang roles, at kung ano ano pa. maganda ang kanilang tambalan ni Richard Gutierrez sa mga palabas. sa kanyang kasikatan, ay bigla na lang sya nag desisyon na umalis sa GMA. Bakit?

Noong nakaraang mga buwan, binigyan ng isang matinding magandang introduction si Angel Locsin sa ABS. As in para bagang nakatama sila sa Lotto sa pagdating ni "darna." Madaming kantahan, madaming batian, madaming video thingy. napanod ko ito sa ASAP. matagal na ata to. pero dis year lang.

OO nga't nakuha ng ABS CBN si Angel Locsin. ang tanong: NASAAN SIYA?

Sa dami ng artista at talents ng ABS eh natabunan na siya. Walang projects. walang tv shows. walang wala. Ganon na ba katakaw ang ABS sa mga artista? Hinamak na nila lahat. haha. :)

NASAAN SI ANGEL LOCSIN?


Huli kong kita sa kanya eh naghohost ng WOWOWEE. EEEW.

Thursday, November 15, 2007

This day after yesterday.

ok di ko nagets yung title. pero still nilagay ko. guess what! as a succesful young professional, ako ay bininyagan na ng malakas na ulan at basang daan kahapon! watdafak!

Isa ito sa mga karanasang hindi ko malilimutan. Fak. Paglabas mo pa lang ng bahay, BASANG BASA KA NA. Sa may buendia, kakahintay ko ng bus, putakte, di ko namalayan ang likod ng pantalon ko, basang basa na. so pagsakay ko ng bus, putek. ang lamig. mahigit 1 hour din ata ako sa bus dahil sa uber trapik.

Pagdating naman sa Megamall ay isang pagkakamali ang ginawa ko. SUMUGOD AKO SA ULAN. Ang lakas pa naman ng ulan sooooper! fak. ayun. pagdating ko sa opis, yung buong pants ko, ALL WET. pinasok ng tubig ang sapatos ko, pinasok ng tubig ang medyas ko. o dba, pag naglalakad ako, parang may maririnig kang medyo sticky. carpet pa naman yung hallway kaya putek rinig na rinig talaga.

Buti nalang pinahiram ako ng pambasketball na shorts ng kaopis mate ko. anaknamputek, ang skwater ko tignan. LOL. at syempre, nagpadala din ako sa nanay ko ng tsinelas at shorts. LOL. ang sagwa ko tignan talaga kanina. as in literal. haha. di pa ko nag gugupit ng kuko sa paa ang haba, tapos anliit pa nung tsinelas na binili ng nanay ko hahaaha!

Iritang irita pa ko. I almost forgot, I walked from Megamall to Philippine Stock Exchange Tower. Medyo ang haba diba. may mga FX pero never ko pa nasubukan sumakay. How much ba dun hanggang tektite? atsaka wala din eh. kung sumakay din ako kanina ng fx wala din kasi basang basa na ko. LOL.

MEMO TO ME: Pag naulan, mag tsinelas at magshorts. pag asa opisina na, dun ka na lang magpalit. haha. haay. sana wag naman malakas ulan bukas. ayaw ko na. huhu. :(

Tuesday, November 13, 2007

Ako ay may Almoranas.

Nung nabasa mo ang title ng entry na ito, ano naisip mo? Sa tingin mo totoo bang meron ako nyan? nabigla ka ba? nandiri ka ba?

Minsan may mga bagay tayo na dapat hindi na ikinikwento sa ibang tao. Eto lang yan eh. pag nalaman pa ng ibang tao, either ika'y pandidirihan, maiirita sayo or maiilang o maaawa. pero usually naman especially when it comes to serious matters like diseases and shits, syempre, kahit di mo sabihin, mandidiri ka. at yung nandiri, ikwekwento pa sa iba, hanggang sa lahat na ata ng nilalang pandirihan ka.

Ok lang naman magpost ng mga kagaguhan or kabastusan eh. for me, tanggap ko pa yun. pero yung mga malala na? WTF. di na tama yun. sayo na lang. or kung di mo kaya ikimkim, talk to ur family or basta relative mo. wag na sa ibang tao especially kung di mo naman kilala. or di mo pa talaga lubusang kilala. atleast kung family mo, matutulungan ka.

Haay. tao nga naman. habang itina-type ko to, nagiisip ako kung may nakwento na ba akong malala dito eh. so far wala pa naman. yung hate letter ko lang dun sa bitch na x ko yung nailathala ko dito. pero yung grabehan, wala pa. buti naman. phew.

O sya. magpapagamot na ko. kasi ako ay may almoranas.

Saturday, November 10, 2007

Top 20 Schools in the Philippines.

This statistics is a result of the  study conducted by the Professional Regulations Commission (PRC) and the Commission on Higher Education (CHED),based on the
average passing in the BOARD EXAMINATIONS OF ALL COURSES of all universities and colleges in the Philippines. This study is concluded every 10 years. Eleven schools come from Luzon , two from the Visayas and seven from Mindanao.

