Sunday, July 29, 2007

Lintek na CSB BLAZERS.

Putakte, 1 - 6? ano ba namang klaseng record yan! sa buong pag aaral ko sa Benilde Walang Season na hindi sila palaging kulelat! langya! 1 - 6??? WTF??! Ganon na ba kahina ang Basketball Team ng school ko? GRRR!

langya 1 - 6?!?!?! @_o

this is crazyyyy!!

Saturday, July 28, 2007

My Horrorscope for today.

The Bottom Line

Every relationship has issues -- get through them by talking it out.

In Detail

Every relationship has its issues -- this is unavoidable and perfectly normal. What is not normal is pretending that everything is okay when it most certainly is not. Ignoring a problem is not the same as solving a problem, so do not confuse the two! The only way to get through this issue is to talk it out -- preferably as soon as you can. A face-to-face conversation is necessary. The honesty and trust you need to convey won't register over email or phone lines.

WOW. As in like WOW???

Monday, July 23, 2007

Sabaw baby Sabaw.

It's 3:04 am in the morning and still im up. with 1 bottle of Bacchus, water and m&m's, sumakit ang tyan ko. ampanget ng combination pala. grr.

Nasabaw na ko sa paggawa ng thesis ko. Grabe. Damn it. Napaka iresponsable ko. Pero kakayanin ko. Im just wondering kung ang Portfolio, natapos ko in 3 weeks, bakit itong thesis ko, hindi ko matapos tapos. tapos naconclude ko, "MIGUEL, WALA KA KASING DEADLINE." ay oo. tama nga ang konsensya ko. Wala kasi akong iniisip na deadline kaya hindi ko matapos tapos. Argh. Andami ko nang nasayang na mga Buwan, Linggo at Araw. Damn it. I always ask myself "KELAN KA BA MAGSESERYOSO MIGUEL?" Damn it. Iba talaga pag inatake ka ng ANTOK at ni KATAMARAN. Kakaiba ang kanilang mga kapangyarihan. Medyo nakakagawa na ko sa Thesis ko. basta. medyo medyo patapos na din naman.

Graduating na ako. pero pabanjing banjing lang ako. Dahil sa naiisip mo ngang graduating ka, ayun, hindi ka makagawa sa mga dapat mong gawin. Yun na eh. andun ka na sa ending ng pag aaral mo. tapos bigla kang tatamarin. ANDUN NA. malapit mo na makamtan ang "mission accomplished" tapos biglang susugod naman to si Antok at Tamad. Damn it. Kahit anong gawin mo grabe. Ang lakas talaga ng hatak. Gusto ko baguhin yung takbo ng utak ko. Gusto ko maging busy. Gusto ko tapusin to. Gusto ko na matapos to. I will do everything to finish this. gusto ko paligayahin at maging proud ang mama ko at yung mga kapatid ko sakin. Ako na lang ang hinihintay nila. I dont want to screw this up. Will someone pls slap me in the face. "WAKE UP MIGUEL!"

Binata na ko ngayong araw na to. So its time for a little more seriousness in life. THESIS, WORK. you are mine. Hindi ako magpapatalo sa inyo. Kakayanin ko to. KAYA KO TO. Ang bumubuhay lang sakin ngayong mga araw na ito ay sa araw araw na pakikinig ng mga Gospel Songs, at pag inom ng Bacchus. Try nyo listening to Gospel Songs. sarap.

To all MMAers, kaya natin to. We can do this. Tayo tayo ang magkikita kita sa Entablado hawak hawak ang ating mga Diploma.

Monday, July 16, 2007

Meet the IN-LAWZ.

Oh yes. it was full of nervousment. well kasi 1st time ko pa lang nakita yung mga "welcome to the Familia" new members.

The group was composed of the Nanay, 2 siblings, kapatid ng asawa ng Nanay, and the pinsang buo ng Nanay. Lahat sila, MATATANDA.

na-op ako. dahil ako lang nagiisang bata. Habang sila ay masayang nag eenjoy magkwentuhan ng kung ano anong matatandang bagay, andun ako at pinagmamasdan ang mga taong naglalakad at nakapaligid sakin.

may magsyotang naglalambingan sa harap namin. yung babae bata, yung lalake matandang matanda. feel ko 10 yrs older yung guy. nursing ang babae.

sa likod namin may magsyota din. nagkwekwentuhan about school.

sa paligid nagkalat ang mga nursing students. i really hate them. nagkalat din ang mga mukhang pokpok na babae. at mga orcs.

So dahil sa nabagot ako, sumimple ako sa nanay ko na humingi ng pera to please myself. and she ended up giving me 200 pesos. WTF! ano mabibili ko sa 200 pesos! argh. so ayun. naglakad ako. pumunta sa arcade-an. maglalaro sana. pero nakakawalang gana ang arcade sa sm north. kadiri eh. i hate the arcades there. its so THIRD WORLD! haha. LOL. nanood na lang ako sa mga naglalaro. yung parang nag e-aerobics ka, tekken 5 at 3 at tag. gusto ko maglaro. pero ampanget talaga ng ambience. kaya bumalik na lang ako.

Watta waste of time. grr.