1. University of the Philippines
(Diliman Campus / Luzon )

2. University of thePhilippines (Los
Banos Campus/ Luzon )

3. University of the Philippines
(ManilaCampus / Luzon )

4. Silliman University
( Dumaguete City / Visayas)

5. Ateneo deDavao University ( Davao /
Mindanao)

6. Ateneo de Manila University
(Manila/Luzon)

7. University of Sto . Tomas ( Manila /
Luzon)

8. Mindanao State University (Iligan
Institute ofTech/ Mindanao )

9. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
(Manila/Luzon)

10. Saint Louis University ( Baguio
City / Luzon )

11. University of San Carlos ( Cebu
City / Visayas)

12. Xavier University (Cagayan de Oro/
Mindanao)

13. Mindanao State University (Main /
Mindanao)

14. UriosCollege ( Butuan City /
Mindanao)

15. Polytechnic University of
thePhilippines( Manila / Luzon )

16. De La Salle University ( Manila /
Luzon)

17. Mapua Institute of Technology
( Manila / Luzon )

18. Adamson University ( Manila / Luzon )

19. Central Mindanao University (Bukidnon/Mindanao)

20. University of Southern Philippines
(Davao/Mindanao)

Sa mga andito yung school, congrats. :)

Friday, November 9, 2007

Starbucks.

Isang palaisipan pa din sakin kung anong hiwaga at misteryo ang nasa loob ng starbucks. i mean, lahat ng tao naaakit nito matanda bata batang bata at kung ano ano pang klaseng tao.

ANO NGA BA ANG MERON SA STARBUCKS?

Barista. kape. pera. babae. lalake. maganda. panget. sosyal. skwater. err wala palang skwater dun.

Bakit andaming nagpupunta dito para lang bumili ng pagka mahal mahal nilang kape eh pde naman silang magtimpla ng kape sa bahay nila? putakte. kape lang inaabot ka pa ng 100 pataas? anong klaseng kape yan? pampabata? pampaganda? pampagwapo? walangya, tinalo nyo pa ang sopdrinks at tubig eh. KAPE? ISANG DAAN? @_@

Kahit kelan hindi talaga ko nangahas bumili sa starbucks. naiirita nga ako pumasok dyan eh. Nakakairita ang mga tao sa loob ng starbucks. Well for me lang naman, naiirita talaga ako sa kanila. Kung pde ko nga lang talaga sagiin yung kape nila habang nasa table nila para matapunan yung mga mamahaling gadget nila, ipod, laptop cellphone, pati damit nila. UGH.

Eto pa pala, bakit sa tuwing magkakaron ng pagtitipon or simpleng pagkikita lang ng magkasintahan o kaya pokpok at kano, eh kailangan sa starbucks palagi? Purkit may upuan? ano ano ano? langya, uupo ka nga, sa labas naman! ang init init! susmaria! Pde naman kasi sa loob ng mall. gusto pa sa starbucks. UGH. pagbanggit pa nga lang ng word na yan iritang irita na ko eh. STARBUCKS. yuck.

Once lang ako bumili ng bagay sa starbucks. di pa ko nagenjoy. ang mahal eh. juice ata yun. putakte.


Madami ang nabubulag sa Starbucks. Madaming gusto magpa cool. madaming gusto sikat. ugh. you sak. tsss.


Ito ay isang opinion ko lang naman, di nyo na kelangan magalit sakin. pero kung magalit kayo, la ako pake. ibig sabihin, isa kayo sa mga taong yun na aking sinasabi. clear?

Monday, November 5, 2007

Miguel Singson Goes Bicol after 4 yrs

Oooohh yeah. belated ahpi halloween everyone. its been a long time and i mean very very long time na hindi ko nauupdate ang multiply ko. hhahaha. how's everyone?

lemme update ya'll by my status as of now:
- kumikitang kabuhayan na
- walang pc kaya di makapag internet
- nawala for 1 week dahil sa araw ng mga patay nagpunta ng bicol

The Bicol Vacation
- Actually, ayaw ko naman talaga sumama dun. kasi may trauma na ko dun dahil sa amoebiasis incident. (tama ba spelling) pero dahil namis ko na din naman mga pamangkin at mga tao dun, pumunta ko. ang ayaw ko lang eh andami naming dala. lalo na ang nanay ko. grrr. ayun. kala ko aabutan ko yung malalakas na hangin at ulan dun. di naman. pagdating ko ang init! putakte! grrr! pero nov 3 and 4, medyo umulan naman. kaya ok na din. grabe, nangitim ako ng bahagya. umalis lang ako ng isang araw ha. nangitim na ko. grr.

nakakatakot pag gabi dun sa bahay na tinirhan namin. haus kasi yun nung 3 kapatid ni mama. bago. malaki. ang natutulog lang dun, kaming 2 ni mama. kaya pag gabi, nakakailang kung ano ano kasing naiimagine ko eh.. :( baka mamaya may multo or may magpakita sakin. booo! haha.

Masaya na hindi ang bakasyon. pero ok lang. atleast nakita ko na ulit yung mga tao dun. nakakamiss din pala sila. haha. nag evolve na ang mga pamangkin ko. ang babatak ng mga katawan. ang tatangkad. ako lang ang hindi. haaaaay. di na ata ako tatangkad tlaga. :( wawa me. Namiss ko lahat to! mga fans ko! LOL HAHAHAHA! JUst kidding. hehe. :) hanggang sa susunod ulit.. tagal dumating ng bago kong pc eh.huhu.

sa mga DOTA BOYS, hintayin nyo ko! makakasali na ulit ako! lol

sa mga IRC Peeps, next time na ko balik pag may pc na lOL