I love the Nanay, napaka energetic. ehehe. magkikita ulit daw kami. pero sa Canada na. hahaha! lols! Sayang, wala akong camera. so di ko sila napicturan. huhu. i saw the recent pics of my kuya and his wife. ang taba nila hahahaha! woooo! mas mataba sakin kuya ko woo!

Friday, July 13, 2007

LOMO Madness.


Ok. so everybody's going back to old school.

What's with Lomo Cameras ba? Ngayon lang ba naenlighten ang mga tao na "wow, ang ganda pala ng effect nito. bakit ngayon ko lang to narealize?"

I think lomo cameras wer like matagal na tapos ngayon lang na-fascinate ang mga tao.

Ano ba to? Nakiki-IN lang ba sila or gusto nila LOMO? im confused.

I first heard this kind of camera from my classmate, well hindi naman sya nakiki-in dahil in to photographies talaga sya. and he loves taking pictures. tapos as i surf and surf sa net (deviant art and multiply) ayun. nagkalat ang mga LOMO people.

Nakiki IN? or What?

minsan may kapitbahay.

Dito sa lugar namin, dalawa na lang kaming pamilya ang solidong nakatira dito. since birth andito na ako and still counting. Wish ko lang sana wag na kami umalis dito or wag na ipagbenta yung apartment na inuupahan namin. Kumbaga this is my safe place talaga eh. and I love living here. dahil bukod sa madali kang makapunta kung san san, boundary ka ng Pasay, Manila at Makati. o dba? Malupet.

Ngayon dito samin, we have this neighbor na ewan ko ba kung nagpapakasosyal or sosyal sila pero minsan kasi nakakairita or nakakabastos. Samantalang pare pareho lang naman kami ng pamumuhay noh. hindi sila nakakataas pero kami nakakataas kasi veterans na kami sa neighborhood namin. So anyways, may mga instances na nakakabastos for us.

Kasi one time, nagpalinis kami ng aircon dun sa friend ng mama ko, tapos sa labas kasi, nagkwekwentuhan sila, pero yung tamang boses lang ha. parang normal na paguusap lang. hindi nasigaw. walang sigawan. bigla ba namang nagsalita ng "ANG INGAY NAMAN!" sabay sinara yung bintana.

Tapos may isa pa, kakatapos lang maglaba ng nanay ko ng mga damit namin. so nagsampay sya sa labas. Bale mga puti yung nilabhan nya including my briefs. lol. tapos narinig nya na inutusan daw yung katulong na maglinis ng bintana. Kung di ba naman tanga at bobo yung katulong eh malamang pag nilinis nya yung bintana nila, yung alikabok, mapupunta sa damit namin. O dba? ang bastos. ginawa ng nanay ko, pinagsabihan nya yung katulong, tapos talagang tumayo sya sa labas ng bahay namin para lang bantayan yung katulong nila.

Kami di kami nagrereklamo pag yung mga bwisit na mga anak nila eh andyan tapos nagiingay na parang wala nang bukas tapos kami kwentuhan lang sa labas eh pagsasarhan na nila kami ng bintana. irita diba. Kapag kumpleto silang "sosyal" na pamilya aynako, trust me. PARANG BARANGGAY. napaka ingay. Ako? kelan ba ko nagiingay? pag may laban lang ang Ginebra at pag playoffs na ng NBA. Pero sila palagi eh. Nakakainis. Aynako. Hintay hintayin lang nila na maginit talaga nanay ko kung di talaga sila makatikim ng masasakit na salita sa kanya. according to my mom, malapit na daw silang bumingo sa kanya eh. Go go go mom! woot!

Ako discreet ako kung gumanti. ingat ingat na lang sila sa pintuan nila baka may pintura na. AT ETO PA PALA! Nasigawan na pala yan nung anak ng may-ari ng apartment na tinitirhan namin. I think very late na ata yun tapos ang ingay ingay pa nila then may narinig na sigaw si mama na "MAGPATULOG NAMAN KAYO ANG INGAY INGAY NYO!" basta something like that. Pahiya sila. haha.

Dadating din ang panahon na aalis din kayo. pangako yan. aalis din kayo. grr. >.<

Wednesday, July 11, 2007

PARANOID.

Panic. Paranoid. andaming iniisip.

must focus. must focus.. F-O-C-U-S. napapARANOID AKOO.

paranoid. paranoid. di mapakali. PARANOID. panic. PANIC. PANIC. PANIC!

FAILURE IS NOT AN OPTION.

must remain calm. think of happy thoughts. HAPPY THOUGHTS.



Paranoid. paranoid. masisira na ata ulo ko. PARANOID.

pressure. pressure. pressure.
must remain CALM!

@_@
@_@
@_@

COMPOSURE. COMPOSURE.
stress.

Fight the feeling fight the feeling PARANOIA!!!

must finish everything. FINISH EVERYTHING.
malapit na to. matatapos na to. KAYA TO.

I just know it. KAYA KO TO. This is it. no more OT's.
no more extensions. KAYA KO TO.

paranoia. panic. sinking again.
@_@
@_@
@_@
@_@

PANIC!

asdflkjfa!! @_@